5th Gift

13 3 4
                                    

Chapter 5 ~ Green
┗━━━ •◦இ•◦ ━━━┛

Gabby's P.O.V.

10th grade...

"Happy 17th birthday Gabby!" sabay-sabay silang nag bati sa akin, nasa school kami ngayon at may hawak silang regalo sa akin, may dala dala silang notebook na green at ballpen at sketch book, alam kasi nila na mahilig akong mag sulat ng diary sa phone ko, pero mas well known si Lina sa journal niya at mahilig mag sulat sa notebook. "grabe tanda mo na." sabi ni Francine sa akin, anong matanda? bata ka lang kasi e. tumingin ako kila kambal na may hawak na pancake na ginawa nila sa akin, may cooking lessons kasi kami ngayon, and gumawa sila ng at least nasa 5 layers pancake na may whip cream sa side and kisses na chocolate sa taas ng whip cream at may butter and syrup sa taas at may isang maliit na candle sa taas. "let me guess.. si Hannah bumili ng pancake mixer, then si Iana at Francine ang nag luto, and si Lina and Kelly ang nag design." sabi ko at tumingin ako sakanila, "bingo!" sabi ni Francine. "sino naman nag dala ng whip cream?" tanong ko, sino naman may whip cream sa bahay nila? "ako." sabi ni Francine, "alam mo naman gaano ka addict mga kapatid ko sa whip cream." sabi niya at pinakita pa sa akin ang buong bottle ng whip cream na dala-dala ngayon ni Francine. "ako nag dala sa chocolate." sabi ni Lina, halata naman, puro chocolate nasa fridge ninyo e. "nlow mo muna candle mo baka malusaw at mapunta sa pancake." sabi ni Iana at bl-blow ko na sana ito ng biglang pinigil ako ni Kelly, "wish ka muna!" sabi niya sa akin, kaya naman pinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ang kamay ko sa isa't isa.

I hope, hindi na mawala itong kasiyahan na ito. ayun lang naman talaga hiling ko, kundi maging masaya, I know mistake lang ako sa mundong ito, but I still want to feel happiness even if mistake lang ako sa mundong ito, napa-luha ako sa thought na sa lahat ng kaibigan ko, ako lang ang nabuo na hindi based sa love, halos sila kumpleto ang pamilya, yung iba na hindi kompleto, at least na experience nila na mag ka-roon ng tatay at ng buong pamilya kahit konting panahon lang. Binlow ko na ang kandila at tumingin sa mga kaibigan ko na naka-tulala sa akin. "bakit ka umiiyak?" tanong ni Hannah sa akin at lahat sila halatang nag aalala, napangiti nalang ako at umiling, ayaw ko naman masira ang mood, lalo na they prepare this for me, kaya dapat hindi ko pwede siraan ito para sakanila. "Gabby, you know you can always tell us what's wrong." sabi ni Lina at hinawakan ang braso ko at tumingin sakaniya, ngumiti nalang sakaniya, okay lang ako, don't worry about me. "its just..." sabi ko at tuluyan ng lumuha mga mata ko, everything is blurry, kaya naman tinakpan ko ang mukha ko. "mismong tinatanong ko sa sarili ko, na every birthday ko may tatay akong mag surprise sa akin ng regalo, I just want to feel and experience having birthdays with my real dad. It must be nice.." sabi ko, kaya naman yinakap nila ako. I still remember how my friends birthdays' went.. kung paano sila na gugulat sa mga surprise nila ng papa nila ng mga regalo.

Becca's birthday, back in 7th grade...

"ANG GANDA DIBA! MY DAD GAVE IT TO ME! Pinadala niya para sa akin, sure break na sila ni mama, but I still have contact to my dad." sabi ni Becca na pina-pakita niya ang bagong dress niya na galing pa sa korea, mukhang mamahalin, tutal mayaman naman talaga sila Becca e.

Francine's birthday, back in 9th grade...

"wow Franc! (pronounce: fran-ci) ganda ng sapatos ahh!" sabi ko sakaniya ng makita ko siya sa entrance na suot ngayon ang sapatos na hindi ko pa nakita, wow sana lahat may ganyan na sapatos, ang ganda ahh, naka PE kasi kami ngayon, friday na kasi e. "thanks! ito kasi sinabi ko kay papa na gusto ko, and then suddenly rinegalo niya sa akin ito." sabi niya sa akin, I'm still sensitive to the world papa kaya naman ngumiti ako sa kaniya, I'm happy for her, but I can't stop this jealous heart of mine.

Kambal's birthday, back in 8th grade...

"wow that's new.." sabi ni Lina ng makita niya ng bagong bag nila Kambal, which is yung bag ni Iana is pink and yung bag ni Kelly is purple, but same design and same brand, basta same lahat, except yung kulay. Sila kambal kasi halos parehas mga damit nila, same shoes, same necklace, same bracelet, same watch, iba iba lang kulay, pero when it comes to clothes, halos same talaga, pati kulay ng damit nila parehas, pag yung isa naka braid, dapat yung isa naka braid din, may tawagan kasi silang matchy-matchy "yeah, dumating na padala nila papa and mama and ito ang birthday gift nila sa amin." sabi ni Iana sa kaniya, sila kasi ang mag seatmate nung grade 8 e.

Lina's birthday, in 10th grade...

"SANA LAHAT MAY BAGONG PHONE!!" sabi naming lahat sakaniya ng dinala ni Lina ang bagong phone niya na rinegalo daw ng papa niya nung birthday niya, "hehe" sabi lang ni Lina at kinuha ni Francine at nag try kaming mag selfie kaming lahat para ma-binyagan na ang phone ni Lina. Nakaka-sana ol nga naman na may bagong phone, kailan kaya ako mag kaka-roon ng bagong phone? mga phone ko kasi mga lumang phone ni mama, since mas kailangan niya yung bagong phone kaysa saakin, since nag tra-trabaho si mama and nag aaral pa naman ako e, pang google, text at call ko lang naman ang lumang phone, kaya naman naiintindihan ko na mas kailangan ni mama yung bagong phone, and at least may phone naman akong gina-gamit kahit luma na ito.

Hannah's birthday, back in 9th grade...

nakita namin na may necklace na suot si Hannah, since hindi naman pala-suot ng necklace si Hannah, gold ito at ang design ng necklace niya ay key. "ganda ng necklace mo, totoo yan?" rining kong tanong ni Roxy sakaniya, "oo totoo! nung umuwi si papa ko galing dubai, ito regalo niya sa akin para daw sa birthday ko." rinig kong sabi ni Hannah kay Roxy habang nakikinig lang si Roxy sakaniya. "alagaan mo yan ng mabuti! pag yan nawala!" sabi ni Roxy at nag bigay ng warning kay Hannah, baka kasi mawala niya ito, lalo na totoong ginto pa naman ang necklace ni Hannah. "oo naman! hindi ko na nga tina-tanggal e!" paliwanag naman ito ni Hannah.

back in my birthday...

sa lahat ng birthday ko, wala akong tatay na nag regalo sa akin ng kahit ano, back in those days, I don't even know my own dad, let alone having a gift from him diba? All this time I'm still jealous about them having a dad and receiving their gift, imagine paano nila pinag hirapan para lang makuha nila iyon sa anak nilang babae, kung paano nila inisip ang saya at tuwa ng mga anak nila nung binili nila ang regalo nilang iyon, kung gaano sila nag sacrifice para lang makita ang saya nila sa mga labi nila. "I also once dream saying thanks dad whenever I receive his gift, must be nice having a dad." sabi ko sakanila, "all this time, all I felt was jealousy among you guys, I'm sorry." sabi ko at nag confess na sakanila na nag selos ako sakanila, instead of anger, all I felt was their hug, "it's ok Gabby, naintindihan naman namin e." sabi ni Kelly sa akin at nag group hug lang kaming lahat, pati pa nga si Francine napa-luha sa mga sinabi ko e. "pero 'lam niyo guys.. sapat na kayo na mag regalo sa akin." sabi ko sakanila at yinakap sila pabalik, ngumiti naman silang lahat ng sobrang haba at hinigpitan ang yakap which is muntikan na akong mamatay dahil gina-gawa na nila akong sandwhich, muntikan ng masira buto ko sa sorbang higpit ng yakap nilang lima sa akin, wala kasi ngayon si Becca, nasa kabilang school na siya, pero nag greet naman siya sa akin sa group chat namin, and sapat na yun sa akin.

Katapos ng school nanood kami ng ninja lego movie at narinig ang word na ito "green is life" and it made me feel like, I am the life in this group, besides mismong sila na ang nag sabi na walang buhay ang grupo kapag walang tanga sa grupo AHAHAHAHA.






































To be continued...

The Art of Giving (Goddesses Series #3)Where stories live. Discover now