Chapter 5

17.2K 540 30
                                    

"The way you dress is an expression of your personality.." -Unknown

------------

'NAIINIS AKO!nag-iinit ang ulo ko ng dahil sa ginawa ng manang nayun saakin,anong karapatan niyang apakan ang ego ko?!hindi ba niya alam na kahangalan ang ginawa niya sa isang tulad ko?!' waksi ko sa aking isipan.

Kanina pa ako pagulong-gulong sa 'sofa bed' na kinauupuan ko sa loob ng tambayan naming tatlo,nasa loob parin kami ng eskwelahan ngunit kami ang naka-okupa ng kalahating palapag sa isang building dito.

Sa katunayan niyan ay may dalawang palapag ang building na ito at nahahati ang dalawang palapag na iyon sa gitna.Ang kaliwang bahagi ng gusaling ito ay nasa pangangalaga namin,habang ang kanang bahagi ay hindi pa namin alam kung sino ang may hawak.

Napapamalita kasi na ang may-ari ng bahagi na iyan ay ang mismong anak na babae ng mga Shin,ang anak mismo ng may-ari ng eskwelahan na ito.But,I dont give a f*ck!Hindi ko naman 'yon kilala.

"Dude!haha,ano ayos ka lang ba?" nakangising bungad saakin ng dalawang 'itlog' kong mga kaibigan ng pumasok sila sa tamabayan namin.

Halos mapasipol pa sa kasiyahang nararamdam ang dalawa ng masilayan nila akong hinihilot ang sarili kong paa na pinipi ng manang na 'yun.Inirapan ko nalamang sila at ibinagsak ang sarili ko pahiga sa sofa at pumikit.

"Mukhang nasaktan talaga ang dakilang pogi ah?" rinig kong saad ni Marco ng may bahid ng pang-aasar.Napabungis-ngis pa ang dalawa at umupo sa magkabilaang bahagi ng sofa na kinahihigaan ko.

"Sinabi mo pa 'pre!ang kaso hindi naman talaga paa niyan yung nasaktan eh!hahaha!"ani ni Aldrin.

Nakakairita na sila,hindi ba nila alam na nakakainis na?kasalanan talaga ng manang na 'yun to eh!kung hindi dahil sakanya 'edi sana tahimik ang buhay ko ngayon.

"Yung 'ego yung nasaktan! hahaha!"Sabay na saad ng dalawa at nag-apiran pa.

Hindi ko na talaga natiis at idinilat ko na ang dalawa kong mata at sinamaan sila ng tingin,can they just shut the f*ckin sh*t up?.

"Lumayas na nga kayo!"naiiritang saad ko habang nakakunot-noo pa.Hindi sila nakakatulong para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

"Ayaw nga namin at isa pa,mamaya pa naman ang sunod na subject natin" ani ni Marco at binuksan ang TV na nasa harapan lamang niya.

"Tsk,ang sabihin mo 'pre!wala tayong prof ngayon!haha" naiiling na asik ni Aldrin at nagpakawala ng hikab nito.

Mabuti nalamang at unti-unti ng naiibsan ang sakit na idinulot ng manang na iyon sa paa ko.Ang lakas ng loob niya para hindi ako pansinin.Akala niya ba ikinaganda niya 'yon?!isang malaking 'Hindi'.

At ang isa pa na na-ka-kairita ay 'yung paa niya!ano bang meron sa paa ng manang na 'yun at napaka-bigat?.

"Wala ako'ng pakialam kung walang prof ngayon!ang gusto ko lumayas muna kayo dito!"asik ko at binato sila ng unan na siyang tumama sa mga mukha nila.

Inis na binalingan ako ng mga ito ng tingin ngunit kalaunan ay bigla nalamang ngumisi.Akala ko ay aalis na sila ngunit kay'sa lumayas ay prenteng humiga ang dalawang ito sa kinauupuan nila at nakakalokong nginitian ako.

"Pasensya dude,hindi gustong umalis ng mga pogi naming paa eh."ani ni Aldrin at dinukot ang cellphone nito sabay kalikot.

Asar na humilata at umidlip na lamang ako at hindi na pinansin pa ang dalawang 'itlog'.Huwag lamang sana nila subukan na asarin pa ako at makakatikim na sila sa akin.

"Mga 'pre!magu-umpisa na ang klase!hindi pa ba kayo ta-tayo dyan?!" pang-gi-gising sa amin ni Marco habang naga-ayos ito ng kanyang sarili.

Inaantok na binalingan ko lamang siya ng tingin at humikab.Kusot-mata naman na tumayo si Aldrin sa kinahihigaan nito at pumasok sa banyo.

"Kayo nalang muna,ipa-pahinga ko muna i'tong paa ko"ani ko at muling humilata sa sofa bed na kanina kopa hinihigaan habang nakalantay ang isa Kong kamay sa may noo ko at nakatingin sakanila.

"Tsk,ikaw ang bahala ikaw rin naman ang mahihirapan sa lesson.." nakangising pahayag saakin ni Marco habang isinusulukbit nito ang kanyang backpack sa may likuran niya.

"Ulol!kahit hindi ako pumasok alam ko parin ang mga tinuturo nila ano! " ani ko dito at ngumisi.

"'Wag mo kaming lokohin Dylan.Paanong hindi mo malalaman ang mga lessons kung kapag ta-tanungin ka laging naka-saklolo ang mga babae mo?tsk"ani ni Aldrin ng makalabas ito ng banyo.

"Anong mamagawa ko?sa sobrang kagwapuhan ko lahat ng sagot napi-piga ko"ani ko at inirapan sila. Ang mga babae naman ang nag bibigay ng sagot saakin kahit hindi ko hinihingi,sabi naman kasi ng lola ko na 'Bawal tumanggi sa grasya.

Naiiling habang natatawang umalis nalamang ang dalawa sa tambayan bitbit ang mga gamit nila.Naiwan akong antok ngunit medyo nahimasmasan na.

ISANG ORAS pa lamang ang lumipas mag mula ng umalis ang dalawang itlog kong mga kaibigan sa tambayan.Ang antok na nadarama ko kanina ay bigla na lamang nawala at mas ninais na lamang na lumabas.

Dinala ako ng mga paa ko ng rooftop ng eskwelahan kung saan walang nagna-nais na mag punta.Ang a-arte kasi,akala mo naman may mag tatangka na patulan sila.

"B-best sorry..sorry..I-i didnt mean to leave you,pero wala na akong magawa.Alam mo naman ang nangyari saakin dati hindi ba?kinailangan na mag patingin ulit para malaman kung nagkaroon ng komplikasyon.Im sorry"

"Naiintindihan naman kita,ang saakin lang sana naman inabisuhan mo ako.Sobra akong nag-alala sayo"

"I tried..pero ang sabi ng doctor hindi ako pwedeng mabinat kaya kinuha nila mommy ang lahat ng gadgets na meron ako.S-sinubukan ko,pero hindi pwede..."

Napahinto ako sa kinatatayuan ko at napalingon sa dalawang nag ya-yakapan habang umiiyak sa gilid ko.Out of curiousity ay mas nilapitan ko pa ang dalawa 'yon.Nahaharangan na lamang kami ngayon ng isang pader na naka-pagitan saamin.

Laking gulat ko ng makita ko ang babaeng pinapantasya ni Aldrin at ang manang na umapak sa paa ko ng magkalas na sila ng yakap.

Hindi ko lubos akalain na mag-ka-kilala pala silang dalawa.Tingnan mo nga naman oo,may nag-tangka pa na makipag-kaibigan sa manang na 'yun?nakakatawa.

Naiiling na napangisi nalamang ako sa isipan at tumalikod na. Nakaka-limang hakbang palamang ako ng sa hindi inaasahan ay may naapakan akong plastik na bote na naging sanhi ng malakas-lakas na ingay.

"Sino yan?!"

Rinig kong sigaw nung manang.Napairap nalamang ako sa kawalan at itinuloy ko nalamang ang naudlot kong paglisan ngunit may isang kamay na humila sa akin at isinandal ako sa pader.

"Bakit ka nakikinig sa amin?! Anong ginagawa mo dito?!Bakit kailangan mo pa maki-tsismis saamin?!"kunot-noong asik ni Manang sa mismong harapan ko habang isang dangkal nalamang ang layo ng mukha namin sa isat-isa.

Naaamoy ko na ang hininga niya na masasabi ko namang mabango na hindi buma-bagay sa pormahan niya,mukha kasi siyang mabaho.

"Ano?!bakit hindi ka sumasagot?!" muling imik nito at mas inilapit pa ang mukha niya.

Nakikita ko sa gilid ng dalawang mata ko ang nakaupong babae na si Bea habang nakangisi pang nakatingin sa akin at sa manang na dak-dak ng dak-dak sa harapan ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nabo-boringan na tinignan siya.Sobrang lapit ng mukha niya,kailangan ko na ba'ng maligo ng alcohol mamaya?.

"Wala ka ng pakialam pa kung bakit ginusto ko na dumito.Ano naman kung may narinig nga akong pinag-usapan ninyo?So what?Puro ka-dramahan lang naman ang mga sinasabi niyo,tsk" ani ko

Maangas na iwinaksi ko ang kamay niya na linulukot ang colar ng uniporme ko at linisan na ang lugar na iyon.Kung maka-react akala naman nakarinig ako ng krimen,tsk.

----------

Wounded Heart (WH 1)Where stories live. Discover now