CHAPTER 11: Saved

13 4 10
                                    

Vera's POV

(11)
——————

Napakagat ng labi si Caleb habang nakatukod sa kahoy na lapag ang kaliwa nitong tuhod kaharap ang humahagulgol na si Shasha. Matapos maisalba sa pag-iyak nito si Shasha at naabutang nakadapa, dinala namin siya rito sa veranda ng bahay habang nasa loob pa rin ang mga bisita.

“You can take it, okay? Good girl ka, ‘di ba? You are strong, right?” pagpapakalma ni Caleb sa kaharap na batang babae. Napapikit si Shasha nang akmang lalapatan ni Caleb ang tuhod nitong nagtamo ng sugat buhat ng pagkadapa.

Nakatayo naman ako sa gilid samantalang nakasandal sa akin si Potpot, pinapanood ang panggagamot ni Caleb sa sugat ni Shasha.

Impit na iyak ang pinakawalan ni Shasha huwag lang makasigaw at baka madinig ng bisita. Pinangpunas niya ang likod ng kaniyang braso upang pigilan sa pagpatak ang kaniyang luha.

Naawa naman ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan si Shasha, ganoon din ang kasama kong si Potpot.

“S-Shasha, hmp. K-Kaya mo ‘yan,” nanginginig at mangiyak-iyak na tinuran ni Potpot. Sinulyapan ko ito at nakita ang nangingilid niyang luha at naglalakihang butas ng ilong.

Parang ako lang noong bata ako. Kapag may nasasaktan ay pipiliin kong magpakatatag na lang, at kapag ako ‘yong nasasaktan ay pipilitin kong mgapakatatag na lang din.

Ginulo ko ang buhok ni Potpot na siyang pagbukas ng pinto at inilabas niyon ang babaeng tumutunog ang takong palapit sa amin. Kanina ko pa ‘to minamanmanan mula pagpagsok ay hindi man lang nagmano kay Lola, at nang makapasok ay hindi man lang nagtangkang hubarin ang sapatos at nag-alangan pang uminom ng tubig.

“Gosh! What happened?” maarte nitong usal at lumapit kay Caleb na patuloy na nakaluhod, “Okay lang siya?"

Malamang, hindi. Kita mo nga na may sugat.

“Gosh!" Nagpaypay siya gamit ang kaniyang kamay at halos matusok ang baba nito dahil sa mahahaba nitong kuko na kulay pula.

“Shasha, you can take it!” muling tumango si Caleb habang pinapagaan ang loob ng bata. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang pang-uusisa ng maarteng si Samantha.

“Go Shasha! Nandito lang kami, okay?” dagdag ko naman.

“Strong girl ako?” tanong nito.

“Y-Yes!” sabay kaming sumagot ni Caleb.

“Kaya ko ang sakit?” tanong uli ni Shasha at mas lalong ngumuso.

“Opo!” muli kaming nagkasabay ni Caleb.

“Kuya Caleb...” nag-aalala ang ekspresyon ni Shasha nang kumalma ang paghahagulgol nito.

Tumikhim si Caleb at tumingin nang diretso kay Shasha habang tagaktak na rin ang pawis nito sa noo pababa sa kaniyang leeg.

Lumingon ito sa akin dahil sa iniindang init at dumiin ang kulay asul niyang mga mata na kinakausap ako.

“Hoo!” Bumuga ng hangin si Caleb dahil sa lubhang naiinitan ito. Alam ko nang tumatakbo sa kaniyang isipan.

Walang ano-ano'y hinawakan niya ang dulo ng kaniyang sleeveless at itinaas hanggang mahubad.

Tama na naman ako.

Nanuyo ang lalamunan ko at napako ang atensyon sa nagmamantika niyang kili-kili pababa sa kaniyang maputing tagiliran at pinkish na nipple na namamasa ng pawis. Umiwas ako ng tingin at umiling-iling mapigilan lang ang sarili.

Naksanayan na ni Caleb ang paghuhubad sa tuwing naiinitan, pero ano’t hindi pa rin ako nasasanay at ganoon pa rin ang atraksyon sa tuwing naghuhubad ito ng damit?

Penny of SevenWhere stories live. Discover now