CHAPTER 12: Drama Queen

22 5 6
                                    

Third Person's POV

(12)
——————

PARADE OF KING AND QUEEN

Nakasabit sa bawat kanto ng lugar ang makukulay na pira-pirasong palamuti habang tumutunog ang tambol at iba't ibang instrumento na sinasabayan ng mga mananayaw na may maiikling palda at makikinang na baton na tumutugma sa kanilang kasuotan.

Nasa unahang linya ang mga opisyales na nakasuot ng kulay dilaw na T-shirt, sumunod sa linya ang kawani ng lugar na nakasuot naman ng berdeng damit kasama si Lola Danny na masayang iwinawagayway ang pamaypay nitong kakulay ng sobrero niyang puti.

Mahaba-haba ang linya at hindi magtatagal ay ay magsisimula na ang parada sa masiglang umaga.

Maganda ang sikat ng araw dahil sa asul na kalangitan. Hindi iniinda ang init gayong ang lahat ay masaya at excited na sa gaganaping pagdiriwang.

Samantala, sa bahay nina Lola Danny: Nakapaghanda na ang lahat suot ang kulay Gray na magrerepresenta sa barangay nila. Sina Vera, Gwen, Carol at ang mga bata ay naroon at naghihintay na lang ng hudyat upang makisama na sa hanay ng nagpaparada sa labas.

Nasa harap ng salamin si Tiyang Sabby at sinusubukang ayusan ang sarili. Hindi pa ito nakapagbihis gayong hindi magtatagal ay magsisimula na ang parada sa King and Queen na lalahukan.

Dinukot ni Tiyang Sabby ang nag-ring na selpon at kaagad na sinagot.

“Hello! Nasaan ka na ba!?” sigaw nito sa kabilang linya. Bakas ang inis at galit sa kaniya. Suot lamang ang thin strap na sando at maong shorts na nagpapakita sa hubog ng kaniyang balingkinitang katawan. At sinong mag-aakala sa edad niyang lagpas Trenta. Napasapo ito ng noo nang malamang hindi makakarating ang baklang make-up artist na magmumula pa sa malayo dahil sa nasiraan ito ng sasakyan at matatagalan ang pagsasaayos.

Halos pumutok ang ugat sa leeg ni Tiyang Sabby at padabog na umakyat ng hagdan nang hindi inaasahang matapilok ito at nakuha ang atensyon ng lahat.

Dali-daling lumapit sa kaniya ang tatlong dalaga at inalalayan siya patayo.

“Okay ka lang?” tanong ni Gwen— na halata namang hindi.

“Gosh!” tanging usal ni Carol na nakahawak sa balikat ng feeling bagets na ginang.

Sinubukang tumayo ni Tiyang Sabby pero bigo ito nang manakit ang paa niya. Umalingawngaw sa simpleng pamamahay ang sigaw nito na dinaig pa ang ingay sa labas. Mabuti na lamang at wala si Lola Danny dahil baka ma-heart attack ito.

“Uwaaah! Bakit nangyari ‘to? Huhu... Magsisimula na ang parada, bakit nangyari ito?!” inis, galit at poot ang naghalo-halong nararamdaman niya, gayong dalawang araw pa lang ay pinaghandaan niya na ito. Mula sa damit, pag-contact ng make up artist at higit sa lahat ang pagda-diet niya; maging maganda lang ang hubog ng katawan nito upang makasabayan ang mga kandidatang ‘di hamak na mas bata sa kaniya.

Nagtulong-tulong ang tatlong dalaga na alalayan si Tiyang Sabby na halos maiyak na sa sinapit at saka lang napaiyak nang totoo nang makasandal ito sa couch at madama ang namilipit na ugat.

Nakaramdam ng awa ang tatlong dalaga sa Tiya at ang dalawa nitong anak na sina Potpot at Shasha sa sinapit ng kanilang nagmamagandang ina.

“Paano na ‘yan?!” nag-aalalang usal ni Shasha nang makalapit sa ina at pinaypayan ito gamit ang napunit na karton ng zest-O.

“Tiyang, kaya niyo pa po ba?” nag-aalalang tanong ni Vera dahil sa inaalalang parada na magsisimula na, “Tumawag na ho kaya tayo ng ambulansya?” suhestyon niya.

Penny of SevenWhere stories live. Discover now