CHAPTER 6: Missing

22 7 11
                                    

Vera's POV

(6)
——————

“That's why I love my beautiful Lola so much.” Hinalikan ni Caleb ang pisnge ng Lola nito habang nakapukol sa akin ang kulay asul niyang mga mata na tinataliman ako ng tingin.

Kumunot ang noo ko at napangiwi nang patago sa inaakto nito. Parang kanina lang inagaw sa akin ang dalang plastic bags, ngayon na nakatalikod sa akin si Lola Danny, e, sinasamaan niya ako ng tingin.

Ibang klase pala 'tong si Caleb. Nakakainis, tsk!

“What?”

“H-Huh? Ano?” iritado kong angil dahil sa blangko nitong ekspresyon matapos halikan ang Lola.

Hindi talaga matapos-tapos ang araw na hindi niya ako naiinis sa loob ng pamamahay na ito.

Pasalamat siya at nand’yan si Lola Danny, kung hindi ay baka nabigwasan ko na ‘to.

Bakit mo naman gagawin iyon?

Mukhang pati ang likuran ng isipin ko ay balak talikuran ako at kampihan ang singkamas na ‘to.

Muli siyang humalik sa Lola at nananadyang pinatunog.

Dahan-dahang umangat ang gilid ng labi niya at ngayo’y inaasar ako ng tingin kasama ang ngiti nito, “Inggit ka? Kiss din kita?”

Natigil ako sa binabalak na pakikipagsabatan at biglang nag-init ang pisnge ko kasabay ng mga ngiti at tingin nila na pawang sa akin nakatutok.

Hindi ko alam ang gagawin at halos manuyo ang lalamunan ko. Pati si Shasha ay nabigla at wala na akong mapagbabalingan ng atensyon sa nanggigipit na sitwasyon.

Pinalo-palo ni Lola Danny ang dibdib ni Caleb saka kumalas sa pagkakayakap nito habang patuloy na nakabalandra ang nakakalokong ngiti ng apo nito.

Dali-daling nagsalubong sina Tiyang Sabby at Lola Danny saka naghawak sila ng kamay at sabay na impit na tumitili.

Ibinalik ko ang tingin nang diretso at natagpuan ang patuloy na pagtitig ng kulay asul na mga mata ng binata habang nakatingala ako sa kaniya.

Kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan matapos ang sinabi niya at sa nakakapanghina niyang hitsura na kanina’y bibigwasan ko sana.

Muling nakarinig ako ng impit na tilian at napansing kami na lang ang naiwan katapat ang mesa matapos makitang hawak ni Tiyang Sabby si Shasha; at silang tatlo ang makahulugang tinititigan ako at ang hilaw na singkamas na inaasar ako ngayon.

“Y-Yuck!” agad na napangiwi ang hilaw na Singkamas at umiwas ng tingin dahilan para mabalik ako sa aking huwisyo.

Nag-iwas din ako ng tingin at piniling sumagap ng natititang hangin matapos ang nakakalunod na titig nito sa akin.

Buti naman at hindi niya talaga gagawin ‘yon. Safe.

“Iww ka rin!” pambasag ko sa kaniya matapos magsimula itong maglakad paalis.

Tumigil siya sa may puwertahan at lumingon sa ibabaw ng kaniyang balikat at nagwika, “I’ll be an escort, if Vera is the one I'm gonna take to the parade.”

Nanlaki ang mga mata ko at alam kung walang dapat na paniwalaan sa muling banat niya.

Kahit gaano pa kaseryoso ang tono niya kung wala talaga akong balak na paniwalaan siya, wala pa rin.

“A-Ayaw k-ko nga!” pahabol kong bulyaw para marinig niya kahit narating niya na ang salas.

Nanlikot ang aking mga mata at ni hindi ako makatingin kina Lola Danny at Tiyang Sabby, maging kay Shasha na kung maka-ngiti ay parang nauunawaan niya ang sitwasyon.

Penny of SevenWhere stories live. Discover now