√Chapter 42

5.1K 140 4
                                    

Maxine's POV

Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ng may maramdaman akong kamay na nakapulupot saakin,hindi ko alam kung maiinis ako dahil sa sobrang pagkakahigpit nito.Hindi ko ito magawang ialis man lamang kung kaya't nag desisyon nalamang akong umayos ng upo

Ngunit sadyang iniinis ako ng taong nakaakap saakin dahil sa ulong nakapatong din sa ulo ko,hindi ko alam pero parang nagsi akyatan ang lahat ng dugo ko sa mukha ko ng maialis ko na ang ulong nakapatong kanina sa ulo ko.

Si Dylan,si dylan na ngayon ay mahimbing padin ang pagkakatulog.Hindi ko maiwasan ang tignan siya,Kung hindi ko ba nalaman ang mga panloloko ninyo masaya kaya tayo ngayon?

"Psst!max!"

Agad akong napabaling ng tingin sa taong tumawag saakin,nakita ko si bea na nakatayo na sa tabihan ni dylan habang nakapamaywang na nakatingin saakin.

"Bakit?"ani ko dito at umayos ng pagkakaupo

"Gisingin mo nayan,andidito na tayo at kayo nalamang ang hinihintay sa baba.Tama na muna ang pag momoment ninyo dyan at badtrip na ang driver ng bus.."ani nito habang tatawa tawa pa,inirapan konalamang ito at binalingan nalamang ng tingin si Dylan na mahimbing padin ang pagkakatulog.

Umalis narin naman si Bea matapos niya akong pagsabihan na gisingin na ito..Tinapik tapik ko naman ang mukha ni Dylan upang gumising na pero walang epekto.

Tinulak tulak konadin ang braso nito pero wala pa din,haist!naalala ko,tulog mantika nga pala itong lalaking ito.

"Hey!wake up!"ani ko habang tinatapik tapik ko ang mukha niya

I just let out a big sigh,hindi padin ito nagigising..Suko na ako,akmang iaalis kona ang kamay ko sa mukha niya ng mabigla nalamang ako ng hawak na niya ang kamay ko habang nakatingin saakin ng seryoso

"H-hey!let go!" Ani ko ng mabalik ako sa wisyo

Umiling lamang ito saakin habang hawak padin ang kamay ko,akmang tatanggalin ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko gamit ang isa ko pang kamay ng hawakan niya din ito

Bigla naman itong ngumiti saakin ng mapang-akit,sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko na para bang isang maling kilos ko lamang ay magkakadikit na ang mga labi namin.

"W-what are you doing?"

Takang tanong ko dito ng mas lalo pa nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko,hindi ko alam kung ano ang nararapat Kong gawin.Natataranta ako sa posisyon namin ngayon,to the fact na sobrang lapit ng mukha niya saakin.

Halos mapalaki ang mga mata ko ng unti onti nitong inilapit ang labi niya sa labi ko,napapikit nalamang ako ng mata ko.Pero hindi ko inaasahan ang nangyari,naramdaman ko nalamang ang paghalik nito sa noo ko at marahang ipinagdikit ang mga noo namin.

Napamulat ako kaagad ng mata at tiningnan siya,nakita ko itong nakangiti saakin at binitawan nadin ang kamay ko..Inilapat nalamang nito ang kanyang dalawang kamay sa aking pisngi at marahang hinaplos haplos iyon.

"I respect you,hahalikan lang kita ulit doon kung may karapatan na ako..."

After he said that,he kissed again my forehead and caressed my hair..Napakurap nalamang ako ng mata,he really said that?

"Let's go,hinihintay na nila tayo "ani nito at tumayo na,inilahad naman nito ang kamay niya sa harapan ko habang nakangiti saakin.Tinanggap ko nalamang ito at kinuha na ang bag ko,akmang isasabit ko na ito sa likudan ko ng kunin niya ito saakin at siya na ang nagdala.

"Ako na"ani ko at pilit kinukuha ang bag ko sakanya,hindi naman ito pumayag at inilalayo saakin ang bag ko

Napailing nalamang ako at hindi na lumaban pa,Masama tumanggi sa grasya

Nag umpisa nalamang ako maglakad palabas ng bus habang nasa may likudan ko siya ,nakita ko naman ang mga kaklase naming nakapila by sections habang naka harap sa mga prof(s) na kasama namin.

Linapitan naman namin ni Dylan ang pila ng section namin kung saan nakapila sina Bea sa likudan,nang makarating kami ay samut-saring tukso galing sa mga kapwa estudyante namin ang naririnig namin.Isama pa sina Kim na grabe kung makangisi habang nakatingin saamin na dalawa ni Dylan habang nakataas pa ang isang kilay nito.

Napairap nalamang ako ng wala sa oras at umayos nalamang ng pila at kinuha ang bag ko na nakay Dylan,ibinigay naman nito kaagad habang sobra ang pagkakalaki ng ngiti nito.

"Ano yan ha?bati na kayo?"biglang kalabit ni Kim saakin,nag kibit balikat nalamang ako sakanya.

"Ang daya naman max!"nanghihinayang na ani ni Bea saakin ,napabuntong hininga nalamang ako sakanila..kahit kailan talaga

"Hindi pa kami ok"ani ko at inayos ang T-shirt ko na medyo nagusot

"Then,bakit siya ang nagdala ng bag mo?"

Agad akong napatingin sa biglang umakbay saakin na nanggaling sa may likudan ko,inalis ko naman ito at inirapan siya

"Gusto niya eh"tanging saad ko lang

"Naka score ang loko,tsk"

"May sinasabi ka?"umiling lamang ito saakin

Hindi konalamang ito pinansin at nakinig nalamang sa prof na nagsasalita..Haist,Inaantok pa ako.Gusto ko matulog!!kelan kaya sila magpapatulog?aish

-------

Wounded Heart (WH 1)Where stories live. Discover now