Twenty-second

120 22 5
                                    

22.



I smiled at the golden plate where our house number was engraved. Not that big but still, we made it. Kasal na lang talaga ang kulang, Eli.



Kung dati, nagre-rent lang tayo ng unit, ngayon nakaipon na tayo at nakabili ng sarili nating bahay. 'Yong matatawag na talaga nating atin.



Hindi ko alam kung nakita mo, pero napaiyak ako. Sa unang tingin ko pa lang sa bahay natin, nakita ko na kaagad ang future na kasama ka, at ang mga magiging anak natin. Masayang pamilya nating dalawa. 'Yon ang nakita ko at hindi na ako makapaghintay na ma-experience 'yon.



"Mag-resign ka na kaya?" bigla mong tanong habang nakahiga tayo sa kama at nakayakap sa isa't isa. Kakatapos lang nating mag-ayos ng mga gamit at hindi ulit tayo humingi ng tulong sa iba. Ginawa ulit natin 'yong bonding time.



"Hmm? Bakit naman? Kaya ko pa naman magtrabaho."



"Trabaho mo na lang na yakapin ako pag-uwi ko galing sa trabaho," sabi mo na bahagyang nakapagpatawa sa 'kin. "Alam mo, 'pag iniisip ko ngayon, 'yon lang talaga ang naging pangarap ko buong buhay ko."



"Ang alin?"



"'Yong uuwi ako na ikaw ang sasalubong sa 'kin."



"Mas patay na patay ka talaga sa 'kin."



"'Di ko naman itatanggi," sabi mo na nakapagpangiti ulit sa 'kin. "Masaya ka ba, Milliot?"



"Hmm?"



"Masaya ka bang nakakuha ka ng ganito kapogi?" Hinampas kita sa tiyan at natatawang umaray ka naman. "Sasabihin ko sanang masaya ako na ikaw ang kasama ko pero nagdalawang-isip ako bigla."



"Eli!"



"Joke lang. Siyempre masayang-masaya ako, 'no. 'Yong matagal ko nang crush, malapit ko nang pakasalan. Wala nang mas sasaya pa sa 'kin."



Hindi ako nagsalita at mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa 'yo.



"Ikaw lang ang pangarap ko, Milliot."



Dapat pala sinabi ko na ako rin, ikaw lang ang pangarap ko. Sobrang dami ko palang pinalagpas na pagkakataon para iparating sa 'yo ang nararamdaman ko, para sabihin sa 'yo kung gaano kita kamahal.



Baka 'yon din? Baka nalito ang mundo? Baka hindi kumbinsido ang universe kung mahal ba talaga kita kasi hindi ko naman ipinagsigawan. Baka nga 'yon ang dahilan.



– M

25 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon