CHAPTER 19

2.4K 119 46
                                    

GABB'S POV

Bumalik kami sa resort ng tahimik,wala kaming balak na sabihin ang nangyari sa iba.Si Coleen,Brei,Ate Alice,Rans at ako lang ang may-alam.

"Bat napatagal ata kayo?" Tanong ni Manang Beth

"Pumunta pa po kasi kami sa isang Cafe,naglibre si Ate Alice" sagot ni Brei

"Kaya gusto ko sanang sumama e,alam kong manlilibre yan" nakasimangot sa sabi ni Ate Ecka

"Dami mong alam,pahinga ka nalang diyan ang sabi mo masakit ulo mo?" Wika ni Ate Alice

"Nawala na raw,isang ngiti lang kasi ni Belle okay na siya" singit ni Ate Abby pagkatapos ay binato siya ni Ate Ecka ng baso kaya yun naghahabulan na sila

Muntik ko ng makalimutann.

"Where's the card?Diba sabi ko kukun—"  bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay kaagad niyang nilagay yun sa dibdib ko pagkatapos ay nilagpasan ako.

Problema nun?

"Tara Gabb bihis na tayo,magswi-swimming ka ba?" Tanong ni Brei kaya tumango ako pagkatapos ay pumunta na kami sa Cr

"Gabb,thankyou ah?" Rinig kong wika ni Brei dahil magkatabi lang kami ng cubicle

"For what?"

"Kanina,for protecting Coleen"

"Wala lang yun" sagot ko

"Well,ewan ko nalang kay Coleen" she said then i heard her laughing

"What's funny?" Tanong ko

"Wala,ang sungit mo naman..tara na baka mabugbog mo rin ako" wika niya atsaka kami sabay lumabas ng cubicle

"Omygod Gabrielle" napakunot ako ng noo nang bigla siyang nagtakip ng mata

"Hey why?" Nag-aalala kong tanong atsaka inalis ang kamay niya sa mata niya

"Ang sexy moo" sa pagkasabi niyang yun ay kaagad ko siyang hinampas sa ulo

Akala ko kung ano nang nangyari sa mata niya,animal.

"Tara na nga,para kang tanga" i said before leaving

Naabutan naming lumalangoy na sina Ate Ecka sa pool kasama sina Coleen kaya nagulat ako nang napunta saakin lahat ng atensyon.

"Gabb,you're so freaking hot" wika ni Ate Sela kaya hinampas siya ni Ate Abby

I'm just wearing a sports-bra,anong hot don?

Dumiretso akong naglakad sa cottage para ibalik ang damit ko na isinuot ko kaninang sinundo namin si Ate Rans.

"Sexy naman ng mga baby ko" lumapit saamin si Mommy atsaka tinapik-tapik ang tiyan namin ni Ate Gayle

"Di ka ba magswi-swimming My?" Tanong ni Ate

"Mamayang gabi na kami,naka-ready na rin pala yung mga rooms na tutulugan natin"

"Ilang rooms kinuha niyo?" Tanong ko

"5 rooms lang raw ang available,pagkasya-kasyahin niyo na sarili niyo" sagot ni Daddy

"Oh?kamusta ang paglalaro mo ng ML?" Pagsusungit ni Mommy

"Okay lang,sungit naman mahal" sagot naman ni Daddy sabay ngiti

Hindi ko tuloy maiwasang isipin yung sinabi sakin ni Mommy tungkol kay Daddy at Lolo..like parang wala lang kay Daddy na di sila nag-uusap ni Lolo.

"Uy Gabo tulala ka diyan?" Pagkakaway-kaway saakin ni Ate Gayle "Let's go" dugtong niya

Nakatayo ako dito sa gilid ng pool kasi punyawa ewan ko kung bat ako nilalamig.

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Where stories live. Discover now