Chapter 24

146 17 13
                                    

Chapter 24

Lunch


My irritation for Levi grew stronger every damn minute. Hiyang hiya ako sa ginawa niya kanina sa covered court! Nang paalis kami ay ang dami pang nang-aasar akala mo naman close kami! 


Kahit ngayon, na nandito na kami sa villa na tinutuluyan namin, hindi ko makalimutan iyong sinabi niya kanina! He'll court me?! Huh! Asa pa siya! Akala naman niya ay sasagutin ko siya! Matagal na akong walang nararamdaman sa kanya! 


I hate him! Nakakainis! Kung makaasta siya akala mo ay okay na kami! Galit pa din ako sa kanya! For every pain that he inflicted with my young heart! I will never ever let him in inside my heart again! Ayoko na, takot na ulit akong masaktan! 


"Oh, ba't nakabusangot ang bebe?" asar sa akin ni Killuash. 


Sa sobrang inis ko ay ibinato ko sa kanya ang damit na tinutupi ko. 


"Easy! Ang init naman ng ulo mo!" 


I glared at him. "Umalis ka dito! Naiinis ako sa pagmumukha mo, ah!" 


"Eto na nga, eto na! Hahahaha!" tumatawa pa siyang umalis ng kwarto ko. 


Muli kong kinuha iyong damit na inihagis ko at itinupi iyon. Naiinis din ako sa kanila! Lalo na kay Symoune at Killuash! They just can't stop teasing me! Alam naman nila iyong ginawa sa akin ni Levi dati pero bakit parang Pro-Levi pa sila ngayon?! Sabi ni Symoune hindi daw dapat kami sasagot ng mga tanong na hindi tungkol sa seminar pero nang nagtanong si Levi binigay pa sa akin ang mic! Bwiset! 


Tinigil ko ang pag-aayos ng gamit nang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko sa nabasa. 


From: Unknown Number

NDRRMC (6:09PM, 27February20) Isang Magnitude 5.7 ang naganap sa puso ng binata. Nagbabanta ang matinding pagmamahal para kay Hyacinth. Afterschocks at damages ay asahang hindi mararanasan. 


To: Unknown Number 

Get lost. 


I already have an idea who sent that message but I don't want to consider it. I change my phone number since I left Metropolis. Dahil nung pag-alis ko ay iniwan ko din ang mga gamit ko, kasama ang cellphone, sa dati naming bahay roon. Imposibleng si Levi ang nagtext dahil hindi niya naman alam ang number ko. 


Unless... may nagbigay.


From: Unknown Number 

grabe ka naman sa manliligaw mo :( 


Napasapo ako sa noo ko sa nabasa. Confirmed, siya nga! San niya naman nakuha?! Ugh! I am contemplating if I should block his number or what but in the end I didn't do it. Hindi ko na lang siya rereplyan! 

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now