Chapter 26

128 12 1
                                    

Chapter 26

Baby


Gabi na nang makauwi kami sa villa. The whole day is so tiring and exhausting. Kanina ay sinusubukan akong kausapin ng Moonchild pero iniiwasan ko sila. I'm just not ready to have a conversation with them. 


Nag pupunas ako ng buhok ko nang bigla akong may na-recieve na text galing kay Levi. Awtomatiko akong napangiti.


From: Do Not Reply 

mas nakakatulog ako ng mahimbing sa balikat mo :( i can't sleep :(


To: Do Not Reply 

Sleep tight, Levi. Goodnight. 


From: Do Not Reply 

wait lang, kinikilig ako!!!!! 


Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng may ngiti sa labi kahit na sobrang pagod. I woke up recieving good morning text from Levi the next day. Mas nauna ulit siyang makapasok at hinatayin kami sa tent. 


Saktong alas nuebe ng umaga ay nagsimula ang mga activities na inihanda namin. Si Melanie at Elisha ay hindi sumali dahil sa kanilang natanggap na punishment. Pati nga si Levi at Kairi ay hindi rin sumali, hindi ko lang alam kung bakit. 


Sinadya kong hindi na pagtuonan ang pansin ang grupo na naka-assign sa akin habang habang nagaganap ang palaro. Ayoko ng makihalubilo sa kanila dahil sa nangyari kahapon.  Inasikaso ko na lang ang mga susunod na mga activities at ch-in-eck din iyong mga grupo na sila Symoune naman ang may hawak. 


Habang naglilibot ako sa buong court para mag-check ay nakabuntot sa akin si Levi. Wala ata siyang magawa sa buhay niya.


"Ano? Kamusta grupo niyo?" tanong ni Symoune nang mapunta kami sa banda nila. 


Tinignan ko ang mga ka-grupo kong hindi alam ang gagawin. Habang ang iba ay malapit ng matapos sa laro, sila naman ay napag-iiwanan. 


"Hayaan mo sila."


Tumawa sa akin si Symoune. "Hahaha. Papadala na lang ako ng ibang estudyante na mag-aasikaso sa kanila. Kawawa naman oh," tinuro niya pa ang mga ito. 


Napabuntonghininga ako at hindi maiwasan na umirap. "That's what they get from disrespecting me yesterday." 


Kung napipilitan lang pala sila dahil sa grades, mas mabuti pang hindi ko sila tulungan para tuluyan silang bumagsak. I don't want forcing people to join this seminar. It's either, isapuso mo lahat ng pinapagawa namin o huwag ka na lang sumali. 


Naka-ilang games at activities na sila na puro talo ang grupo ni Meira. I can sense her irritation from afar. Nakaupo ako ngayon sa harap at pinagmamasdan sila. Natutuwa ako minsan kapag nakikitang nag-e-enjoy ang ibang estudyante. They are all competitive with each other but despite of that, I can still see that they are having fun. 

The Place Where It All Starts (Sitio Series #1)Where stories live. Discover now