Chapter 24

128K 3.7K 7.1K
                                    

"You like me too." Nangingiting sambit ko nang maghiwalay ang mga labi namin.

Bumukas naman ang mga mata niya na bigla ring umirap para iwasan ang nanunukso kong tingin. "Dream on, Alcantara."

Natawa ako. "Admitting your feelings won't kill you, ma'am."

"I have nothing to admit."

Gosh. Talaga bang magmamatigas pa rin siya pagkatapos ng nangyari?

"Do you want me to kiss you again to confirm your-"

She abruptly covered my mouth using her right hand. Pinandilatan din niya ako ng mga mata kaya lalo akong natawa.

I know she's trying to hide her embarrassment pero nilalaglag naman siya ng namumula niyang pisngi. The great professor Andrade is blushing.

"Oh gosh. Shut up!"

I raised my both hands in surrender. Gusto ko pa siyang asarin kaso baka kung ano pang magawa niya sa 'kin. Sadista pa naman ang babaeng 'to.

Tumunog din ang phone niya sa ibabaw ng glass table kaya tuluyan ng naputol ang usapan namin. Ayoko pa rin sana siyang pakawalan kaso kinurot niya 'yong kamay kong nakayakap sa waist niya. Nabawi ko tuloy bigla ang kahabag-habag kong mga kamay kaya nakatayo siya.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero inirapan niya lang ako bago pumasok sa kwarto. Napaka-maldita talaga.

...

"Ate ganda, bili na po kayo."

Naputol ang pagtitig ko kay Miss Andrade dahil sa batang lalaking biglang sumulpot sa harap ko at matamis pa akong nginitian.

May bungi itong ngipin sa baba and he's so cute kaya nahawa na rin ako sa ngiti nito.

"How much is this?" Turo ko sa nag-iisang flower crown na hawak niya sa isang kamay habang ang kabila naman ay may hawak na ilang pirasong necklace na gawa sa shells.

"150 po, ate."

I checked my pocket at buti na lang pala ay nakapagdala ako ng cash.

"What's your name?" Tanong ko ulit pagkatapos kong umupo para mapantayan siya.

"Darren po."

Inayos ko ang buhok niya na medyo magulo at naawa pa ako ng makita ang damit nitong halatang luma na.

"Okay. Listen, Darren. Nakikita mo 'yong magandang babae na 'yon na naka-black?" Tinuro ko naman ngayon si Miss Andrade na naka-upo sa trunk paharap sa dagat.

Hinanap ko siya agad kanina nang biglang mawala sa cottage at dito ko siya natagpuang mag-isa. Mukha pang malalim ang iniisip kaya hindi ko na rin muna nilapitan.

"Bibilhin ko 'yang flower crown then ibigay mo sa kanya. Umuwi ka na rin after, okay? Gabi na masyado. You can continue selling those shell necklace tomorrow."

I hand him the money. Kumunot naman ang noo niya pagkatapos bilangin ang binigay kong five thousand.

"Ate, sobra po ito."

"Keep it." Nakangiti kong sagot. "And you see that hotel?"

Nagtataka itong tumango pagkatapos tingnan ang building ng Enchantress.

"Pwede kang pumunta ro'n bukas. Isama mo na rin mga kapatid mo if you have. Sabihin mo sa guard pinapunta ka ni Ate Tamara Alcantara then may bilihan do'n ng damit sa loob. Pumili ka ng kahit anong gusto mo ah."

His eyes widened in excitement. Natawa tuloy ako at pinisil ang pisngi niya.

"Talaga po, ate?"

"Yup. So go na. Umuwi ka na agad, okay?"

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon