Chapter 4

18K 661 27
                                    

"Its okay to dislike someone,or even dislike someone for no reason.But its not okay to disrespect,degrade,and humiliate that person.." -Unknown

-------------

NAGLALAKAD PA lamang ako sa pathway patungong classroom ay rinig ko na ang ingay sa bawat silid na nadaraanan ko.Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kaysa magmadali ay mas tinatagalan pa ng paa ko na lumakad,

Siguro,dahil alam ko na sa oras na makita na ako ng mga estudyante ay doon na mag si-simula ang peligro sa buhay ko.

Yung nangyari kanina sa labas ay isa lamang pahiwatig na nararapat na akong gumising,gumising sa katotohanan na ang isang tulad ko ay hindi kailanman matatanggap ng ibang tao.

Habang naglalakad ay hindi ko napansin ang pagbukas ng pintuan ng isang silid na siyang tumama sa noo ko,habang ang nagbukas ay tinignan lamang ako at umalis na.Napaluhod naman ako sa sahig ng tumalsik ang salamin ko habang hini-himas-himas ang noo ko.

Tatayo na sana ako ng mailagay ko na ang salamin ko sa mata ko nang bigla nalamang may rumaragasang kumpol ng estudyante ang tumakbo patungo sa hagdanan at naitulak ako.

"A-aray,jusko po...ang sakit"daing ko ng mapahiga ako sa sahig.Hindi ko ina-asahan ang kamalasan na taglay ng araw na ito,bakit ba sila tumatakbo?.

Ano bang meron sa ibaba at nagmamadali sila?

Napailing nalamang ako at hindi na pinansin pa ang pagku-kumpulan nila sa hagdan.Tiningnan ko na lamang ang natamo kong sugat simula kaninang pagpasok ko na nadagdagan na naman.

Nagsimula na akong hipan ito pati ang sugat na nasa tuhod ko.Naaalala ko noon sa tuwing nag-kakasugat ako ay ganito ang isinasagawa ng mommy ko sa akin.

"Tama ka,masakit..Masakit iwanan ng taong mahal mo ng walang dahilan.Lalo na ang makita mong may kasama siyang iba."gulat akong napatingin sa babaeng lumabas mula sa kabilang kwarto na ngayon ay na sa may kaliwa ko.

"H-huh?"nag-ta-takang tanong ko dito ngunit tinalikuran lamang ako nito at tinungo ang hagdan na puno ng mga estudyante.Problema ni Ate kung maka-hugot?

"ARE YOU MS.SHIN?yung galing sa ibang section?"pamumukaw sa akin nang isang babaeng sa aking paningin ay isang guro ng klaseng magiging kabilang ako.

"Opo"nahihiya na saad ko dito at tumungo.Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng mga magiging kaklase ko.

Ngunit bakit nga ba ako kinakabahan?para saan?sa tinagaltagal ko ng namamalagi sa eskwelahan na ito,alam ko naman na walang pinagbago ang mga estudyante dito.

"Dont be shy,come in front and Introduce yourself."Nakangiti na saad nito at binigyan ako ng daan upang makapasok.

Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sakanya.Nang nasa harapan na ako ng klase ay samut-saring bulong at tawanan ang naririnig ko habang nakatingin sila saakin.

I know im not beautiful,but please do respect other's feelings.Ani ko sa isip at napabuntong-hininga nalamang.Inalis ko na sa isipan ko ang lahat-lahat at buong tapang na nginitian silang lahat kahit na ang sa-sama ng mga tingin nito sa akin.

Ang gusto ko na lamang ngayon ay ang matapos na ito at maka-upo na,dahil alam ko na sa oras na itunog ko ang dalawang paa ko ay ito narin ang simula ng kalbaryo ko.

"M-my name is Elijah Maxine Park shin,I am 15 years old.Please,be good to me" Paghahayag ko ng aking sarili habang hindi parin nawawala ang ngiti sa labi ko

Sino nga ba ang niloko ko sa huling parteng salita na sinabi ko?sarili ko lang naman.Dahil kahit anong gawin ko,basura ang tingin sa akin ng lahat.

Wounded Heart (WH 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon