Chapter 23

137 18 6
                                    

Chapter 23

Ligaw 


"Welcome to Metropolis National High School!" galak na bati sa amin ni Sir Havier nang makalapit kami sa court. Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa gawi namin. Mas lalo kong ibinaba ang sumbrero na suot ko.


"For now, I'll introduce the hosts of this seminar. Alam niyo ba na hindi teachers or any adults ang mag s-seminar sa inyo?" tanong niya sa mga estudyante. "Ang host ng seminar na ito ay ka-edad at kabatch ninyo lang. I hope you'll learn a lot from them."


Nagbulungan ang mga estudyante. May nakita pa ako na pinagmamasdam ang uniporme namin pagkatapos ay mag bubulungan.


"Gago, anak mayaman..." I heard someone whisper.


Tsk.


"Kaya nga eh... Halata sa uniporme tapos tignan mo pa iyon," nakita kong itinuro niya si Killuash. "Naka rolex, dude."


"Malamang private school 'yan, mayaman talaga."


"Halata naman talaga unang tingin pa lang. Alam mo 'yun? Kakaiba 'yung binibigay nilang presensya."


Napatingin ako sa gawi nila kaya natigil sila sa pag-uusap. Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha nila dahil sa sumbrero pero nakita ko ang pag-awang ng kanilang bibig. Ibinalik ko ang tingin ko kay Sir Havier at umiling. Wala talagang pinagbago, mahilig pa din sila mag chismisan.


"Sana ay mag enjoy kayo sa 1 week na pag seseminar sa mga studyante ko. Hindi man gaanon kaganda ang school namin kumpara sa inyo, hindi man ganoon kabongga ang uniform namin kaysa sa inyo, may respeto naman kaming tulad ng meron kayo." pagpapatuloy ni Sir Havier na halos masuka ako. Woah, respeto! Ang dali nilang sabihin pero sobrang hirap gawin.


"First let's welcome, Symoune Venturi..." isa isa kaming tinawag. Pormal na naglakas si Symoune patungo sa harapan. Nagtilian ang mga estudyante ng ngumiti ito. I can't help but to smirk as well.


"'Yang ngiti na 'yan, Gil, parang proud na proud ka na bestfriend mo si Symoune," bulong sa akin ni Killuash habang nakanguso.


I rolled my eyes and smirk more. "Who would not, though?"


Nang tinawag si Hanz at Jovanne ay pormal din silang pumunta doon. Mas lalong nagdadagdagan ang mga tumitili. Tsk. Ganoon na ba kagwapo ang mga kaibigan ko para tilian nila?


"Sa akin, 'di ka proud?"


Kunot noo akong bumalik kay Killuash, nakanguso pa din. Ano bang sinasabi nito?


"Nakakatampo! Bestfriend mo din ako, ah?"


I gave him a confused look. "Huh? What are you saying? Of course, proud ako sa inyong lahat!"


The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now