Twelfth

138 22 8
                                    

Only TWELVE hours after our confession, natauhan na si papa. Natagpuan na lang natin ang mga sarili natin na nakaupo sa magkahiwalay na single seater sofas, sa magkabilang dulo ng living room namin, habang nakatayo siya sa gitna at nakakrus ang mga kamay.



Matagal-tagal na rin tayong nandoon pero wala pa ring nagsasalita. Halos marinig ko na nga ang bawat malalim na hininga ko dahil sa pinaghalong kaba at pagkailang.



"Kailan pa?" Halos mapatayo ako nang biglang magtanong si papa. Buti na lang mabilis akong nakabawi.



"Pa, narinig n'yo po 'kong mag-confess kagabi—"



"Mahal, ilang taon nang nagpaalam sa 'tin si Eli, ano ba—"



"Teka, what?"



"Yes, anak. Sabi niya no'ng 13th birthday n'yo, papakasalan ka raw niya someday!" kinikilig pang sabi ni mama habang dahan-dahan naman akong napalingon sa 'yo... at napangiwi. Gago, gano'n ka na kalandi no'ng 13 years old pa lang tayo?



Gago, gano'n katagal ka na palang sigurado sa 'kin?



"Kahit na, mahal. Babae pa rin ang atin," katwiran naman ni papa bago ulit tumingin sa 'tin. "Kailan ba ang kasal?"



"Nakakaisang sem pa lang kami sa college?!" mabilis kong sabi.



"'Pag po ready na siya," sabi mo naman na nakapagpaawang ulit sa mga labi ko. Bakit ba parang napaghandaan mo na ang lahat, habang 18 years old lang tayo no'n?"



"Ikaw?" taas-noong tanong sa 'yo ni papa. "Kailan ka ready?"



"Ngayon na po, kung papayag lang 'tong si Milliot."



Kinabahan ako lalo, sa totoo lang. Halata namang sinusubok ka ni papa tapos pagano'n-gano'n ka lang sumagot na bwisit ka. Kinakabahan ako kaya halos malaglag ang panga ko nang pumalakpak si papa.



"'Yan ang sinasabi ko!" Tumayo siya at hinila rin ako patayo para yakapin. "Salamat, anak. Hindi ko kailangang i-setup ka sa anak ng mayayaman para hindi ka tumandang dalaga."



"Papa!" reklamo ko saka kumalas sa yakap niya. Natigilan ako ulit nang makitang basa ang mga pisngi niya kahit nakangiti siya. "Ano ba naman 'yan, pa. Nagkaaminan lang naman kami ni Eli, may pag-iyak ka na. Ni hindi pa nga kami."



Biglang umayos ang tayo ni papa at kung puwede lang, feeling ko babalik pa sa loob ng tear ducts niya 'yong mga luha niya. Para bang may dumaan na malamig na hangin at nang lingunin ko si mama, kumurap-kurap lang siya sa 'kin. Pagtingin ko sa 'yo, ikaw naman ang umiiyak.



"Ay dapat ba tayo na?" tanong ko at nag-walk out ka.



Sinundan kita at talaga namang lumabas ka pa ng gate imbis na tumawid na lang papunta sa bahay n'yo. 'Di ko alam kung saan mo balak pumunta pero buntot ako nang buntot sa 'yo.



"Eli! Eli naman! Eli, ano ba?! Malay ko ba na tayo na?! Malay ko ba na 'yon na ang kasunod ng mga confessions?! First time ko, 'di ba?! May iba ba 'kong nagustuhan ha?! Ikaw lang naman, 'di ba?!"



Bigla kang pumihit at tumalikod saka naglakad papalapit sa 'tin. Sa sobrang bilis ng pag-ikot mo, muntik mo pa 'kong mabangga kasi nga nakasunod ako sa 'yo. "Dapat lang."



"Anong dapat—"



"Ako lang," sabi mo. "Wala rin naman akong ibang nagustuhan. Ikaw lang."



Edi, okay, Eli. Tang ina mo. Edi wow, kinilig ako. Gago.



– M

25 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon