Chapter 7

98.3K 3.6K 5.6K
                                    

"Pagpasensyahan mo na 'yon at baka pagod lang. Halika na sa hapag." Aya ni Nanay Alicia.

Gusto ko sanang tumanggi at magpaalam na uuwi na pero nahihiya naman ako. Nakapaghain na kasi sila kaya sumunod na lang ako sa dining area kung saan din ang kitchen.

"Dito ka, ate." Turo ni Alex sa katabi niyang upuan. Lumapit naman ako at umupo.

"Alex, tawagin mo na muna ang ate mo." Utos ni Nanay Alicia na sinunod naman agad ni Alex.

May bowl ng rice sa table and fried fishes that was cut into half. Meron ding buo na fried din pero parang nag-undergo sa iba pang process bukod sa frying kasi kakaiba ang kulay. That looks weird.

"Pasensya na sa ulam namin, anak. Iyan lang ang meron kami ngayon e."

I looked at Nanay Alicia and smiled. "Okay lang po. Ano nga po pa lang tawag dito?" Tinuro ko 'yong fish na nakahati sa gitna.

"Daing 'yan, 'nak, paborito ni Ava. Ito naman tinapa. Hindi ka pa ba nakakakain niyan?"

Napaawang ang bibig ko habang umiiling. Ngayon ko lang kasi iyon narinig.

"Naku pasensya ka na talaga at ito lang ang meron kami. Ano bang gusto mong kainin? Magpapabili na lang ako sa labas."

Pinigilan ko agad si Nanay Alicia ng akmang tatayo ito. Ako ang mas nahihiya dahil masyadong VIP ang treatment niya sa 'kin.

"Hindi na po, 'nay. Okay na po 'yan. Mukha naman pong masarap."

"Sigurado ka ah? Oh heto na pala sila, kumain na tayo."

Diretsong naglakad patungo sa sink si Miss Andrade at naghugas ng kamay. Pag-upo niya sa tapat ko ay halatang wala pa rin sa mood. Hindi nga rin ako tinitingnan.

"Ate oh, kanin."

Kinuha ko ang bowl na inabot sa akin ni Alex at naglagay ako ng konting kanin sa plato ko. Nang matapos ako ay inabot ko naman ang bowl kay Miss Andrade pero hindi pa rin talaga niya ako pinapansin. Para na naman akong hangin na hindi niya nakikita.

"Anak may inaabot si Tamara sa 'yo."

Thanks to Nanay Alicia dahil tumingin na sa akin si Miss Andrade. Gusto ko sana siyang ngitian pero inunahan ako ng mga mata niyang masama ang tingin at pahablot pang kinuha ang bowl sa kamay ko.

Pasimple ko na lang siyang pinanood na ngayon ay kumukuha ng sinabi ni Nanay Alicia kanina na daing. Nagsimula na rin itong kumain at ikinagulat ko when she use her bare hand. Napatingin din ako kina Alex at nanay na kumakain na din without using a spoon.

"Ate, hindi ka pa kakain?" Alex asked.

"I'll wash my hands lang." Paalam ko.

After ko maghugas ng kamay ay kumuha na rin ako ng daing. Ginaya ko ang ginagawa nila pero unang attempt ko pa lang sa pagsubo ay naglaglagan ulit pabalik 'yong rice sa plate. Sinubukan ko ulit pero ganoon talaga ang nangyayari kaya nagsisimula na akong ma-frustrate. Paano ba kumain ng hindi gumagamit ng spoon?

I took a deep breath. Napatingin din ako kay Alex ng marinig ko siyang tumawa nang mahina. Si Nanay Alicia ay nakatingin din pala sa akin at parehas sila na natatawa.

Narinig ko namang tumayo si Miss Andrade at pagbalik niya ay may dala ng spoon and fork.

"Huwag mong piliting magkamay kung hindi ka marunong." Masungit pang sabi niya. Nahihiya kong inabot ang hawak nito at nagpatuloy sa pagkain.

I looked at Miss Andrade again. Ewan ko ba kung bakit hindi ako matigil sa kakatingin sa kanya. Ang sarap niya kasing panoorin. Kahit maghapon ko ata siyang titigan ay hindi ako magsasawa.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon