Chapter 13: Hilaw na Singkamas

19 3 3
                                    

Vera's POV

(13)
————

“Ano ba ang pinagkaiba, hah?! Stop cheating li'l guy!” inis na sigaw ni Caleb sa batang kabangayan.

“Anong cheating? Talo ka lang kuya Caleb hindi mo pa tanggapin,” pangangatuwiran ni Potpot sa nakakatandang kuya— na mas isip bata sa kaniya.

Kasalukuyan silang naka-upo sa sahig, naglalaro ng teks at ang limpak limpak na taya ni Caleb ay pawang naipanalo ni Potpot.

Matapos magkasugat noon si Shasha, minabuti ng dalawang bata na sa loob na muna mamalagi, dahil sa pagod na rin ang lahat matapos ang pagdiriwang.

Dalawang linggo na rin ako sa bahay na 'to. Mula noong naihatid sa akin ni Carol ang balita, mas lalo akong naguguluhan sa paglipas ng mga araw.

Ngumingiti ako habang pinagmamsdan ang dal'wang nagbabangayan.

“Ehem!”

Napaigtad ako at napabalik sa h'wisyo nang maramdaman ang pagdutdot ni tiyang Sabby sa tagiliran ko.

“Ang lalaim ng iniisip ah?” pangungusap nito.

“Hmm. Wala naman po.” Patuloy kong pagtitig sa dalawa.

Pero sa totoo lang, nalalabi na lang ang araw ko upang magtagal pa rito— dito sa bahay na tinuring kong tahanan.

“Iyang mga ngiting 'yan kay Caleb, matagal na rin na hindi namin nasilayan mula noong nangibang bansa ang Mama n'ya,” mahabang lintanya ni tiyang Sabby habang nakatitig sa binata na kasalukuyang ngumingiti dahil sa mangiyak-iyak na batang inaasar, “Noon, labag sa kalooban n'ya na sumama nga rito sa Pinas. Siyempre, hindi nga kami kilala nito e. Matapos maihatid ni ate Jessa, ayun! Bumalik na ulit siya sa States.”

“Bakit? Ano po ba ang meron sa magulang ni Caleb?” takang tanong ko dahil sa k'wento niya.

“Hmm. Na-in-love lang naman ang Mama n'ya sa Amerikano noong nagtatarabaho s'ya as consultant. Itong Amerikano na 'to, lakas din ang tama sa ate Jessa ko.” Bumuntong hininga s'ya saka muling nagpatuloy, “Hahahha! Naalala ko pa noon, ako ang nagpapadala ng mensahe para lang mangamusta sa ate ko, nag-asawa na nga lang hindi pa namin nalaman kaagad. Well, choice n'ya naman 'yon, isa pa mabuting tao rin naman si Connord na naging kabiyak n'ya.”

Oh, I see. Maganda rin naman pala ang buhay ni Caleb kung tutuusin.

“Buti pa nga si Caleb, kompleto ang pamilya,” mahina n'yang sambit na halos pabulong.

"Ah? Bakit po?" Ibinaling ko ang tingin sa kan'ya.

“Sa pag-aakalang pariwara si ate Jessa sa States, ako naman si gag* mas kinabog ko ang ate ko. S'yempre jackpot, Afam. So, magpapatalo ba ako?” bahagya s'yang natawa at napailing, “Mahal na mahal ko si Potpot, pero dahil sa kagagahan ko nilayuan ako ng tatay n'ya nang walang sapat na rason, napakarami ko ng pagsisinungaling kay Potpot para lang ma-bad records ang ama n'ya sa kan'ya. Pero, ki-bata-bata hindi ba naman pinapaniwalaan pinagsasabi ko. Hahaha! Ni hindi nga nila alam ni Shasha na magkaiba ang Ama nila.” Tumawa ito nang pagak at may nangingilid na luha sa dulo ng kaniyang mga mata.

Really? Gan'to pala ang k'wento nila? Sa buong pag-aakala ko, binagsakan ako ng mundo dahil sa pamilyang mayroon ako. Hindi ko akalain na mayroon din palang mga tao na kagaya ko, na may mas malalang dinadamdam.

“Pero, si Mama tinanggap ang mga desisyon ko at hindi s'ya kailanman nagkulang na pangaralan kami,” dagdag ni tiyang Sabby na tinutukoy si Lola Danny.

Si lola Danny talaga ang da-best na nakilala ko.

Ngayon na lang ulit ako mag-o-open sa tao maliban kay lola Danny at Caleb na nauna kong pagsabihan ng mga hinanakit ko.

Penny of SevenOnde histórias criam vida. Descubra agora