Chapter 10

107K 3.3K 4.2K
                                    

"Hi, babe!"

Kinunotan ko ng noo si Sab pagpasok ko ng MWC office. Ang lakas kasi ng boses kaya nakuha niya halos ang atensyon ng lahat.

Napatingin pa ako sa harap ng mahagip ng paningin ko si Miss Andrade. Ang sama na ng tingin nito kay Sab at ng bumaling sa akin ay mas sumama pa ang tingin.

"Will you shut up?" Inis na singhal ko kay Sab na ikinatawa lang nito.

Seryoso ba siya? Harap-harapan kung manlandi ng iba kahit nakikita at naririnig ni Miss Andrade?

"Ayaw mo umupo?" Tanong ulit ni Sab habang tinatapik ang katabi niyang upuan. Inirapan ko naman ito at doon ako sa isang upuan umupo malayo sa kanya.

Baka lalo pa kasing mainis 'yong isa riyan at isipin pang hinahayaan ko lang na landiin ako ng special someone niya.

Pansin ko namang officers lang ang nandito ngayon at hindi ko alam kung bakit ako pinatawag ni Jem.

"Sorry, I'm late. May dinaan pa kasi ako sa library." Si Jem na biglang dumating at hinihingal pa. "Uy, Tamara buti nandito ka na."

Nginitian ko lang siya na umupo na sa tabi ko malapit kay Miss Andrade.

"I just want to inform you all about the chosen representatives for the math wizards competition." Panimula ni Jem ng maayos nito ang sarili. "Si Tamara ang sa first year, Sab sa second year, Henry for third year and me for fourth year."

Kaya pala ako lang ang nanditong member dahil nasa officers din pala ang ibang representatives.

Pagkatapos magsalita ni Jem ay si Miss Andrade naman ang nag-explain tungkol pa rin sa competition. May kanya-kanyang mentor daw ang bawat representative pero once a week ay may session din sila kay Miss Andrade since siya ang may hawak ng buong team. Yeah, team ang tawag nila sa aming lahat na sasabak sa competition.

"Tamara, ayaw mo?" Tanong ni Jem na lumapit sa akin at may hawak na slice ng pizza sa isang kamay. Nasa gilid lang kasi ako no'ng dumating ang mga in-order nila after ng meeting.

"No, thanks. Busog ako e." Nagpilit ako ng ngiti kahit deep inside ay nagngingitngit ako.

Kanina ko pa kasi pinapanood si Miss Andrade na pasimpleng inaasikaso si Sab. Pinagsalin pa nga niya ng coke sa disposable cup. Sakit sa mata.

"E coke, ayaw mo?" Dinig kong tanong ulit ni Jem. Umiling lang ako. "Okay ka lang? I heard what happened to you. Masakit ba ulo mo?"

Binalingan ko si Jem na mukhang nag-aalala kaya nginitian ko siya habang umiiling. Magaling na naman ako at wala na ring benda sa ulo.

"Alcantara."

Kahit labag sa loob ko ay tiningnan ko si Miss Andrade. Nakalingon siya sa amin pero nasa akin ang mga mata.

"Po?" Sagot ko.

Tumaas naman ang isang kilay nito na hindi ko na-gets kung para saan. Nananahimik na nga 'ko rito sa gilid tinatarayan pa rin ako.

"Get some pizza here." Sabi niya ulit.

"Thanks ma'am pero busog po ako."

Nanatiling nakataas ang isang kilay niya habang seryosong nakatingin sa akin. Parang sinasabi pa ng mga mata nito na gawin ko ang sinabi niya kundi lagot ako kaya napabuga ako ng hangin bago lumapit sa table.

Kumuha ako ng isang slice ng pepperoni pizza. Inurong naman ni Miss Andrade ang bottle ng coke palapit sa akin kaya wala na rin akong nagawa kundi magsalin sa cup.

Kapag kay Sab siya pa mismo ang nagsasalin tapos kapag sa akin urong ng bottle lang? Tss. E sino nga naman ba ako 'di ba?

Dahil sa sama ng loob ay naibagsak ko sa table ang bote na hawak ko pagkatapos kong magsalin. Napakagat na lang din ako sa lower lip ko ng makuha ko ang atensyon ng iba. Nakakainis naman kasi!

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon