√Chapter 38

10.9K 320 23
                                    

Maxine's POV

"A Peny for your thoughts?"

Nabalik ako sa ulirat sa Bose's na narinig ko,inabot ko din ang ice cream na inilahad nito saakin at inumpisahan ng kainin.Nasa Playground kami na dalawa habang naka upo sa swing at marahang nag sisiso.

Dalawang linggo narin ang nakararaan at madami na ang nangyari,medyo naging busy narin sa mga paper works kung kaya't wala na din oras para mag unwind.

"Psh,wala ito..nga pala kyle,bat antagal mo hindi pumasok?may pinagawa nanaman ba sayo si tito?"tanong ko dito habang dinidilaan ko ang gilid ng ice cream kong tumulo,Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang marahang pagtawa ni kyle habang nakatingin saakin.

Napasimangot naman ako ng wala sa oras habang nakatingin sa kanyang hanggang ngayon ay natatawa parin.

"Anong nakakatawa?"takang tanong ko dito

"Ikaw"

"Paanong naging ako,aber?"taas kilay ko pang tanong dito,ngunit imbis na sagutin ako ay isang pilyong ngisi lamang ang isinagot nito saakin.

Napaatras ako patalikod ng bigla nalamang inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko,inaamin kong naiilang ako.Ikaw ba naman ang lapitan ng mukha ng lalaking ito hindi ka ba maiilang?mukha pa naman itong kinudkod na unggoy..shokoy ata ito eh

Mas lalo ako napaatras ng inilapit pa nito ng husto ang mukha niya,kung tatansyahin ko ay 2 inch nalamang ang layo nito sa akin.Ni hindi ko narin magawa ang mag protesta dahil kakaunting galaw ko lamang ay magkaka dikit na ang mga labi namin.

Inilapat ko ang kanang kamay ko sa balikat nito at marahang itinulak siya,baka ano pa ang isipin ng mga tao.Pag nasa malayo ka ay mapagkakamalan mo kaming naghahalikan,kadiri hindi ba?

"Sana ako nalang..."ani nito habang nakatingin ng direkta sa mata ko,ibubuka ko palamang ang bibig ko upang sana ay mag salita ng inilagay nito ang hintuturo niya sa labi ko tila ba sinasabi nito na "wala akong dapat sabihin,tumahimik ako" sign

I just keep my mouth shut,inilayo naman na nito ang kanyang sarili saakin at umayos ng pagkakaupo sa swing at marahang pinaandar ito.

Iniwas konalang ang paningin ko dito at kinain nalamang ang natunaw kong ice cream habang nakatingin sa mga batang nagsisilaro.

Nag kunwaring umubo nalamang ako para mawala ang awkwardness na pumapalibot saamin na dalawa,ipinagsawalang bahala konalamang ang sinabi nito kanina.Tumingin naman ito sa akin at nginitian ako

"So,bakit ka nga absent?"pag tatanong ko dito,bumuntong hininga naman ito at marahang pinisil ang magkabilaang pisngi ko.Agad ko namang tinampal ang kamay nito,ang sakit kaya

"My father is in the hospital that day,yung huli kong pasok iyon yung oras na naospital siya.."habang sinasabi niya iyon ay nakatingin ito saakin ng diretso,napakunot naman ang noo ko sa narinig.

Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating gawa ng pag kunot ng noo ko,kung kaya't ipinagpatuloy nalamang nito ang pag ke-kwento

"Kasi naman,si daddy nag toothbrush"naiiling na saad nito

"Anong kinalaman naman noon sa pag confined ni tito?"takang tanong ko dito,nagkibit balikat lamang ito at nag de kwatro ng upo

"Pinagkamalan niya kasing toothpaste ang rugby..aba!baliw ba naman kasi?!ilagay ba naman ang rugby sa lalagyanan ng toothpaste?! Tapos nakapikit pa kung mag toothbrush?!"nanlalaking mata ang makikita mo saakin habang pinapakinggan ang pagsisiwalat ni kyle tungol Kay tito.

Ano ba naman yun si Tito?nahawaan na ata ng anak niya

"Tapos aba!eh di nagkadikit ang ngala ngala niya ngayon?Hindi makapagsalita!ayun!inoperahan!isang linggo sa hospital! Ito pa!parang nag lilihi!kung ano ano kinakain tapos ayaw pa ako papasukin at bantayan ko daw siya!"

Hindi ko alam kung matatawa,maiiyak,o maaawa ako sa sinapit ni Tito eh.Parang sobrang katangahan naman na iyon?

Hindi ko maiwasan ang mapatawa ng malakas,grabe!idol ko na siya!siya na talaga!gawin ba namang toothpaste ang rugby?hahaha..

"Katangahan strikes"Sabay na ani namin ni kyle at nagkatinginan,hindi naman maiwasan ang matawa muli dahil sa katangahang taglay ni Tito

"Paano?Tara na?"

Saad ni kyle at tumayo na mula sa pagkakaupo at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.Iniabot ko naman ito at tumayo narin mula sa pagkakaupo.

Magkahawak kamay kami nitong naglakad patungo sa kotse niya ng may nakita akong bulto ng isang tao limang dipa lamang ang layo mula saamin at nakatingin sa pwesto ko.Napahinto ako sa paglalakad habang nakatingin dito,napatingin ako Kay kyle ng pisilin nito ang kamay kong hawak niya habang nakatingin saakin ng nagtataka

"Any problem?"

Muli Kong tinignan ang tinitignan ko kanina,tumingin din naman doon si kyle.Wala na ang kaninang nagmamasid saamin o saakin?meron nga ba?o namamalikmata lamang ako?

"Max?"muling tawag saakin ni kyle

"Huh?...wala Tara na"ani ko at hinila na siya papasok sa kotse niya,pinag buksan naman ako nito ng pintuan sa katabi niya sa harap at pumasok narin siya at pinaadar na ang kotse

Habang umaandar ay nadaanan namin ang lugar kung saan ko nakita ang bulto ng isang tao,hindi ko alam pero hinahanap ko siya..sino ka ba talaga?bakit mo kami tinitignan?kilala ba kita ?

--------

Wounded Heart (WH 1)Where stories live. Discover now