√Chapter 61

3.1K 82 11
                                    

Other Person's POV

"Ano ba ang nangyayari?!bakit sunod sunod naman ata?!Una si Kyle!tapos si Max!ngayon naman si Dylan?!"naluluhang ani ng nanay ni Dylan

Halos lahat na ng mga magulang ng tatlo ay nag tipon tipon sa ospital kung saan naka confine ang mga ito

Hindi nila lubos akalain na magiging ganito ang lahat,na mangyayari ang lahat ng ito.

Lahat sila ay kapwa nanghihina habang nakaupo,pinapakalma naman ito ng mga asawa nila sa pamamagitan ng paghimas sa mga likod nito

Tahimik na nakatingin lamang sa mga magulang nito sina Lay at Mel katabi si kyla na kapatid ni kyle at Myka na kapatid ni dylan

Mababakas mo sa kanilang mukha ang kaba at lungkot habang nakatingin sa mga kapatid nilang nakahilata sa kama habang may mga kung ano anong aparatos ang nakakabit

Pinagisa nalamang kasi ng mga magulang nila ang kwarto nang sa ganoon ay hindi na sila maglilipat lipat pa ng kwarto para kamustahin ang nahiwalay na pasyente

'gumising ka na please,baby Max miss ka na ni kuya miss ka na namin..'ani sa isip ni Lay

"P-parehas..p-parehas ang n-nangyari s-sakanila,kay Baby M-max at D-dylan.Y-yung t-truck!yung t-truck na b-bumangga sakanila a-ay p-parehas."

Naluluhang saad ni Mel habang nakatingin sa cellphone niya,hindi maiwasan ng lahat na nasa loob ng kwarto iyon ang pagtataka..

Paano?paano niya nalaman iyon?

Humihikbing iniikot ni Mel ang kanyang paningin sa kanyang mga magulang at sa lahat ng nasa kwartong iyon,kagat labing umiling ito habang marahan siyang dinaluhan ni Lay na nasa tabi niya

"si D-dwayne,a-ang sabi niya ay t-tinawagan pa d-daw siya ni M-max k-kanina.."Pilit nitong pinipigilan ang pag hikbi habang nagsasalita."N-nagpapatulong daw i-to sakanya m-mag hanap ng d-donor p-para kay k-kyle,h-hindi niya daw k-kasi kayang m-mawala ang b-bestfriend niya..N-nung oras na i-iyon..*sigh* nung oras daw na i-iyon ay n-nag madali siyang u-umalis,nung malapit na daw siya d-dito sa Hartvort n-nakita niya daw y-yung p-pagbangga..y-yung p-pagbangga kay m-max*sob*"nagsimula nanaman itong humagulgol,tagis bagang naman itong inakap ng kanyang kapatid na si Lay

"Y-yung truck na iyon din ang d-dahilan k-kung bakit naandito si D-dylan,N-nakatakas daw kasi i-ito noong nabangga nito si M-max.H-hindi din nila inaasahan ang pagkawala nito ng p-preno kaya nabunggo sa p-puno si d-dylan..N-nahuli na nila yung d-driver at n-nakakulong na i-ito ngayon,p-pero"ani nito tinignan ang nanay ni dylan na ngayon ay sobra na ang pag iyak at ang magulang nito.."t-tita,mom..s-sinadya daw p-po talaga ang nangyari,p-pero nadamay lang daw s-si dylan,s-si Max daw po t-talaga ang p-puntirya"pagpapatuloy nito

"What?!paano nangyaring si Max ang puntirya?!"galit ang nakarehistro sa mukha ng tatay ni max

"w-walang sinabi si Dwayne,dad.dahil maski siya ay hindi alam ang dahilan,hindi umaamin ang suspect kung sino ang nag utos at kung bakit.."

Hindi maintindihan ng lahat ang nangyari,hindi nila maintindihan kung bakit nangyayari ito?kung bakit nangyayari ito?at bakit si Max ang puntirya?

Hindi nila maintindihan,Ang lahat ay kapwa nag hihinagpis sa sinapit ng anak at kapatid.

Umiiyak na nakatingin lamang ang lahat ng nasa kwarto sa tatlong nakahilata sa kanilang unahan.

Isa lamang ang naglalaro sa kanilang isipan,yun ay ang

Kailan sila gigising?bakit si Max ang puntirya?

------

Wounded Heart (WH 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon