CHAPTER 5: Tuloy po

12 6 17
                                    

Vera's POV

(5)
——————

Simula noong napadpad ako kina lola Danny, hindi ko naramdaman na parang ibang tao ako. Parang walang nagbago ngayon na malaki na ako. Noon pa man, naging tambayan ko na ito noong bata pa lang ako.

Hindi ito isang bahay na parang kapitbahay lang, kasama ang nga taong hindi ko kadugo. Sa halip, sa kanila ko naramdaman ang pakiramdam na may pamilya rito sa loob ng simpleng bahay na yari sa sementadong lapag sa ibaba at kahoy ng Narra naman sa ikalawang palapag. May sakto itong laki kumpara sa bahay ng pamilya ni Dad kung saan pinamunugaran ng mga tamad at mapang-api kong mga half-sister.

Sa bahay na ito na may sariwa at malinis na paligid, masaya at tanging pagmamahal ang nararamdaman ko.

Pinatuloy nila ako na parang parte na ako ng pamilya nila. Sa t'wing marami akong dinaramdam, si Lola Danny ang sandalan ko. Ang mga payo n'ya at ang mga salita n'yang nakagiginhawa.

Dito sa bahay na 'to, pakiramdam ko may pamilya ako.

Pinagmamasdan ko sa labas ng terrace ang mukhang singkamas na apo ni lola Danny— si Caleb, na mas nagbigay ng kakaibang dekorasyon sa bahay na ito.

Masaya s'yang nakikipaglaro sa mga pinsan niyang sina Shasha at Potpot habang nadidinig ko ang mga halakhak nilang tatlo.

In fairness, ang puti talaga ni Caleb lalo na kapag gan'tong takip-silim, tumitingkad ang puti n'yang kompleksyon lalo na't nagpagulong-gulong na siya sa berdeng damuhan sa labas, na parang timang sa laki nito. Iisipin mong wala siya sa tamang katinuan buhat ng pakikipagkulitan nito sa mga batang kasama.

Umagaw ng atensyon ko ang boses mula sa labas na tinatawag ang pangalan ko.

Nakita ko sa labas ng gate ang pigura ng taong kilalang kilala ko. Napansin nina Caleb at ng mga bata ang pagkatok nito sa gate kaya natigil sila sa paglalaro nila.

Tumayo si Caleb mula sa pangingiliti kay Shasha at saka inayos ang nagusot nitong sando at shorts na halos kasing iksi lang ng shorts ni Potpot. Pinagpag niya ang kaniyang puwetan at bahagyang sinuklay ang manilaw-nilaw niyang buhok para guluhin.

Bumaba ako mula sa tatlong hakbang na hagdanan na yari sa kahoy at sumenyas kay Caleb na ako nang magbubukas ng gate nang malagpasan ko ito.

Nang mabuksan ko ang pulang gate, tumambad ang step-sister ko na nakapamewang suot ang hapit na blue T-shirt bilang panloob, na tinernuhan ng denim na bestida na bumabagay sa kayumanggi niyang kulay at black short hair nito suot ang hello kitty haidband na sa akin nagmula.

Isusuot niya na nga lang, hindi man lang nagpaalam.

“Vera, ano, nagbakasyon ka na?” mataray n'yang bungad sa akin habang nagtataas baba ang bagong ahit niyang kilay. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin habang bahagyang naririnig ang pagtilaok ng mga manok sa nalalapit na pagtakip-silim.

“Bakit ka naparito, Carol?” malamig kong tanong.

Nilaro n'ya sa loob ng kaniyang bibig ang dila n'ya at muli akong tinarayan, “Ehem! Pinapauwi ka na raw ni tatay.”

Nagkibit-balikat ako sa sinabi n'yang iyon gayong wala ni katiting na senseridad ang pagkakasabi niya.

Huh? Ako pinapauwi ni tatay? Para saan pa?

“Oh, ano!?”maangas nitong usal nang hindi ko pansinin ang sinabi n'ya.

“Dito na muna ako, Carol. Uuwi lang ako kapa—”

“Kapag ano? Echosera ka rin talaga, e 'no?” tumataas ang boses nito, “Kung umuwi ka na lang ka-y-a ah ahh,” nabigla ako nang bigla s'yang nanlambot at kung sinong tinitingala ang lalaking kakarating lang sa likuran ko—si Caleb.

Penny of SevenWhere stories live. Discover now