Chapter 16: Cockfighting

3 4 1
                                    

Third Person's POV

(16)
———

Kumunot ang noo ni Caleb nang mapansin ang maayos na damit ng tiyahin. Nakasuot si Tiyang Sabby ng kulay rosal na dress na hapit na naman sa balikingkinitan niyang katawan na tinernuhan ng malaking sombrero na kulay brown at may ribbon pa ito sa tuktok.

“What are you wearing?” kyuryusong tanong ng binata habang nakasandal sa kahoy na bench sa labas ng terrace. Dito kasi mas dama niya ang simoy ng hangin. Wala na rin siyang pakialam sa mga taong dumaraan na minsan ay napapatigil at pasimpleng susulyapan siya. Just a usual day.

Ilang oras nang nakalipas simula noong umalis ang Lola upang magbayad ng ilaw.

“Maiwan na muna kita, hah?” pakantang usal ng single mom na feeling bagets. Well, bagets naman talaga siyang tingnan, mukha nga lang retokada kapag nasobrahan ng make-up.

“'Di mo ako s-sinagot,” reklamo ng binata habang tinititigan lang ang pag-indayog ng katawan ng tiyahin. His speaking skills is getting better. Okay na ‘to kaysa noon. Medyo airy lang at malambot ang dila.

Nakalabas na si Tiyang Sabby at isa-isang inilagay sa rattan basket ang succulents na ibebenta niya sa halagang isang daan o mahigit, depende sa klase at laki.

Napairap ang binatang si Caleb saka naisipang tumayo upang tulungan ang tiyahin. Dahan-dahan niyang inayos ang basket na paglalagyan ng mga tanim ni Tiyang Sabby habang ang init ng araw ay unti-unting tumatagos sa sensitibo niyang balat.

“Kaya ko na ‘to. Doon ka na,” ani Tiyang Sabby at nginusuan ang direksyon ng puwertahan ng bahay.

“Okay.”

“Uhm, ikaw na muna ang bahala sa bahay, hah? Kapag dumating si Nanay pakisabi na ibebenta ko lang ang mga ito. Baka ano na naman isipan niya. Buti pa nga itong mga pananim, may dilig. Ewan kay ‘Nay. Sige na nga, sabihin mo ‘yon, okay?,” bilin ni Tiyang Sabby saka ibinulong ang huling kataga, “Huwag kang magmimilagro, baka makita ng bata.”

“What?” kyuryusong tanong ni Caleb nang hindi niya nasagap ang ibinulong ng tiyahin.

“Ah, wala. Pakisabi kay ‘Nay na hindi ako nakasuot ng hapit na damit at baka isipin niyang bubuka ako sa ibang lalaki at makagawa ng bata. Understood?”

Tatango-tangong sumagot si Caleb, “Fine.”

“Isa pa, bantayan mo ang mga kapatid mo, okay?”

“Okay. Fine, just go! Paulit-ulit ka naman, e.”

“Ay, excited? Gusto mo agad akong umalis. Ikaw, Caleb hah, baka ano na naman ‘yang binabalak mo!” pagmamaldita nito.

“Arrgh! Just get the hell out of here. It's too hot, can't you see? Ang init!” reklamo niya na kanina pa pala nagtitimpi sa ilalim ng initan.

Napangiwi naman ang tiyahin saka muling inayos ang malaking sombrero, “Adios!” Winagayway pa nito ang kamay saka napansin ng binata na may suot din pala itong puting gloves na parang dadalo sa opera theater.

Isinara ni Caleb ang pulang gate nang masigurong nakasakay na sa tricycle ang tiyahin. May pahabol pa iyong bilin na huwag hahayaang nakabukas ang gate dahil baka gapangin ng kung sino ang pamangkin. Lalo na’t kaakit-akit talaga si Caleb at may malaking kargada.

Caleb went inside and decided to sat on the comfy brown couch. He opened the stand fan to ease the rising temperature. He went inside kaya dama niyang mainit talaga ang klima. Naalala niya ang bilin ng tiyahin kaya muli siyang tumayo at naglakad-lakad sa kabuuan ng bahay. Wala siyang narinig na ingay sa hallway kaya inisip niyang naglaro na naman si Potpot sa labas. Tinungo niya ang kuwarto ni Shasha at kumatok muna.

Penny of SevenWhere stories live. Discover now