Prologue

201K 4.1K 2.3K
                                    

WARNING: ANYONE WHO WILL MENTION ANYTHING NOT RELATED IN THIS STORY, AND WILL COMMENT INAPPROPRIATE THINGS WILL BE BLOCKED. I WILL NOT TOLERATE DISRESPECTFUL USERS. YOU DON'T DESERVE TO READ THIS.

FOR THE FIRST TIME READERS NA AYAW NG SPOILERS, I ADVISE YOU TO NOT OPEN AND READ THE COMMENT SECTION KUNG AYAW NINYONG MA-SPOIL 'CAUSE I CAN'T MONITOR ALL THE COMMENTS HERE AND THERE MAY BE A LOT OF SPOILERS.

THANK YOU.

=====

"Tam!"

I looked at Brie. Tinaasan niya ako nang dalawang kilay and I nodded in response.

Mabilis akong pumwesto when she tossed the ball. Unang umangat si Francine para mag-fake. Sinundan ko siya agad sa pagtalon, higher than usual para makita ko ang magandang position kung saan ko ilalaglag ang bola.

I spiked the ball forcefully. Lumusot ito sa dalawang blocker and landed before the line at the back.

Napangiti ako nang masayang nagsigawan ang mga ka-team ko, nanalo kami.

"Galing!" Tuwang-tuwang sigaw ni Brie sabay palo sa butt ko.

"Thanks to your wonderful toss." Ngisi ko naman.

"Okay. That's enough for today. Good job, girls!" Sigaw ni coach.

Naglakad na ako patungo sa bench at agad kumuha ng towel. Hinagisan ako ni Brie ng Gatorade and I mouthed thanks after ko itong masalo.

"Iba ka talaga, Tam. Walang kupas." It's Dexie who's now sitting beside me.

"Mas magaling ka pa rin, Dex." Nakangiting sagot ko.

Dexie is our captain ball and graduating na so basically ay mas matanda siya sa akin but I don't call her ate dahil ayaw din naman niya.

"I can see your potential. Mas magaling ka pa sa 'kin and I'm sure na mas gagaling ka pa kaya ipapasa ko na sa'yo ang korona."

"'Wag mo munang isipin 'yan and besides it's too early for me to become the captain ball. First year pa lang ako. Just enjoy your throne dahil isang taon ka na lang at isang taon ko na lang din titiisin ang malakas na bibig mo." Biro ko saka tumingin sa kanya para makita ang mukha niyang naaasar. As expected ay inirapan niya ako.

"Pasalamat ka, maganda ka."

"I know right." I smirked and flipped my hair.

Dex rolled her eyes at saktong tinawag naman siya ni coach. Tinapik niya ako sa legs bago umalis.

Nang matahimik na ang buhay ko ay binuksan ko na ang Gatorade na binigay ni Brie. Napahinto rin ako agad sa pag-inom ng may mahagip ang paningin ko sa 'di kalayuan.

She's here again. Ang babaeng madalas kong makita rito sa gym everytime na may game kami or practice.

Ibinalik ko ang takip ng inumin ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. She is wearing a black skinny jeans and denim jacket. Nakatupi ang mga braso niya sa dibdib at seryosong nakatingin dito sa bench. Sino namang tinitingnan niya?

Napatingin na rin tuloy ako sa mga kasama ko at hindi ko masabi kung sino ang tinitingnan niya rito. Sigurado namang hindi ako dahil dapat ay nagtama na ang tingin namin kanina.

Busy ang lahat ng mga kasama ko. Nagtatawanan sina Kaye at Heather katabi sina Sab at Claudine na naghaharutan naman habang si Brie ay nakikipag-tsismisan kay Dana, for sure ay tungkol na naman sa varsity ng basketball.

Ibinalik ko ulit ang tingin sa babae kanina but she's not there anymore. Nasaan na 'yon?

"Huy! Sinong hinahanap mo?"

Kunot noo akong tumingin kay Brie dahil tinabig niya ako sa braso. Nandito na pala ang babaeng 'to.

"Wala."

"Tara na sa locker room." Aya niya kaya tumayo na ako at isinukbit sa balikat ang gym bag ko.

"Alam mo na bang si Miss Ava ang pansamantalang papalit sa prof nating naka-maternity leave?" Sabi niya habang naglalakad kami.

Kumunot lang ang noo ko dahil hindi iyon familiar sa 'kin. "Miss Ava?"

"Gosh, Tamara! Hindi mo kilala si Miss Ava?" Mukha siyang hindi makapaniwala at nanlalaki pa ang mga mata habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya.

"Magtatanong ba ako kung kilala ko, Brielle?" Iritadong sagot ko. Parang tanga rin talaga minsan kausap 'tong babaeng 'to e.

"Paano kasi, lagi kang walang pakialam."

"Hindi lang ako katulad mong tsismosa." I fired back.

"Hoy! Hindi ako tsismosa ah. Sikat lang talaga si Miss Ava Andrade dito sa Callister University. Ewan ko lang talaga sa'yo kung bakit hindi mo siya kilala."

Hindi na ako sumagot dahil hindi naman ako interesado. Iniisip ko pa rin 'yong babae kanina na madalas kong makita rito sa gym.

Weird. Stalker kaya 'yon?

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon