Chapter 19

131 17 0
                                    

Chapter 19 

Downfall


Tinawag ang lahat ng estudyante sa Conference Hall pagtapos naming ilagay ang mga gamit namin sa dorm. There are four double deck in every room kaya madaming kaming magkakasama sa isang kwarto. Mayroon na ding sariling bathroom at toilet. 


"Kamusta kayo?" panimula nung pastor. Siya ang unang mag bibigay ng talk para sa recreational activity namin ngayon. ㅤ


The conference is a hexagon-shaped structure. Pinapalibutan ito ng mga upuan. Mayroong malaking projector sa harapan kung saan ipinapakita ang powerpoint presentation ng mga nag t-talk. Kanina ko pa tinitignan ang pwesto ni Levi. Nasa bandang harapan kasi siya, katabi si Meira. 


Hindi ko alam kung may naintindihan ba ako sa mga sinabi nung pastor pero nagulat na lang ako na trenta minuto na pala ang nakalipas at tapos na siyang mag talk. Tinawag isa isa ni Sir Havier ang mga grupo para ipakita ang inihanda na performance namin. Ang gagawin namin nila Meira ay sayaw. Kahit minsan ay ayaw ko, nakisama pa din ako sa kanila tuwing practice kahit na lagi kong naalala iyong ginawa ni Meira. They'll always bully me when we are practicing but I didn't complained. Ayokong wala akong ma-i-perform ngayong retreat. 


"Thank you, Group 4! What a splendid performance. Now, let's welcome, Group 5!" 


Tumayo kami ng mga ka-grupo ko at pumunta sa harapan. Meira smiled at me and I find it suspicious but I just shrugged it off. I need to focus on our performance.


We started dancing when the music started playing. We are synchronized on the first part but when the chorus ends... nag-iba ang mga steps nila sa step ko. Naguguluhan akong tumingin sa kanila but they just keep dancing! I tried copying them pero ibang iba talaga ito sa steps na pr-in-actice namin!  Don't tell me they change the choreography last minute without telling me?! 


The students started laughing at me. Ako lang ang hindi makasabay sa mga ka-grupo ko. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Levi at Elisha. I look embarassing now! 


"Lousy dancer. Hahaha." rinig kong sabi pagtapos namin sumayaw. Nakayuko akong bumalik sa upuan ko. Hiyang hiya ako!


"Akala ko naman nasa kanya na lahat, hindi pala magaling sumayaw." 


"Kaya nga. Hahaha! Para siyang tanga sa harapan!"


"Pangit na nga ng ugali, pangit pa sumayaw." 


I tried my best to ignore the student's comments which are obviously about me. Hinanap ng paningin ko si Meira pero nakikipagusap na siya kay Levi. Tsk. Knowing them, they probably planned it. Ang original na choreography namin ay iyong sinayaw ko, tapos binago nila iyon na hindi man lang sinasabi sa akin para ipahiya ako. Great. 


That's why I find it suspicious when Meira smiled at me. May pina-plano pala. 


The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now