Chapter 8

13.8K 473 16
                                    

"I won't give up.No one can make me give up.."- Dylan Maclyn

-----------

"WHAT A BORING DAY.."

Mapungay na mata ang ginamit ko upang tingnan at pakinggan ang sinasabi ng guro namin sa harapan.Gustohin ko man matulog ay hindi ko magawa.

Pakiramdam ko may masamang elementong pumipigil sa akin para gawin ang isang bagay na nais ko gawin.Tila ba may enerhiyang kumakalat sa buong katawang lupa ko para labanan ang kaluluwang matagal ng umiikot sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako at ginala na lamang ang paningin ko sa loob ng klase habang nakaupo.Napairap na lamang ako ng mapadapo ang dalawang mata ko sa Nerd na yun.

Tignan mo nga naman oo.Sa dinarami-raming pwede pag-dapuan ng dalawang mata ko sa babaeng 'to pa talaga.Ang swerte naman niya,isang gwapo ang napatingin sa kanya.

Sinipat ko ang itsura niya.Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin ngayong araw at nagawa ko yun.Ako?ang sobrang gwapo na ako,tititigan ang isang tulad niyang manang?No way.But hell!I did!

Makapal na Kilay,May walis na buhok,Mahaba at maluwang na Uniform and wait what?she's wearing a rubber shoes and a high socks with it?So weird.

Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa manang na yon.Ngunit hindi ko magawang pigilan ang sarili ko na lingunin siya muli.What the hell am I doing.

Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.Tila naestatwa ako at hindi magawang alisin ang mata ko.Para akong tinamaan.Nakulam ba ako?

"Anong tinitingin mo?!"Bulong nito sabi habang linalakihan pa ako ng mata.

Parang doon lamang ako bumalik sa realidad subalit kalaunan ay napadako ang tingin sa labi niya nanggigigil sa akin.Nginisihan ko siya at nangaakit na dinilaan ang ibabang labi ko.

Nakita ko ang paglaki ng mata niya at ang pagtikom ng bibig nito.Patago na lamang akong ngumiti dahil sa saya na hindi ko mawari kung saan nang galing.

"Near an earthquake the shaking is large and dominated by shear-waves and short-period surface waves."

Napakagat ako sa ballpen na hawak ko at napatingin ng diretso sa harapan.Biglang kumabog ang puso ko nang hindi ko mawari. Malakas.Nakakapanghina.

Linukot ko ang papel na sinulatan ko at binato sa manang na yon.Kita kong tinamaan ito sa ulo at masamang napatingin sa akin. Tinaasan ko lamang ito ng kilay na tila ba inosente sa isang bagay.

Nang pinulot nito ang papel ay mas lalong napasama ang timpla ng mukha nito at bruskong initsa sa akin ang papel na binato ko.Natatawang binuklat ko ito at kinindatan siya.

Me: Tigilan mo na ang pagpapantasya sa akin.Sorry,but I don't like you.

Sagot niya: Ulol!Mas may pantasya pa ako sa unggoy kaysa sa pandesal ang buong mukha!

Ako naman ngayon ang sumama ang mukha.Ako?sa gandang lalaki ko na ito ay puro pandesal ang mukha?Ako,na siyang pangarap ng mga babae?Ako,na halos gustong rapin ng buong mundo?

That,t-that nerd!

"Pre,lalim ng iniisip natin ha?"pamumukaw pansin sakin ni Aldrin.

Hindi ko siya pinansin at inis na pinunit ang papel na hawak ko habang nangangalaiti sa galit.Wala pang nagsasabi sa akin na pandesal ang mukha ko! Humanda sa akin ang babaeng yun at makikita niya.

"That's all for today.Class,dismiss."
Ani ng guro at umalis na bitbit ang gamit nito.

"ANO NGA PALA ang ipapabili niyo?pipila na ako para makakain na tayo."ani ni Marco nang makarating kami sa Canteen.

Nakasimangot na dinaanan ko lamang ito ng tingin at isinubsob na lang ang mukha sa mesa.Wala akong gana kumain.Kasalanan ng manang na ito ang lahat!No one dare to say that to me!

"Tama ba yung narining ko,hmm?"Nakangising aso na sabi ni Aldrin kay Marco."Ililibre mo kami pre?"dugtong pa nito.

"What--no!tinatanong ko lang kung may ipapabili kayo." depensa naman nito at umiiling pa."I am saving for my future."

Nagkatinginan na lamang kami ni Aldrin.Napapangisi pa ng malaki ang huli na siya namang agad na napansin ni Marco.Napataas pa ito ng dalawang kamay habang  unti unting umaatras na parang sinasabi pa nitong,'Sandali at hindi ganon yun'.

"Mga pre naman!para sa future asawa at anak ko to eh!"Pag mamaktol nito at nanlulumong napanguso.

"Pucha pre!'yang nguso mo itabi mo at baka mahila ko yan!" natatawang sabi ni Aldrin.

"Look,nagtatanong lang ako,could you just please say your orders and lend me your money?"ani ni Marco at nilahad pa ang kamay.

"Na-ah.Libre mo to,pre.Yang pinagiipunan mo matagal pa darating yan.Kaya habang wala pa,aba!paranas mo naman samin ang ilibre ng isang Marco."ani ni Aldrin ng may ngiting aso.

Napasabunot na lamang si Marco sa sariling buhok at napaungol pa sa inis.Nakasimangot na tinalikuran kami nito at pumila na.Tawa naman ng tawa si Aldrin sa tabi ko sa tinuran ng una.Naiiling na lamang ako sa dalawa at di na lang nagsalita pa.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na si Marco dala ang tray na naglalaman ng mga pagkain.Pagkalapag na pagkalapag pa lamang nito ay sinunggaban ka agad ito ni Aldrin.

"You planned this,do you?" Nanlulumo pa ring saad ni Marco at sinubo ang palabok na dala nito.

"Not really pre,Gutom lang talaga kami",Tatawa tawa pang pahayag ni Aldrin dito at itinuloy ang pag nguya.

"Dinamay pa ako."Ang bulong ko na halos di narinig ng dalawa.Sinubo ko na lamang ang pagkain na nasa harapan ko at pilit binubura panandalian ang manang na yon.

"Woish prefsh!Hinshui mosh bhag jasjashlawern shang shibogsh sha lirfpre shi ushol Marscho?!" Ngumunguyang sabi ni Aldrin na hindi namin maintindihan.

"Mabulunan ka sana.."bulong ni Marco at napahalukipkip.Bigla naman napaubo si Aldrin ng malakas kakalamon at pinagsusuntok ang dibdib nito.

"Shubeg!Cough!shubeg!!"

Napahagalpak naman sa tawa si Marco at napapikit pa.Agad ko naman binigay ang inumin ko na nasa lamesa kay Aldrin na tinanggap naman nito.

Pinalo ko na rin ang likuran nito upang umayos ang daloy ng pagkain sa loob ng katawan niya."Pre,cough!B-baka lumabas n-na cough!B-bituka ko s-sa bibig ko!cough!"Awat nito sa akin at pilit tinatanggal ang kamay ko sa likod niya.

Pigil na tawa na inalis ko ang kamay ko sa kanya at sumubo na lamang ng pagkain na nasa harapan ko.Nang mahimasmasan na si Aldrin ay sinamaan nito ng tingin si Marco na hanggang ngayon ay bumubungisngis pa rin sa tawa.

"May sumpa ata 'tong libre mo eh!"Maktol ni Aldrin na nagdada- bog.Tumayo pa ito at pilit pinagpapalo si Marco.

"Wala no!Shunga ka lang talaga pre!Hahahaha!"

Natatawang linihis ko na lamang ang tingin ko sa dalawa at sinunod sunod na ang pagsubo ng pagkain.Natanaw ko hindi kalayuan sa pwesto namin si manang.Kasama nito si Bea at Kim na kaibigan niya.

Muling nanumbalik ang galit sa sistema ko.Putris!akala ko matatahimik kahit na saglit ang isip ko.Nanlilisik na tinitigan ko siya na tatawa-tawa pa.Biglang nagtama ang mata namin at inikutan lamang ako ng mata nito.

Naputol lamang ang pagtitig ko dito ng may isang mabigat na kamay ang umakbay sa akin. Tiningnan ko lamang ito at tinaasan ng kilay.

"You want to get even with her?"
Tanong nito.Nagkibit balikat lamang ako at tinuloy ang pagkain."Silly me.Hindi na dapat pa kita tinanong.Ofcourse you do."

"I love to,Aldrin."Sagot ko at muling tinitigan ang pinag-uusapan namin.Laking gulat ko ng makita 'kong nakatingin rin ito sa akin.Napahawak ako sa dibdib ko nang muling kumabog ito ng malakas.What is happening?

"Let's have a game,then."

---------

Wounded Heart (WH 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant