√Chapter 37

10.7K 330 40
                                    

Maxine's POV

"Bruha ka!alam mo bang malaking isyu ang ginawa mo kahapon?"

Naalimpungatan ako mula sa pagkakaiglip dito sa garden ng school sa malakas na pagbubunganga saakin ni Kim,kasama pa nito si Bea na napapailing nalamang habang naka pamaywang pa sa harapan ko.

"I know"ani ko at muling ipinikit ang mata

Agad ko namang naramdaman ang pagtabi saakin ni Bea at hinawakan ang magkabilaang balikat ko,Idinilat konalamang ulit ang mata ko at tinignan siya.

"Ganyan lang ang reaksyon mo?yung tutuo max?Naka drugs kaba?"nanlalaking matang saad nito habang nakahawak parin sa magkabilaang balikat ko.

"Omy gas!Max!Why?bat hindi ka manlang nag aya?!"nagdadabog pang sanhi ni Kim habang papadyak na umupo sa harapan ko.

I just rolled my eyes on them,bat ba ako nagkaroon ng kaibigang Takas sa mental?

"Ano bang gusto niyong maging reaksyon ko?eh maski nga kayo tuwang tuwa sa nangyari kahapon..hindi ba?"nakangisi ko pang sagot sakanila,Nakita ko naman ang nag aalangang ngiti ng mga ito at napaiwas ng tingin saakin habang sumisipol sipol pa.Napatawa nalamang ako sa naging reaksyon ng dalawa,kahit kailan talaga

"Yah!max,don't laugh at us!Malay ba naming nakita mo kami?Kung makakalusot lang naman kasi eh.."nagmamaktol na saad ni Bea habang nakanguso pa,napailing nalamang ako at tumayo na.

"Where are you going?"ani ni Kim

Binalingan ko nalamang sila ng tingin habang ipinapagpag ang likod ng damit ko

"Sa Clinic,gusto ko matulog eh"ani ko at nag umpisa ng maglakad.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang maps buntong hininga,bawat estudyanteng madadaanan ko ay nasa akin ang atensyon at kapwa pa papuri saakin.And I don't like that,I am also a student here like them,I am not here to make some fansign ..

Pagkarating ko sa clinic ay kaagad Kong binuksan ang pintuan,Walang nurse na nasa loob kung kaya't dumiretso nalamang ako sa isang kamang natatakluban ng kurtina matapos kong isara ang pintuan.

Agad akong humiga sa kamang iyon at napatingin sa kisame,Tila ba ay lutang ang buong pagka tao ko habang naka tingin dito..
Naalala ko nanaman yung mga panahong wala akong pakialam sa mundo,yung tanging ang pamilya ko,kaibigan lamang ang inaalala ko.

Pero iba na kasi ngayon eh,Malaking pagbabago na ang nangyari at alam kong kahit na anong gawin ko ay hinding hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan sa kasalukuyan. Hinding hindi ko na maibabalik pa iyon,kahit ano pa ang gawin ko..

Napatampal nalamang ako sa mukha ko,hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito ang lahat..Inilihis ko ang luhang tumulo sa mata ko at napapikit nalamang ng madiin,hinarap ko nalamang ang sarili ko sa table na nasa gilid ko at nag umpisa nalamang umiglip

Nakaramdaman ako ng taong papalapit dito sa pwesto ko at marahang umupo sa tabihan ko,mag poprotesta na sana ako ng hawakan nito ang kanang kamay ko habang marahang pinipisil ng mapag pasyahan ko nalamang na ipagsawalang bahala nalamang

"I'm sorry"

Rinig Kong mungkahi nito,ramdaman ko ang pangungulila sa boses nito.Pero hindi,hindi dapat ako maniwala sakanya.Minsan na niya akong niloko,mag papakatanga parin ba ako?

"Hindi ko naman talaga ginusto ang nangyari dati,oo inaamin ko nung una lokohan lang.Pero hindi ko naman kasi lubos maisip na mahuhulog ako sayo,na mag kakagusto ako sayo.Noong umalis ka?sobra akong nalungkot,pakiramdam ko sobrang sama ko.Ni hindi ko manlang naamin sayong Mahal kita ,hindi manlang ako naka pag paliwanag.I'm sorry max ko,sorry for everything.Napakatanga ko para pakawalan ka,para lokohin ka.."

Habang sinasabi niya iyon ay nakaramdamn ako ng tila ba ay sunod sunod na patak ng tubig sa kamay ko..Hindi ko maiwasan ang mapaluha ,Ang sakit.Ang sakit kasi kahit na anong sabihin niya ay barado na ang isip ko at hindi na kaya pang tanggapin iyon.

Na kahit na ano pang sabihin niya ay hindi na ako naniniwala pa,ang hirap kasi mag tiwala sa taong puro salita lang at wala manlang isinasagawang aksyon..Ang bigat sa pakiramdam

"Umalis ka na"

Agad na napabitaw ito sa kamay ko ng bigla akong nagsalita,umupo ako mula sa pagkakahiga at tinignan siya.Kita ko ang pag dausdos parin ng luha nito sa mata na kapwa niyang pinupunasan

"You don't have to say anything,Dahil sarado na ang isip ko..Umalis kana"

After I said that,bumalik na ako sa pagkakahiga.Narinig ko pa ang pag papakawala nito ng malakas na buntong hininga atsaka ako tinalikuran.Ngunit bago pa man siya makalayo ay nagsalita pa ito

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman,nag hahalo halo na ang emosyon ko at Hindi ko alam kung ano ang nararapat Kong panigan,Napapikit nalamang ako ng mariin at hindi ko namalayan ang pagtulo ng Luha sa dalawa kong mata.

"Hindi ako susuko,Mahal kita at papatunayan ko yan sayo.Maski na buhay ko pa ang maging kapalit,lalaban ako.Ganyan kita kamahal,sana maintindihan mo"

---------

Wounded Heart (WH 1)Where stories live. Discover now