√Chapter 41

5K 149 12
                                    

Dylan's POV

Napamura ako sa pagkakatama ng basura sa noo ko,ang sakit pero alam kong mas masakit ang naramdaman niya noong mga panahon na iyon..

I just let out a big sigh at inilagay nalamang ang basura sa ilalim ng inuupuan kong bus,wala din naman makakapansin dito dahil isinuksok ko ito sa may gilid ng upuan.

Napailing nalamang ako sa kalokohan ko,kung ano ano ang ginawa ko para lamang makatabi siya ngayon.Halos lumuhod na ako kina Bea para lang pag bigyan nila akong makatabi si max,but I understand them for not giving me a chance that easily.Kaya Ginawa ko ang lahat ng gusto nila para pumayag,at ayun nga!natupad din ang kahilingan ko.

Naalala ko pa yung banta nila Bea saakin ng mapapayag ko sila na ipatabi saakin si max..

"Bibigyan ka namin ng pagkakataon na ipakita saamin,sakanya na tutuo ka..na hindi ka na nagloloko,pero sa oras na saktan at lokohin mo siya muli...Wala ka ng makukuhang suporta o kahit na anong tulong mula sa amin,naiintindihan mo ba?"Bea

"And--oh!don't you ever forget na kaya kong putulin ang KINABUKASAN MO,sa oras na saktan mo siya..wala akong pakialam kung maging supot ka!o kahit wala kang maidagdag sa populasyon dito sa pilipinas!all we care is Maxine.."Kim

Hindi ko alam kung matatawa o magagalit ako dahil sa pagpapaplano nilang tanggalin ang kinabukasan ko pero to think of it?naiintindihan ko sila,and I will make sure na ngayon sa oras na magkaayos na kami ay hindi ko na hahayaang masaktan pa siya..I love her,I really do

Hindi ko maiwasan ang tingnan siya na mahimbing na natutulog ngayon sa tabi ko habang yakap yakap nito ang dala niyang unan,ang payapa ng mukha nito at tila ba ay wala kang mababakas na kalungkutan o ano mang hinanagpis o suliranin..

Hindi ko alam pero tila bigla nalamang gumalaw ang kanang kamay ko at inilapat ito sa buhok niyang nakaharang sa mukha nito,nakaharap na kasi ito saakin mula sa pagkakatalikod..Hinawi ko ang kakaunting buhok na nahulog mula sa pagkakaipit sa tenga nito at tinignan siya ng matiwasay.

I can't help but to smile,alam Kong malaki ang kasalanan ko sakanya pero nagagawa niya parin akong kausapin..Pero katulad ng sinabi ko sakanya,I will win her back

Umayos nalamang ako ng upo pero hindi parin iniaalis ang tingin sakanya..Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mahina ng makita ko ang ulo nitong gumigewang-gewang dahil sa malubak na daanan na dinaanan ng sinasakyan naming bus.

Hindi kona napigilan pa ang sarili ko at inilagay ang ulo ni max sa balikat ko habang yakap parin nito ang unan niya..She's in my arms again,at hindi kona ito kailanman pakakawalan pa.

Umayos ako ng upo at iniayos siya sa balikat ko habang nakapulupot na ang braso ko sakanya,ipinatong konalamang ang ulo ko sa ulo niya.

"Alam kong nakukulitan kana saakin,pero hinding hindi ako mag sasawa na kulitin ka hanggang sa mapatawad mo ako..Naloko man kita sa nakaraan,ngayon sisiguraduhin kong hindi na kita sasaktan at kung may mangyari mang ganon ay ako na mismo ang siyang mag reresulba non.."

Habang sinasabi ko ito ay siya ring pagtulo ng luha ko,nakakabakla man pero wala na akong pakialam..Mahal ko itong babaeng yakap ko ngayon,yun lamang ang alam ko

"I love you..Maxine ko"

-------

Wounded Heart (WH 1)Where stories live. Discover now