Chapter 5

207 60 3
                                    

Chapter 5 

Number


Mabuti nalang talaga na sapatos ang suot ko ngayon at hindi sandals. Hindi ko naman kasi alam na hindi pala bato at medyo maputik pa ang daan patungo sa bahay nila Levi. It's also a good thing that I'm only wearing a midriff sleeveless white top and highwaisted short. Mas komportable.


Kasama ko si Levi at Kairi ngayon na tinatahak ang maputik na daan na pinailigiran ng mga puno. Dapat nga ay sasamahan pa ako ng body guard ko pero sabi ko huwag na. I'm not going to tell it to my dad so alam kong hindi siya mapapagalitan.


Sabi ko nga ay strict si Mommy and Daddy pag dating sa unica ija nila. Kaya gusto nila lagi akong mag body guard kung saan man pumunta. Maybe, pumayag sila na mag lakad ako from home to school and vice versa pero mahaba habang pilitan din ang nangyari.


"Kumain ka na, baby?" Tanong ni Kairi sa gilid ko na katabi naman ni Levi.


Inirapan ko ito sa naging tawag niya sa akin. "Yes."


Buti nalang maaga ako nagising kanina hindi katulad kahapon. I'm only shocked that Levi is with Kairi earlier when they fetch me at our house, akala ko kasi si Kairi lang.


"Tumigil ka nga." ani Levi kaya parehas kaming napatingin ni Kairi sa kanya. Nakakunot lamang ang noo nya habang nakatingin kay Kairi.


"Anong tumigil?"


"Tigilan mo ang pagtawag sa kanya ng baby, Kairi."


Parehas kaming natigilan ni Kairi, kalaunan ay tumawa ito at ako naman ay umiling iling. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Levi.


"Desisyon ka ba? Hahahahaha!" si Kairi kay Levi.


Hindi ito pinansin ni Levi at pumauna ng naglakad. Sinundan siya ni Kairi habang tumatawa. Ako ay nasa likod lang nila habang pinakikinggan ang pang aasar ni Kairi kay Levi. Close pala itong dalawang 'to?


After 20 minutes ay nasa harap na kami ng isang brown na bahay na gawa sa bato. Simple lang ito at may malawak na bakuran. Papasok na sana kami sa puting gate nung pinigilan ako ni Levi kaya kahit si Kairi ay napatigil. Litong nag palipat lipat ang tingin ni Kairi sa aming dalawa.


"Mauna ka na sa loob, Kai. Nandyan na si Melanie at Elisha."


Kahit naguguluhan si Kairi sa nangyari ay tumango ito at pumasok na. Agad akong bumaling kay Levi. "What is it?"


Tinignan lang ng binata na para bang may malalim na iniisip. Hinintay ko ito magsalita hanggang sa nag iwas siya ng tingin at bumuntong hininga.


"Sorry." He said.


"For?"

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now