Chapter 18

111K 3.8K 4.4K
                                    

"Grabe ang performance ah. Ganda rin ng ngiti. Anong meron?" Salubong sa akin ni Brie pagbaba ko ng stage at inabutan ako ng towel.

Nakailang songs din ang tinugtog namin dahil sa sunod-sunod na request ng mga tao.

"Ang ganda kasi e." Nakangiting sagot ko habang nagpupunas ng pawis.

"Ang ganda ko? Oh well, matagal na."

"Assuming." Natatawang sabi ko habang naglalakad kami patungo sa table nila Miss Andrade.

"Hoy saan ka pupunta?" Takang tanong niya.

"Kina Miss Andrade."

"What? Nandito sila?!" Natawa na lang ako dahil expected ko na ang gulat na gulat na reaksyon niya. "Kaya naman pala gano'n ang performance, nagpa-impress!"

"Shut up."

Pabiro ko siyang inirapan pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil fresh pa rin sa isip ko ang pagngiti ni Miss Andrade kanina. First time 'yon.

"Tam-Tam!" Tawag agad sa akin ni Miss Mandy nang makarating kami sa table nila. Hinila pa ako nito paupo sa tabi niya at hindi na binitawan ang braso ko. Doon ko sana gusto umupo sa tabi ni Miss Andrade e.

I looked at her na nakatingin na rin pala sa 'kin. Wala na namang emosyon ang mga mata niya at pairap pang inalis agad ang tingin. Sungit na naman.

Pansin kong parang nakainom na si Miss Mandy pati na ang mga kasama nitong sina Miss Iryn at Miss Chantel. Si Miss Iryn nga ay hindi ko na halos maintindihan pero alam kong ang sinasabi niya ay ang tungkol sa pagtugtog ko ng drums kanina.

Tiningnan ko ulit si Miss Andrade pero hindi ko malaman kung lasing na rin ba. Si Miss Loraine ay halatang okay pa naman at napapailing na lang dahil sa mga kaibigan niya.

"I'll just go to the restroom." Bulong sa 'kin ni Miss Mandy bago ito tumayo pero muntik pa itong matumba. Mabuti na lang at maagap ako kaya nasalo ko siya agad. "I'm sorry."

"Samahan ko na lang po kayo, ma'am." Prisinta ko dahil mukhang hindi na nito kakayanin pang maglakad nang maayos.

Naglakad na kami patungo sa restroom habang nakahawak ako sa braso niya. Gustohin ko mang magpaalam sa mga kasama namin pero hindi ko na nagawang lumingon pa dahil ang hirap alalayan ni Miss Mandy.

Inalalayan ko siya hanggang makapasok sa cubicle at ako naman ay sumandal lang patalikod sa counter. Grabe. Ganito pala sila mag-night out.

Maya-maya ay lumabas na rin si Miss Mandy pero pagbukas niya ng pintuan ay muntik na naman itong masubsob. Mabilis akong nakalapit dahil hindi naman ako kalayuan sa unang cubicle kaya nasalo ko siya ulit bago pa ito bumagsak.

"Ihahatid ko na po kayo pauwi, ma'am. You're drunk."

Umangat ang tingin niya sa 'kin at ipinulupot ang mga braso sa leeg ko. Nanigas ako sa pagkagulat pero hindi ako makalayo. Humigpit pa kasi ang yakap niya na parang ayaw talaga akong pakawalan.

"You did great, earlier. I never thought na marunong ka pa lang mag-play ng drums." She's smiling sweetly and her drunk eyes landed on my lips.

Lalo akong kinabahan sa way ng tingin niya at bago pa ako maka-react ay nanlaki na ang mga mata ko dahil bigla niya akong hinalikan.

I froze and didn't breathe. Oh my gosh!

Mulat na mulat lang ang mga mata kong nakatingin kay Miss Mandy na nakapikit naman ang mga mata.

Natauhan lang ako at medyo may kalakasan din siyang inilayo sa akin nang marinig ko ang pagbagsak na pagsara ng pintuan.

"Miss Mandy!" Bulalas ko ng bumagsak ang katawan niya pasubsob sa 'kin.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon