Chapter 16

112K 3.7K 3.9K
                                    

As soon as my lips crushed hers ay parang may libu-libong boltahe ang pinakawakan sa buo kong katawan.

It's overwhelming.

Sobrang lambot ng mga labi niya at lasa ko rin ang ininom nitong wine na lalong dumadarang sa aking tikman ang mga labi niya.

I felt her grasping my robe, sa shoulder part. Kasunod no'n ay ang bigla niyang paglayo na nagpamulat sa 'kin.

She didn't speak, eyes are unreadable while sitting on my tummy. Maya-maya lang ay kumunot na ang noo niya at tiningnan ako nang masama.

Great, Tamara. Lagot ka na. May you rest in peace.

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para sana mag-sorry pero mabilis na siyang tumayo. Tulala akong naiwan sa living room kasunod nang malakas na pagsara ng pintuan.

Pabagsak akong humiga ulit sa couch habang nakapikit nang madiin. Unti-unti ko ng naiintindihan ang sarili ko at ang mga nangyayari.

I know it's wrong to kiss her, I mean... to stole a kiss from her. But honestly, I'm not regretting what I did 'cause that kiss made me realized something.

Kahit gusto kong sumigaw ay hindi ko magawa kaya napapagdyak na lang ako sa inis.

Naiinis ako sa sarili ko na nagalit ko siya dahil sa ginawa ko. Nakakainis din na pagdating sa kanya ay nawawalan ako ng control.

Nagising ako dahil sa malamig na hanging humahaplos sa binti ko. Kumurap-kurap ako para i-adjust ang paningin ko dahil medyo nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa balcony.

Gulat akong napatingin sa sarili ko nang bigla kong ma-realize na nasa living room pa rin ako. Hindi ko namalayang dito na ako nakatulog kakaisip kagabi pero sure akong wala itong blanket na nakakumot sa akin ngayon. Sa'n 'to galing?

Bumangon ako at dumiretso sa bathroom para maghilamos. Hindi ko nakita si Miss Andrade sa kitchen kaya siguro ay nasa kwarto pa 'yon. Galit pa rin kaya siya?

Imbis na dumiretso ako sa living room pagkatapos kong maghimalos ay namalayan ko ang sarili na naglalakad patungo sa balcony. May naaninag kasi akong nakatayo ro'n at saktong paglapit ko ay napakagandang tanawin ang bumungad sa 'kin.

Miss Andrade is gorgeously leaning her back on the railings, hair is in a messy bun, eyes are shut and her face is titled upward. Nasisinagan din ng araw ang maganda niyang mukha na tila dinadama pa ito sa kanyang balat.

Holy mother earth. She looks like a living goddess.

Hindi ko alam kung nagpapa-araw ba siya or what basta sobrang ganda niya kahit anong gawin at sa kahit anong anggulo. Parang ang sarap na lang gumising sa umaga tapos ganito ang makikita mo.

"Quit that bad habit of yours, Alcantara." Malamig pa sa simoy ng hangin na sambit niya at mabilis na naglakad papasok.

Anong tinutukoy niya? Iyong pagtitig ko sa kanya? Bad habit ba 'yon?

Buntong hininga akong sumunod sa loob. Sa kitchen ko siya nakita kaya doon ako dumiretso dahil nagugutom na rin talaga ako.

Habang kumakain kami ay ingat na ingat ako sa paggalaw dahil nakakahiyang gumawa ng ingay sa sobrang tahimik. Itong katapat ko pa ay parang hindi na naman ako nakikita at nakatutok lang ang tingin sa plato niya.

"Ma'am." I finally spoke. Hindi ko na kasi talaga kayang tiisin.

Hindi lang pala ako invisible sa kanya dahil maging ang boses ko ay parang hindi niya naririnig. She's completely ignoring me.

"I'm sorry about last ni-"

"Don't talk."

Napatikom ang bibig ko habang nakatingin sa kanya na hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin. Galit nga talaga.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon