𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟑

97 60 0
                                    

WARNING: R 18+

Heiden Schino's Pov.

"If it's just a dream?

I will force myself to wake up..

To find you!"

Annoyed I looked at the ceiling. Ilang araw ko ng napapaginipan ang gabing 'yon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung totoo ba o panaginip lang.

Hindi mawala sa isip ko ag gabing 'yon.

Lalo na ang babaeng 'yon.

Bumangon ako at nag punta sa terrace. "Kung panaginip man 'yon. Paniguradong nagising kana. Pwede bang hanapin mo na ako?"

*****

Kalahating oras na ako dito sa banyo at nakababad lang ang sarili sa bathtub habang nakatulala. Hindi na talaga mawala sa isip ko.

Kasi kung panaginip man 'yon, bakit ngayon ay sobrang linaw pa rin ng nangyari sa'kin?

Kung hindi naman 'yon panaginip, bakit nung nagising ako nung araw na 'yon, wala siya sa tabi ko?

Aaminin ko, naging masaya ako nung mga oras na 'yon, sayang hindi kopa nadadama kay Shane iba ang dating ng mga ngiti niya. Kakaiba siyang babae.

Her voice, ayon lang ang nag papatibay sa loob ko. Naririnig kong muli ang boses na 'yon pero hindi galing sakanya, sa ibang tao. Halos magka-parehas sila ng tono.

Nag ring ang phone ko kaya agad ko 'tong kinuha.

Shane Calling...

Nag pakawala ako ng buntong hininga bago sinagot ang tawag niya. Akala ko kung sino na.

"Hello, I missed you po." Bungad niya, kahit papaano ay napangiti ako. "Liar." Nang madama kona ang lamig ng tubig ay umahon na ako at sinuot ang roba.

"Believe me Babe, where are you nga pala?" Ang gulong nangyari nung gabi ay hindi pa namin pinag-uusapan.

Wala rin akong balak pag-usapan namin 'yon.

"I want to be with you now Babe."

"I'm at home, do you want us to meet?"

"If you want? Pwede rin natin isama sila Clark kung gusto mo." Bakit naman gusto mo pa kasama ang dalawang 'yon. "Hindi ayoko." Agad na sagot ko dito.

"Why babe? Nag away ba kayong tatlo?" Matapos punasan ang buhok ay humarap ako sa salamin.

"Hindi, ayoko lang sila makasama. Kung isasama mo sila paano kita masosolo n'yan?" 'Di ko mapigilang mapangisi.

Habang hinihintay ang sagot niya ay muli kong naisip ang huling linyag narinig ko, mula sa babaeng 'yon.

"If it's just a dream? I will force myself to wake up.. to find you!

"If it's just a dream? I will force myself to wake up.. to find you!

Ngayon ba ay.. Hinahanap mo na'ko?

"Okay fine wait me, i love you Babe."

"I Love you too my Princess." Siya na ang nag patay ng Linya. Nakita ko ang sarili, ni hindi man lang ako makangiti. Dati ay hindi nawawala ang ngiti ko kapag kausap ko siya. But now..

A lot has changed in me since that night.

*****

"Magandang umaga Mr. Heiden, nasa kusina po sila." Salubong ni Olivia ng makababa ako, tinignan ko ang parte ng kusina 'di kalayuan at pinagmasdan ang mga kumikilos dito sa bahay.

She's My Number One. [ᴏɴ ɢᴏɪɴɢ!!]Where stories live. Discover now