√Chapter 35

11.3K 383 20
                                    

Maxine's POV

Nagising ako sa malakas na pagkatunog ng telepono sa tabihan ko,pikit mata ko itong sinagot habang nakadapa padin sa kama ko.Inaantok pa kasi ako,hindi ko alam pero parang tinamaan ako ng insomnia kagabi kung kaya't hindi ako makatulog.

Idamay mo pa yung nangyari kahapon sa school,na sa pagkakaalam ko ay isa nanamang pakulo ng lalaking iyon.Hindi na talaga siya nagtanda sa ginawa niya---nila saakin noon,ang kakapal..Ang kapal niya

"Hello?"antok na saad ko sa tumawag sa telepono,pero ilang segundo na ang lumipas ngunit wala paring sumasagot sa kabilang linya.Puro paghinga lamang nito ang aking naririnig at ang tila mga dahon na naaapakan.

"Hello?"paguulit ko,pero sadyang nang iinis ang nasa kabilang Linya at hindi parin sumasagot.

"Hello?!you know what?kung wala kang magawa sa buhay mo!wag kang mandamay ng ibang tao!Istorbo!"inis kong turan dito

Nakakainis!ginising nanga ako sa mahimbing kong tulog!hindi pa sasagot ?!eh kung ingudngod ko kaya yung mukha niya sa pwet ng kabayo?!

Akmang ibababa ko na yung telepono ng bigla nalamang itong nagsalita.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko

"Wag mahihiyang magtanong~~"

"KYLE!!!!!"

Peste!nakakainis!nakakapang init ng ulo!ikaw ba naman ang inisin?!yung tipong paghihintayin ka sa telepono tapos pagka sumagot,Aasarin kalang pala?!hindi kaba maiinis doon?!

Narinig ko naman ang nakabibinging tawa nito sa kabilang Linya na mas lalong nagpainis saakin.Kung nasa tabihan kolamang itong lalaking ito baka nadagukan ko na ito!

"Chill babe..pfft,hahaha"

"Tigilan monga ako!ano bang kailangan mo ha?!"

"Ito naman!parang nagbibiro lang eh"

"Pwes hindi nakakatuwa!ang sarap sarap ng tulog ko ginising moko!"inis na turan ko at tumayo na mula sa pagkakahiga

"Abat!tanghali na tulog kapa?"

"Lapakels!puyat ako"

"Ano bang ginawa mo at puyat ka ha?diba sinabi ko na sayong wag kang magpupuyat?!bat ang tigas ng ulo mo?!"

"Hindi naman maiiwasan yun noh!atsaka bat kaba tumawag?"tanong ko dito habang nag to tooth brush sa banyo ko,narinig ko namang bumuntong hininga ito sa kabilang linya bago magsalita

"Nagkausap na ba kayo?"

Saglit akong natigilan sa pagsisipilyo sa naging tanong niya,hindi ko alam pero para bang nag flashback sa isipan ko yung mga nangyari noong mga nakaraan na araw.Kung papaano kami ulit nagkita,at kung papaano kami nagusap na nauwi sa mga matatamis na salitang binitawan niya saakin.

Napailing nalamang ako sa naisip at ipinag patuloy ang pagsisipilyo.

"Nakapagusap na kami and...he wants me back"pagkasabing pagkasabi ko noon ay ibinaba ko na ang telepono ko,inayos kona ang sarili ko at tinignan ang sarili sa salamin.

Bakit ba ako naaapektuhan?nandahil lang ba sa sinabi ng lalaking iyon kaya ako nagkakaganito?o dahil mayroon paring puwang sa puso ko ang lalaking iyon?

Napatampal ako sa noo ko ng wala sa oras,ano ba naman itong iniisip ko?nasisiraan na ata ako!haha..

Ano bang porpose ng pagbabalik ko dito?hindi bat ang paghigantihan siya?ang iparamdam sakanya kung ano ang naramdaman ko noong mga panahon na iyon?

Pero bakit?bakit ako nagkakaganito?

"Whoo!focus max!just relax and don't think about that guy again!"ani ko habang pinagsasampal ang sarili ko,mayat Maya din ay itinigil kona at mas inilapit ang mukha ko sa salamin at mas tinitigan pa ang repleksyon ko dito..

"Wala na max,wala na..all you have to do is to make him feel what you've been felt that day..Just that"

After I said that,lumabas na ako sa banyo habang may ngiting naka paskil sa mukha ko..right max!like that!

"Like this...just like this"

------------
A/Happy March!yieee!hahaha..enjoy reading guys!mwuah!<3!

VOTE
COMMENT
BE A FAN

Wounded Heart (WH 1)Where stories live. Discover now