CHAPTER 62

1.2K 85 20
                                    

COLEEN'S POV

"Aray ko naman Ate Brei!" Makahampas naman ng torotot wagas "Aray ano baa—masakit naaa!" Malakas ko siyang binatukan dahilan ng pagkatigil nito.

"Aray naman!" Reklamo niya.

"Aba, ikaw pa nagrereklamo e ako nga 'tong hinahampas mo kanina pa" nakasimangot kong sagot "Todo cheer kay Lara, akala mo naman sila" bulong ko.

"Ewan ko sa'yo, gooo Laraaaa!!!!" Nagpatuloy parin siya sa pagsisigaw kasama nina Ate Ecka. 1st set palang 'to, napaka-ingay na ng buong gym. Sino ba namang hindi titili kapag naglalaro si Gabb? 

"GO HHU! GO FIGHT AND WIN! CROSS THE HORIZON AND BE THE CHAMPION!" Sigaw ng mga taga-support ng HHU.

"Go number 26!!!!" Sigaw ni Ate Gayle bilang supportive sister.

17 - 10 ang score, lamang ang HHU. Hawak ng GOA ang bola ngayon kaya sinusubukang agawin ni Lara ang bola, ayaw rin namang magpatalo netong babaeng 'to. Palibhasa alam niyang nanunuod si Ate Brei, inspiration 'yan?

"Nice one Lara!" Nang maagaw niya ang bola ay kaagad siyang tumakbo at ipinasa kay #12, tumalon naman ito at nagfake lay-up sabay pasa ng bola kay Gabb. Mabilis naman siyang tumakbo at tumalon sabay shoot ng bola sa ring, 3 points nanaman bhie. Dalawang beses na.

20 - 10, ang layo na ng agwat. "Ang galing mo Gabooo!!!!" Sigaw ni Ate Gayle "Kapatid talaga kita!" Dugtong niya

"Kaka-start lang?" Bigla namang dumating sina Ate Sela at Abby na may bitbit na Jollibee.

"Medyo 'te" sagot ko

"Pahingi!" Mabilis namang ipinasok ni Ate Ecka ang kaniyang kamay sa paper bag at kumuha ng fries.

"Akin 'yannnn! Napaka-ano mo talaga Erickaaa!" Sigaw ni Ate Sela sabay sabunot kay Ate Ecka, buti hindi siya nang-headlock dai.

"Kaninong score yung 20?" Tanong ni Ate Abby.

"Sa'tin, magagaling kaya mga manok ko" sagot naman ni Ate Ecka "May tubig kayo? Pahingi nga" agad niyang hinablot ang tubig ni Ate Brei kay nakatanggap siya ng isang malakas na hampas.

"Bwisit ka, bwisit ka ha. Kay Lara 'yan, bumili ka ng 'iyo"

"Belle, pagsabihan mo nga 'tong si Ecka. Napaka-ano kaunti nalang mapapatay ko na 'to" nakasimangot sa sabi ni Ate Brei. Tinawanan naman siya ni Ate Belle sabay sabunot kay Ate Ecka.

"Ikaw, tumigil ka nga kase. Kanina ka pa galaw ng galaw, may bulate ka ba sa tiyan?" Sermon sakan'ya ni Ate Belle

"Oo na, hindi na" sagot ni Ate Ecka. Haaaa! Under pala 'to kay Ate Belle e, siya lang pala katapat.

*prrrtttt*

24 - 14.

Mabilis na tumakbo si Ate Brei papunta kina Gabb nang malaman niyang tapos na ang 1st-set, ibibigay niya raw ang tubig kay Lara. Oh 'di ba? Nagpapakajowa.

Hindi ko na kailangang puntahan si Gabb dahil binigyan ko na siya ng tubig kanina pa bago magstart ang game, may kasama na ring kiss 'yun. Bumalik naman kaagad si Ate Brei sa tabi ko nang nakangiti, ayaw ko nalang magtalk.

"May hindi ka ata sinasabi sa'min haa" pangangalabit ni Ate Sela "Share mo naman" ikaw niya

"Ha? Ako? Wala no" sagot ni Ate Brei. Sussss!

"Hmm, okay!" Hindi nalang siya pinilit ni Ate Sela dahil baka mamaya magtampo nanaman si Ate Brei, gusto ko rin siyang tanungin kaso next time nalang siguro.

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon