Chapter 14

105K 3.5K 3.7K
                                    

Dahan-dahan akong nagmulat at una kong nakita ay pink drawer. Wala naman akong pink drawer sa kwarto at ang weird pa ay parang nakita ko na ang drawer na 'to.

Tuluyan na akong bumangon ng may marinig akong bumukas na pintuan. Ang weird talaga dahil alam kong hindi ito ang room ko.

Napahinto ako sa paghilot ng sentido at literal na nalaglag ang panga ko when I saw Miss Andrade. Prente lang siyang nakasandal sa gilid, nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa 'kin.

Fudge. Please tell me I'm just dreaming again kasi hindi ko kinakaya ang nakikita ko. She's just wearing a white bathrobe for goodness sake!

Pasimple kong kinukurot ang sarili para magising sa panaginip na 'to pero walang nangyayari. Binabangungot ba 'ko? But I can't call this a nightmare kung ganito kaganda ang nasa panaginip ko.

She looks so gorgeous and... inviting. My ghad!

"If this is another dream... please ma'am, huwag niyo po akong akitin." Walang lakas kong sabi dahil nakakapanghina siya.

Bakit kasi parang wala lang sa kanya na nandito ako at naka-suot lang siya ng robe? Hindi ba niya alam na nakaka-ubos siya ng hininga?

"W-What? I'm not seducing you! You..."

Sa isang iglap ay nakadampot na siya ng unan at sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na naman ito naiwasan. Sapul na naman ako sa mukha.

Dahil sa impact ay bigla kong na-realize ang lahat. Hindi ito panaginip dahil gising na gising na ako. Oh my gosh!

Gulat na gulat akong napatingin kay Miss Andrade na namumula na sa inis. Parang isang kalabit na lang ay sasabog na siya.

I'm so doomed. Gusto ko lang magpakain sa kama.

"Get up and fix yourself before I kick your ass, Alcantara."

Inirapan niya pa ako at walang salitang nagtungo sa tapat ng drawer. Isa pang nakakainis ay ang traydor akong mga mata na kusa siyang sinusundan ng tingin.

"Stop staring you pervert!"

Mabilis pa sa alas kwarto akong napaiwas ng tingin at napatakbo patungo sa bathroom. The hell? Me? Pervert?

Pagkatapos kong mag-bath ay ginamit ko ang white towel na isinigaw ni Miss Andrade kanina. Maingat ko pang binuksan ang pinto at sinilip ang kwarto. Mabuti na lang ay wala na siya.

I sat beside the new set of clothes na nakatupi sa gilid ng kama. Ang gulo talaga ng isip ko. May mga naaalala ako kagabi pero hindi ko sigurado kung panaginip ba 'yon o totoong nangyari.

After kong magbihis ay lumabas na rin ako ng kwarto. Walang tao sa living room kaya dumiretso ako sa kitchen at doon ko naabutan si Miss Andrade.

She's glowing in her coral pink flare sleeve blouse and white knee length skirt. Busy rin ito sa phone habang may hawak na coffee mug sa kabilang kamay.

"Miss—"

"Sit down."

I gulped before sitting in front of her. Ang cold na naman kasi ng boses niya at hindi rin ako tinatapunan ng tingin. Galit pa rin ata.

"About earlier... I'm really sorry, ma'am."

Lahat ng lakas ng loob ko ay hinugot ko na para lang harapin siya dahil hiyang-hiya talaga ako at wala ng mukhang maihaharap pa sa kanya.

Hindi naman ito sumagot kaya lalong tumindi ang awkwardness sa paligid. Nasaan ba sina Alex at Nanay Alicia?

Tinitigan ko lang ang pagkain sa lamesa. May fried rice, eggs, at hotdogs. Kahit gusto kong kumuha ay hindi naman ako makagalaw dahil sa sobrang tahimik ay nakakahiyang gumawa ng ingay.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon