Chapter 31

110 5 0
                                    

Chapter 31

Love


I woke up the next day at 12 noon. Elisha and Melanie haven't woken up yet. Nang tinignan ko ang kwarto ng mga boys ay mahihimbing din ang tulog nila. I went downstairs and look for some food but I realized that our kitchen was so empty. Well, wala naman kasing tumitira dito.


I decided to go upstairs again when I saw Nathan on the terrace of our second floor. He was sitting in one of the wooden deckchairs in there. Pumunta din ako doon at umupo, pinagmasdan ang kapaligiran.


I can see in my peripheral vision that he is looking at me. Mukhang nagulat sa presensya ko dahil umayos siya ng tayo. "Hyacinth... Good morning..." bati niya.


Hindi ko maiwasan mamangha sa nakikita ko ngayon. Mahigit isang taon kaming tumira dito dati pero hindi ko naisipan na tumambay dito sa aming teresa. Mula rito ay kita ang tore na may dambana ng simbahan sa malayo. Sa tingin ko ay ito iyong simbahan sa may plaza na katapat ng MNHS. Maganda at tahimik ang tanawin. Tirik na tirik ang araw at puro matatayog na puno ang nakikita ko.


It is such a nice view. Bakit hindi ko man lang nadiskubre ito kahit na tumira naman kami dito? Kalimitan kasi ay nasa kwarto lang ako. Sayang. This is a great place to rest and relax.


"Hindi pa ako nakakahingi ng paumanhin sa'yo ng maayos. I want to take this opportunity to say sorry... For all the things I've done. Sa tingin ko ay ako ang puno't dulo kung bakit nangyari sa 'yo iyon... I'm sorry, Hyacinth."


Napatingin ako kay Nathan na ngayon ay seryosong nakatingin lamang sa harapan. Bumuntonghininga ako at muling tinignan ang tanawin. Ayoko sanang maging ma-drama ang unang oras ng paggising ko ngunit gusto ko nadin matapos lahat ng tanong sa puso ko... Gusto ko na masagot lahat... Gusto ko ng mailabas lahat ng hinanakit.


"You really love Melanie, ano?"


Tumikhim siya at hindi nagsalita.


"You chose to ruined my name... in order to save her's..." sabi ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Kahapon ko palang nalaman kaya hindi ko naman agad maiintindihan ang mga nangyari.


It all started on Meira's birthday. Pumasok ako noon sa loob ng Villa at naghahanap ng CR. Nasakto naman na may nangyayari pala kila Nathan at Melanie sa loob... at i-vinivideo pa. Nakita ako ni Nathan at nabanggit ang pangalan. For all I know, they just kissed and nothing more. Nasabi lang ang pangalan ko. That's too vague. Pero sa simpleng pangyayaring iyon, nagkanda gulo gulo ang buhay ko.


I don't know how Meira got the video but based on how desperate she is, I guess she can do every worst thing in the world. It surfaces online and a lot of people saw it. And of course, just because my name was mentioned there, they expected that it was me.


Alam ni Nathan kung sino iyong nasa video. Ngunit hindi siya nagsalita o hindi man lang niya nilinis ang pangalan ko. Hinayaan niyang masira ang buhay ko kaya hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba siya sa ginawa niya...

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now