Chapter 40

157K 4.5K 4.9K
                                    

A glimpse from the past...

"Kukunin ko si Ava." Wika ng lalaking pagkatapos itong humigop ng kape sa kanyang baso.

Unang tingin pa lang dito ay mababatid na ang karangyaan dahil sa tindig. Siya lang naman ang presidente ng isang prestihiyosong paaralan at mula sa mayamang angkan ng mga Sy.

Magkahalong gulat at pagtataka ang agad na naramdaman ng babaeng nasa harap nito ngunit mas nangingibabaw ang pag-aalala para sa anak.

"Bakit mo naman biglang naisipang kunin si Ava?" Tanong nito sa kabila ng takot habang pinagmamasdang ang batang babaeng tahimik na nagbabasa sa kanilang sofa'ng gawa sa kahoy.

Bakas ang saya sa magandang mukha nito habang hawak ang fairytale book na dala ng kanyang ama.

"Mamá and Papá wants to meet her. Gusto ko ring makilala siya ng mga kapatid niya."

Napabuntong hininga na lang ang ina at alam niyang wala na rin naman siyang magagawa. Naisip niyang mas mapapabuti ang kalagayan ng anak kung nasa puder ito ng ama.

"Dad, where are we po? Where's nanay?" Tanong ni Ava pagkatapos iparada ng ama ang sasakyan sa tapat nang napakalaking bahay.

"You're going to stay with us from now on, Ava. Your grandma and grandpa are excited to meet you. Your siblings are here too. Do you wanna meet them?"

Tila kumislap ang mga mata ng batang Ava sa narinig at puno ng galak na tumango sa kanyang ama. Matagal na nitong pangarap na makilala ang kanyang lolo at lola at sa murang edad ay naiintindihan niya na ring may ibang pamilya ito.

Hawak ng ama ang kamay ng anak ng pumasok sila sa loob ng mansion at agad namangha ang batang Ava sa nakita. Hindi nito ipinahalata na manghang-mangha siya sa paligid dahil nakaramdam din ito ng hiya ng makita ang isang babaeng taas-kilay na sumalubong sa kanila.

"Oh you're home, honey. And who's that kid? Don't tell me-"

"Suzette." Sambit nito para patigilin ang asawa. "Ava is going to live with us from now on. Nasaan sina Suzanna and Sabrina?"

"We're here, daddy!" Sagot ng batang babae na pababa sa hagdaan kasunod ang isa pang batang babae na halatang mas nakakatanda rito.

"Sabrina, Suzanna, come here. There's someone I would like you to meet." Mula sa likod ng ama ay unti-unti nitong pinatungo sa harap ang batang babaeng kasama. "Girls, I would like you to meet your eldest sister. Ava, that's your younger sisters, Sabrina and Suzanna."

"Finallyyy!" Tili ng pinakabata sa magkakapatid. Napatakbo pa ito palapit sa kanila sa sobrang galak. "Hi, Ava! I'm Sab-"

"Sabrina! Come here!"

Nawala ang ngiti ni Sabrina ng marinig ang sigaw ng ina. Napatungo ito at lumapit sa ina katabi ang mas nakakatanda nitong kapatid na si Suzanna.

"She's not your sister! Si Suzanna lang ang kapatid mo. Do you understand? Go back upstairs!"

"Suzette!" Galit na sigaw ng ama. Wala takot naman siyang binalingan ng asawa na halatang galit din katulad niya.

Samantala, kahit sa murang edad ay malinaw ng naiintindihan ni Ava ang mga nangyayari at kahit gustohin man nitong umiyak ay hindi nito magawa. Takot siyang lalong mapagbuntunan ng galit ng babae at lalo pa siyang nakaramdam ng lungkot ng makitang malungkot ding nakatanaw sa kanya si Sabrina habang paakyat ng hagdanan. Lumipat ang kanyang tingin sa isa pa niyong kapatid na si Suzanna at nang magtama ang kanilang paningin ay agad siya niting inirapan.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon