23th Gift

15 3 3
                                    

Chapter 23 ~ Flowers and Rain
┗━━━━━ •◦இ•◦ ━━━━━┛

Gabby's P.O.V.

Nagising na ako at naligo, napansin ko na may pagkain na sa mesa namin at kumakain na sila lolo at mama, nakisama na ako sakanila. Na miss ko ito, yung kasama sila, ang tagal ko na din sila hindi nakakasama kasi nag trabaho ako sa ibang bansa. "Good morning po ma, at lo." Sabi ko sakanila at yinakap ang mama ko at lolo ko. "Kain na anak." Sabi ni mama at binigay na saakin ang plato ko, kumuha na ako ng kanin at umupo sa tabi ni lolo at kumuha na ng pritong tilapia. "Hindi maaga alis mo?" Tanong saakin ni mama. "Hindi po ma, mamaya pang hapon." Sabi ko. "Alis na ako ahh, bye tay, bye anak. Mag ingat ka Gabby!" Sabi ni mama nung natapos na siyang kumain at nag mano kay lolo at tumungo sa lugar ko at hinalikan ang noo ko. "Mag ingat ka din." Sabi ko.

Maya maya nag paalam na ako kay lolo. Lumabas ako at may nakitang familiar na kotse, hindi ko nalang ito pinansin at baka mag kamukha lang yung kotse doon sa kakilala ko, yung nakakainis. Biglang may narinig akong nag busina, kaya naman nagulat ako at tumingin sa likod, may kotse na pumunta sa gilid ko. Nag stop ang kotse sa gilid ko at may lumabas na lalake, pumunta ito sa kabilang pintuan at binuksan ang pintuan ng kotse. "Pasok ka na, alam mo naman na walang jeep pumapasok sa Clark." Sabi niya, balak ko sana mag jeep, tapos tricycle ng konti tapos mag hanap na ng taxi doon, alam kong hassle iyon at magastos, since nag titipid ako ngayon, pumayag nalang ako at sumakay sa kotse, kaso imbes na pumasok sa passenger seat kung saan niya binuksan ang pinto, nag bukas ako ng pinto sa kotse at sumakay doon sa likod ng kotse. "Ok..?" Sabi niya at sinarado na niya yung pinto kung saan niya ito binuksan. Pumunta na siya sa driver's seat at nag start na mag drive, nag lagay na ako ng earphones sa tenga ko at tumingin sa window, timingin ako sa mirror doon sa gitna at napansin na nakatingin siya saakin, at agad din naman ito umiwas ng tingin at tumingin na sa daan. Tahimik kaming dalawa habang nag dr-drive siya papunta sa trabaho namin.

Nakarating na kami sa trabaho at bubuksan ko na sana ang pintuan ko ng biglang binuksan niya ito agad, hindi ko siya napansin na mas nauna siyang bumaba para lang buksan ang pintuan ko. "M'lady." Sabi niya at inabot ang kamay niya. Hindi ko ito tinanggap at inikot lang ang mata ko sakaniya, bumaba na ako sa kotse. "Gabby?!" Narinig ko na may tumawag sa pangalan ko, kaya naman lumingon ako sa likod ko at nakita si Kath. "Good afternoon Kath." Bati ko sakaniya, tinignan lang niya ako at tinignan si Edward, ngumiti ito saakin at lumapit sa gilid ko. "Akala ko ba sabi mo wala kang boyfriend?" Tanong nito. "Wala naman talaga." Sabi ko. "E, ano ito?" Sabi niya at tinuro si Edward at ang kotse. "Ewan ko." Yun nalang ang masagot ko sakaniya. "Ok.. sabi mo e." Sabi niya saakin at sabay na kaming pumasok sa hospital at tumungo na sa laboratory namin.

3 months later...

Tatlong buwan na ang nakalipas at hindi padin tumitigil si Edward sa pag kukulit saakin, naiirita na ako sakaniya, dumagdag pa ang team namin, lalo na si Kath, kasi pinag shi-ship kaming dalawa. Hindi ko naman sila masisisi kasi hindi naman nila alam kung anong nangyari, at ang kwento namin dalawa ni Edward. "Ayan na ang prinsipe ng Biologist team ng Australia." Sabi ni Kath habang hinigpitan ang hawak niya sa braso ko kasi kini-kilig na siya. Tumingin ako doon sa tinutukoy niya at nakita si Edward na may dala-dalang Green Carnation Flower. Which is yung paborito kong bulaklak, mas lalo uminit ang ulo ko, kasi yun yung bulaklak na binigay niya saakin nung naging kami na. Kaya naman agad na akong umalis. "Saak ka pupunta?" Sabi ni Kath habang hinahabol ako, hindi ko na pinansin si Kath at tumungo na sa elevator. Nag click na ako ng button at tinignan yung maliit na screen doon sa elevator. "For you." Sabi niya at may nakita akong bulaklak na nasa gilid ko, ang bilis talaga mag lakad nito. Hindi ko siya pinansin. "Gabby, I know what I did was wrong.. and I want to make things right." Sabi niya, ayaw ko na, ayaw na ayaw ko na, kasi iiyak na naman niyan ako.

The Art of Giving (Goddesses Series #3)Where stories live. Discover now