Chapter 48

175K 4K 14.2K
                                    

"So I put my hands up!
They're playing my song, the butterflies fly away
I'm noddin' my head like, yeah
Movin' my hips like, yeah..."

Hindi ko mapigilang matawa nang mahina habang pinapanood ko si Miss Chantel na kanina pa sumasabay sa kanta at paminsan-minsan ay sumasayaw sa passenger seat.

"I will turn off the stereo if you don't keep your mouth shut." Saway naman sa kanya ni Ate Aia na kanina pa rin nito ginagawa habang busy sa pagda-drive.

"Why are you so KJ? The ride will be boring if we kept silent-yeah... it's a party in the U.S.A.!" Sagot naman sa kanya ni Miss Chantel na hindi pa rin nagpapigil sa pagkanta na nagpailing na lang kay ate.

"Ugh. Can you kick Chantel out of the car?" Inis namang sabi nang magandang katabi ko na nakasandal ang ulo sa balikat ko kanina pa.

"Hoy, Ava! Isa ka rin KJ. Lagi ka na lang natutulog. Hindi ka talaga marunong mag-enjoy!" Miss Chantel said.

"You can enjoy without being too loud." Ava rebutted.

Papunta kami ngayon sa Enchantress na resort ni Tita Clarisse 'cause Mommy Tami let us have a weekend vacation. Nasa auto repair shop ang sasakyan namin ni Ate Aia for maintenance kaya wala kaming choice kundi magsabay sa iisang sasakyan at gamitin ang white Range Rover SV Autobiography na available sa bahay.

Si ate rin ang nag-volunteer na mag-drive dahil wala daw siyang tiwala sa driving skills ko e parang mas magaling naman akong mag-drive sa kanya.

"Have you heard the news? The Montejares Corporation is currently on a rapid meltdown. It's owned by Saf's dad, right?" Miss Chantel asked out of nowhere.

Napatingin naman ako agad kay Ate Aia sa rear view mirror at sakto ring napatingin siya sa 'kin.

"Good for them." Wika niya pa.

"I think you have something to tell me later." Mahinang sabi naman ng katabi ko.

...

"Finally! It's good to be back here. Sobrang na-enjoy ko rito last time." Ani Miss Chantel ng makababa na kami ng sasakyan.

"Hey, granny. Get your things here." Tawag naman sa kanya ni ate na nagpasimangot dito.

"Why are you so mean to me? I hate you!" Napapadyak pa si Miss Chantel sa inis bago lumapit kay ate na nasa likod ng sasakyan.

Nagpigil ako ng tawa habang pinapanood sila dalawa. Lagi pala talaga silang nag-aaway sa tuwing magkasama.

"Let me get our things." Baling ko kay Ava.

"No, let me carry mine. I don't wanna be called granny and I'll bury you alive if you do that."

Tuluyan na akong natawa dahil sa sinabi niya at hinayaan ko na lang ito sa gusto niya.

Our mommies let us have a vacation for the whole weekend to release our stress kaya hindi na rin naman kami tumanggi at nagulat pa nga ako kaninang umaga at pati pala si Miss Chantel ay kasama rin.

"Good morning, ma'am. Welcome po. Kami na pong bahala sa mga gamit niyo." Sabi ng isang staff na lumapit agad sa 'kin pagpasok namin sa hotel. Mayroon ring isa pang staff na lumapit naman kina ate.

Parehas niya kaming inabutan ni Ava ng VIP keycard na may access sa lahat facilities ng Enchantress.

"Presidential Suite 2 po ang room niyo sa 10th floor." Dagdag pa no'ng staff.

Magpapasalamat na sana ako pero hindi ko natuloy dahil may biglang sumigaw.

"Hoy, Chantel! Ava!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa lobby at nanlaki bigla ang mga mata ko ng makita si Miss Iryn na kumakaway. Kasama pa nito sina Miss Mandy at Miss Loraine.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon