CHAPTER 10: Tumbang-presyo

10 2 9
                                    

Third Person's POV

(10)
——————

Tatlong araw bago ang nalalapit na fiesta. Maraming mga nakasabit na makukukay na palamuti sa bawat kanto sa magkakalapit na bahay ng komunindad na pinamumunuan ni Lola Daniela— bilang kanilang Kapitana. Samut-saring kulay ng pinagpirapirasong hugis triangle na nakasampay sa itaas.

Nagliliwanag ang sikat ng araw at ang kulay asul na kalangitan na nagbabadya ng magandang simula sa araw ng ating bida. Nasa labas ng kalsada ang mga batang masayang naglalaro ng tumbang preso. Sina Potpot at Shasha ay lumahok din sa nasabing laro kasama ang anim pang mga bata.

Nasa tapat ng gate si Caleb; suot ang white sleeveless nito at simpleng black shorts na nagpapakita sa maputi nitong komplikasyon na animo’y nagliliwanag buhat ng sikat ng araw. Wala siyang ginawa kung hindi ang kabisaduhin ang laro na kaniyang nakikita; tutok na tutok at halos hindi kumurap. Hindi nagtagal ay bumukas ang pulang gate at iniluwa niyon si Vera na nag-uunat pa ng braso saka nag-stretching ng leeg at katawan suot ang maluwang na green T-shirt at maluwang din na white pajama at ang panloob na tsinelas na inilabas niya. Buhaghag ang buhok nito at halatang bagong gising.

Marahil ay pagod ang dalawa dahil hindi sila nag-iimikan. Mahaba-habang asaran ang nangyayari sa tuwing nagkakatapat sila o nagsasama. Masiyado pang maaga upang mag-asaran sa umagang ito, kaya mabuti nang tahimik sila.

Titig na titig ang kulay asul na mga mata ng binatang si Caleb sa naglalarong mga bata at hindi napansin ang muta ng dalaga. Nilingon lamang niya iyon at normal lang na lingon— walang pang-aasar.

Madidinig ang halakhak ng mga batang masayang tinumba ang lata gamit ang paghagis ng tsinelas sa larong tumbang-preso. Kumunot ang noo ni Caleb at piniling basagin ang katahimikan sa pagitan nila ni Vera dahil sa pagtataka na kinakailangan niya ng sagot.

“What do we call that?” aniya habang nakahalukakip.

Inayos muna ni Vera ang buhaghag nitong buhok at itinali gamit ang gomang kanina’y nasa kaniyang palapulsuhan.

“Ang alin?” tanong ng dalaga nang hindi malaman ang tinutukoy ng binata.

“That game that these kids are playing,” seryoso nitong tugon habang hindi pa rin pinuputol ang panonood sa larong kinagigiliwan niya.

“Tumbang preso,” simpleng sagot ng dalaga at umangat na ng tingin matapos magtali ng buhok.

“I wish I could try it too,” mahinang usal ng binata na hindi narinig ng dalaga dahil sa makina ng sasakyan na huminto sa tapat nila.

Napunta sa makintab na itim na sasakyan ang atensyon nilang dalawa at nakitang bumukas iyon at iniluwa ang Lola nilang sakay nitong fortuner suot ang nakasanayang floral na damit at plain black below the knee skirt.

Pagtataka ang makikita sa mukha nina Caleb at Vera nang mangiti-ngiting bumaba ang Lola Danny nila na lingid sa kanilang kaalaman ay nagmula pa sa maagang meeting para sa fiesta.

“Lola!” kaagad na kumaripas ng takbo ang binata at sinalubong na inalalayan ang Lola matapos magmano. Nang marating nila ang tapat ng gate ay siyang nagmano si Vera at nginitian ang Lola.

“Lola, I wonder if isasali sa ralo ang tumbang presyo,” seryosong suhestyon ni Caleb nang mahawakan ang kamay ng Lola nito.

Nagkatinginan sina Lola Danny at Vera at sa kanilang isip ang pagtataka sa namaamanghang si Caleb.

Pero isa rin sa isipan ni Vera ay kung bakit hindi pa rin tuwid ang pananalita ni Caleb. Ralo na sa halip ay ‘laro', at ang salitang presyo na sa halip ay ‘preso’, sa kabuuan nitong tumbang-preso.

Penny of SevenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang