Chapter 6

99.2K 3.3K 3.3K
                                    

Hindi mabura ang ngiti ko habang naglalakad ako pabalik ng building. Naalala ko na naman kasi ang nangyari sa parking lot kagabi.

We stayed there for I think almost thirty minutes hanggang sa humina ang ulan. Niyaya ko nga rin siyang ihatid ko na lang pero as usual ay hindi siya pumayag.

"Ate, excuse po."

Huminto ako sa paglalakad at tiningnan ang babaeng lumapit sa akin. I'm sure ay senior high ito dahil na rin sa suot niyang uniform.

"Yes?" I asked.

"Dito po ba 'yong business administration building?"

"Yup. Do you need help ba?" Tanong ko ulit but she shook her head while smiling.

"Okay na po. Madali ko na naman po sigurong mahahanap 'yong room 306. Akala ko po kasi mali ako ng building na napuntahan."

Hindi ako agad nakasagot dahil sandali akong napatitig sa mga mata niya. Para kasing may kahawig.

"Wait, room 306 ba? Doon ang room ko. Sabay ka na sa 'kin." Lalong lumawak ang ngiti niya kaya napangiti na rin ako. She looks kind and sweet.

Sumakay kami ng elevator papuntang 3rd floor. Wala kaming pasok sa subject namin kanina bago ang college algebra kaya bumaba muna ako saglit para bumili ng snacks.

"Alex?"

Napalingon ang kasabay kong babae pati na rin ako dahil familiar ang boses na iyon.

"Ate!" The girl said na nagpagulat sa akin.

Miss Andrade is walking towards us at nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kasama ko.

"What are you doing here?" Tanong niya ng tuluyang makalapit sa amin.

"Galing akong faculty room pero hindi na kita naabutan. May babayaran kasi kami ngayon e nakalimutan kong humingi kay nanay kanina."

At dahil sa narinig ko ay nasagot na rin agad ang tanong ko sa isip. Magkapatid nga sila. Kaya pala parang familiar 'yong mga mata niya kanina kasi kahawig siya kay Miss Andrade.

"I don't have my wallet here, nasa faculty." Tumingin sa akin si Miss Andrade kaya bigla akong kinabahan. Bakit nga ba kasi nakatayo pa 'ko rito at pinapakinggan sila?

"Alcantara." Tawag niya ng tumalikod ako para bumalik na sa classroom.

"Po?" Sagot ko ng lingunin siya.

"Please tell your classmates to answer excise 1 on page 140 of your textbook. Babalik din ako agad."

"Okay po, ma'am."

Ibinalik niya ang tingin kay Alex at niyaya na itong umalis pero tumingin muna ito sa akin.

"Ay, ate. Thank you nga po pala!" Masiglang sabi niya na ngumiti pa habang kumakaway.

I smiled back and nod my head. Mabuti na lang hindi siya tulad ng ate niya na masungit.

Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay patapos ang klase namin kay Miss Andrade. Nag-discuss lang siya agad pagbalik niya kanina at ngayong bago matapos ang period ay nagpa-seatwork din.

"Pass your papers now."

Inabot ko agad ang papel ko kay Brie. Sandali pa siyang napatingin doon saka ako tiningnan nang nakakaloko.

"Wow. Tapos mo ngayon ah."

"'Wag ka na ngang madaldal. Kanina pa ako tapos kaya ipasa mo na 'yan." Tinulak ko siya sa braso kaya iiling-iling itong tumayo at lumapit sa table ni ma'am. Tumayo rin ako at nagsuot ng bag.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon