√Chapter 51

4K 104 6
                                    

Maxine's POV

"Max,flowers for you"ani ni kyle habang iniaabot saakin ang inilahad niyang bulaklak,tinanggap ko naman ito at nginitian nalamang siya

Akmang aamuyin ko na sana ang bulaklak na hawak ko na ngayon ng bigla nalamang iniharang ni Dylan ang tsokolate sa harapan ko kasama ng isang baketa ng bulaklak.

"A bouquet of flowers and chocolate for you,max..Only just for you,just like my heart it only beats for you"

Kagat labi kong kinuha ang inilahad niyang bulaklak at tsokolate saakin at katulad ng ginawa ko kay kyle ay ginawaran ko din ito ng isang ngiti.

"Thanks"

Nginitian naman nila ako na dalawa na para bang wala ng bukas,kasabay naman nito ang pagtingin nila sa bawat isa matapos mag kasabay sa pag tingin saakin.Mula sa pagitan nila na dalawa ay kita ko ang masasamang tinginan na ipinupukaw nila sa isat isa

"Beats only,beats only pang nalalaman hindi naman totoo..tsk"nailing na pahayag ni kyle habang masama padin ang tingin

Inis naman na napabuga ng hangin si Dylan at bigla nalamang ngumisi habang masama padin ang tingin Kay Kyle. Sa itsura nito ay malalaman mo na kaagad na nag pipigil lamang ito ng inis,palagi naman ganito ang nangyayari eh.

"Your wrong,dahil ngayong alam ko na at sigurado na ako sa nararamdaman ko asahan mong lahat ng lalabas dito sa bibig ko,ididikta ng isip ko,at ititibok pa ng puso ko ay totoo.At siya,siya lamang ang lalaman at kukumpleto doon siya ang kasagutan.."

Habang sinasabi ito ni Dylan ay hindi ko maiwasan ang mapanganga,although isang linggo na niya ginagawa ito.I mean nila,dahil isang linggo na ang nakalilipas ng simulan nila ang panliligaw saakin

At sa isang linggo na iyon ay kailanman Hindi nawalan ng ganitong eksena,iyong may hahalungkat sa nakaraan at ibabaon sa panibagong pamamaraan

Para nga saakin ay dito na tumatakbo ang buhay ko,dahil sa bawat pagkakataong nagkakasama kami na tatlo ay walang katahimikang umaalingaw-ngaw sa pagitan namin

"Tumigil na nga kayo,kahit minsan manlang ay sana patahimikin ninyo ang paligid ko"

----
Someone's POV

"Natatakot ako.bata pa siya,bata pa ang anak natin para maranasan niya ang ganitong sitwasyon.Hindi ko pinapangarap at kailan man ay hindi ko pinangarap ang ganitong sitwasyon para sa anak natin,ang gusto ko lang naman ay ang maging masaya siya pero bakit?bakit kaysa saya ay kalungkutan naman ang bumabagabag sakanya?Naging masama ba akong ina at humantong sa ganito ang lahat?may pagkukulang ba ako?isa ba itong parusa?pero bakit anak pa natin!bakit anak pa natin ang kailangan na pumasan ng lahat ng ito?!"

Umiiyak na nakayakap ako sa asawa ko na walang tigil ang paghaplos sa likudan ko,kanina pa ako umiiyak.Nakakatawa nga lamang at kahit gaano na kadami ang inilabas Kong luha ay hindi pa din ako nauubusan

Sobrang sakit ng nararamdam ko,ramdam ko din na ganyoon din ang nararamdaman ng aking asawa na siyang humahaplos sa likod ko.Nagpapakatatag siya para saakin,saamin.Alam kong gusto na niyang bumigay pero hindi niya ginagawa dahil inaalala niya ako,dahil gusto niyang maging matatag para saamin.

Hindi naman ako bulag at bingi para hindi ko malaman iyon,dahil tuwing sasapit ang gabi ay naririnig ko itong humihikbi sa isang sulok.Katulad ko ay sinisisi niya din ang kanyang sarili sa sitwasyong kinakaharap namin ngayon

"Shh..hindi ka nagkulang,kung tutuusin ay sobra sobra pa nga ang pangangakagang iginagawad mo sa anak natin.Walang may kasalanan saatin,dahil kailan man ay hindi natin ginusto ang kinakaharap natin ngayon.Isipin nalamang natin na isa itong pagsubok,kaya kailangan natin magpakatatag para sa anak natin.Saatin siya kumukuha ng lakas,our son is a fighter hon.Kakayanin niya ito,at kasama tayo sa labang ito"nakangiti na saad nito saakin ngunit makikita mo padin ang kalungkutan sa mga mata nito

Niyakap ko naman siya ng mahigpit habang ikinakalma ang sarili,pero nabigo ako sa pagagos ng luhang dumadausdos sa mata ko..

Masaya kong binalingan ng tingin ang anak namin na masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang kaklase na babae sa kanyang paaralan.

"Let's all fight together.."

--------

Wounded Heart (WH 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें