Chapter 27

126 14 2
                                    

Chapter 27

Realizations


"When did you learn to cook?" tanong ko kay Levi habang pinagmamasdan siyang magsuot ng apron. He is also wearing an hairnet to avoid his hair from touching his face. Mas lalo siyang gumwapo sa itsura niya ngayon! 


Dahil hindi ko daw natikman iyong linuto niya sa akin kaninang lunch ay nag-aya siya na pumunta dito sa bahay nila. Lulutuan niya ako ng ibang pagkain. 


Nothing much change in their house. Napansin ko lang ang pag-unti ng mga gamit at ang pagtahimik ng bahay. Siguro ay dahil wala si Tita Lilyette dito at sabi ni Levi kanina ay nasa trabaho daw. Malinis pa din ang bahay nila mula bakuran hanggang sa loob. Just something... about the vibe change... I don't know. O baka guni-guni ko lang iyon.


"Matagal na ako marunong magluto. Bago pa tayo magkakilala."  


Bigla akong napanguso. Marunong at masarap siya magluto tapos ako hotdog lang ang alam na iluto, sunog pa minsan! 


"Anong lulutuin mo ngayon?" 


Saglit siyang tumingin sa akin bago kunin ang mga ingredients na gagamitin. "Adobo."


"Hmm... Okay..." 


Nagsimula na siyang magluto kaya umalis muna ako sa kusina nila. Iginala ko ang sarili ko sa loob ng sala at nag tingin tingin nga mga nakalagay doon na picture frame sa mini table. Kumunot ang noo ko nang  makitang dalawa na lang ang nakalagay doon na picture frame. 


I remember, years ago, when I went here, tatlo iyong picture frame nila. Ang nawawala ay iyong family picture, kung nasaan nandoon ang sa tingin ko ay tatay ni Levi at nakakatandang niyang kapatid. Hmm. Pinilig ko ang ulo ko. Taon na ang nakalipas kaya baka iniligpit, naluma, o inilagay iyon sa iba. That should not be my business anymore. 


Ilang minuto pa ay napapikit ako nang maamoy ang adobo na niluluto ni Levi. Tumingin ako sa kusina nila at naabutan ko siyang nakatitig sa akin, habang nakasandal sa sink. I smiled and went to him. 


"Tapos na?" 


Umalis siya sa pagkakasandal at umayos ng tayo. "Yeah. Malapit na. Gusto mong tikman?" 


Abot tengang ngiti akong tumango sa kanya. Bahagya pa siyang natawa sa naging reaksiyon ko. Naglagay siya ng sabaw ng adobo sa isang kutsara. Inihipan niya pa ito bago ilapit sa akin. 


I slowly sipped the soup of the adobo. He is patiently waiting for my reaction. 


Ugh! Ang sarap! Sobrang tama lang lasa!  It is a mixture of sweet and sour with soy aroma that makes the salty and spicy classical savory flavor extremely delicious.


"Ano?" he asks. 


Bahagya akong sumimangot, inaasar siya. Kunyari ay hindi ko nagustuhan ang luto niya. Nakita ko ang biglang pagdaan ng kaba sa kanyang mukha. 

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now