Epilogue

152 6 4
                                    

Epilogue

Levi


"Gago ka!" isang suntok muli ang iginawad ko kay Nathan. May dugong tumutulo at halos pumutok na ang labi niya ngunit hindi pa rin ako nakuntento. Hindi niya nilabanan ang mga suntok ko sa kanya. Hinayaan niya lang ako, hanggang sa mapagod ako.


"Gago ka!" ulit ko. "Alam mo kung sino iyong nasa video! Pero tangina, ni hindi ka man lang nagsalita!"


Muli ay sinuntok ko siya. "Kaibigan mo si Hyacinth, hindi ba?! Paano mo nagawa sa kanya 'yon?! Wala kang kwenta!"


Hindi ko siya tinantanan sa mga suntok ko. Dumudugo na rin ang aking kamao sa sobrang galit.

ㅤ 

Sinisisi ko si Nathan kung bakit nangyari iyon kay Hyacinth. Siya ang dahilan kung bakit umalis dito ang babaeng mahal ko.


Pero sino bang pinagloloko ko? Alam kong parte rin ako sa dahilan na iyon. Alam kong dahil din sa akin, kung bakit umalis siya sa lugar na ito, at mukhang hindi na babalik.


Nagsisisi ako kung bakit hindi ko siya pinakinggan. Nagsisisi ako kasi pinakawalan ko pa ang isang taong mahal na mahal ko. 


Tsk. Kung gago si Nathan, alam ko sa sarili ko... na mas gago ako.


I still remember the first time I saw her. I still remember how struck I am when I entered our room and saw her at the last row of the chairs beside the window, sitting peacefully as her jet black hair danced with the air.


Maarte siya. Inglishera. Hindi ko tipo. Galawan pa lang niya alam mong anak mayaman na. She's too out of my league.


"Hyacinth," tawag ko sa kanya.


Bumaling siya sa akin, mukhang naiinis. "What?!"


I was taken aback by her shout. I get it, she's mad. Naiintindihan ko kung bakit galit siya.


"Babawi ako."

Damn! Even though I know that she's not my type, I still felt guilty for leaving her in that room, after Melanie bullied her! Hindi ko naman alam na may allergy pala siya! 


And I know, I'm the reason why she was bullied! Melanie likes me and everyone who dared to like me too will get bullied by her.


Pero... hindi naman ako gusto ni Hyacinth. I guess it's the other way around, that's why she was bullied.


Kaya sa mga sumunod na araw ay bumawi ako sa kanya. Sometimes, I'll just curse myself for doing those things. Hindi ko na kasi alam kung pambabawi pa rin  ba ang  ginagawa ko o may iba ng dahilan. She kept saying that it was all part of my "pambabawi thingy" and I just let her think like that but I know, deep inside me, there's a different reason.


At nakumpirma ko ang rason na 'yon, isang araw ng hindi niya ako pinansin. I wrote "Are you mad? :(" in a paper and gave it to her but she just ignored it.

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now