Chapter 13

146 27 0
                                    

Chapter 13

Stupid

The familiar brownstone house and white gate welcomed us when Levi and I got there. Naabutan namin si Tita Lilyette na nag lilinis ng kanilang sala at mukhang inaasahan ang pagdating ko. Lumapit siya sa amin pagkapasok namin ng bahay.

"Hyacinth! Kumain ka na ba?" bungad niya.

Nahihiya akong tumango at ngumiti. Pinakita ni Levi ang cake na dala niya.

"Ay, may pa-cake pa! Sana 'di ka na nag-abala!"

"It's okay po. Nakakahiya pong pumunta na walang dala."

Inaya ako ni Tita Lilyette na umupo sa sala nila. Nag paalam si Levi na ilalagay niya lang ang cake sa kanilang ref. Si Tita naman ay kumuha ng baso at inabutan ako ng tubig. Umupo rin siya sa tabi ko.

"Birthday mo nga pala nung last saturday 'no? Pasensya na at hindi kita nabigyan ng regalo. Belated happy birthday narin.." ani Tita Lilyette.

Hindi ko maiwasan na makita sa kanya ang mukha ni Levi. She looks like the girl version of Levi, minus the rough features. She still looks gorgeous even with some gray strands of her hair that indicates her old age.

Ngumiti ako kay Tita.

"I really don't mind po. Besides, Levi bought me a gift and that's more than enough po."

Sabay kaming napatingin sa magnetic bracelet na suot ko. Ang kapartner nito ay nakita kong suot ni Levi kanina.

"Pinalaki ka ng maayos ng magulang mo, ija..." she suddenly said.

I smiled a bit, nahihiya.

"Ang mga katulad mo ang gusto kong manugang. Bagay talaga kayo ni Le-"

Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay dumating si Levi pati narin ang kanyang babaeng bata kapatid. I shifted at my seat uncomfortably.

Manugang?! Bakit napunta doon ang usapan namin?!

"Mama! Ano na naman bang sinasabi mo!" Suway ni Levi sa nanay niya. Tita Lilyette just shrugged her shoulders na para bang hindi niya alam ang sinasabi ni Levi.

Lumapit ang kapatid na babae ni Levi kay Tita Lilyette. Si Levi naman ay umupo sa tabi ko.

"Si Lily nga pala, kapatid ni Levi.."

I look at the cute little girl and smile. Her innocent and soft face doesn't match with her snobby eyes. Nakita ko na siya nung nagpunta kami dito ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na kilalanin siya. She looks at me thoroughly at mukhang pinag-aaralan ang mukha ko. Nahihiya tuloy akong umiwas ng tingin.

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now