20th Gift

16 3 3
                                    

Chapter 20 ~ Liars go to Hell
┗━━━━━ •◦இ•◦ ━━━━━┛

Gabby's P.O.V.

Hindi ako makatulog buong gabi kaya naman puyat ako ngayon. If only Francine is the same school as me and nandito pa si Lina para kausapin ako. But I can't bother those two. Busy si Francine sa thesis nila habang nag wo-work na si Lina sa hospital for 12 hours straight tapos another 5 hours lecture and for sure mag re-review pa iyon ng mga apat pang oras, oaya 3 hours lang ang tulog ni Lina araw-araw. Busy din naman si Hannah since mostly nasa airport sila sa Clark, kasi nag OJT na siya. Busy din si Becca sa research nila and sila kambal din, lalo na si Iana, kasi wala na siyang masyadong tulog, puro plates nalang ang nagagawa niya. Tumingin ako sa orasan na nasa gilid ng kama ko at nakita na 4:30 am na, kaya naman bumangon na ako at gumawa ng almusal. Nag luto lang ako ng hatdog at itlog at nag saing ng kanin.

Naligo na ako habang hinihintay maluto ang kanin. Nung natapos na ako nakita ko si lolo na nag hahanda na ng plato at nag timpla na ng kape. Kumain ako ng mabilisan at umalis na ng bahay. Sumakay na ako ng jeep papunta school. Nung nakarating na ako sa school at pumunta na agad sa classroom. Nakita ko sa classroom si Edward at kumaway saakin, pero hindi ko ito pinansin at umupo sa upuan na malayo sakaniya. May napansin akong tumabi saakin at tumingin sa gilid at nakita si Edward na naka-ngiti. Hindi ako ngumiti pabalik at kinuha lang ang notes ko sa bag at nag basa. "Is there something wrong?" Tanong niya pero hindi padin ako nag sasalita pabalik at tumitingin sakaniya. "Why are you avoiding me." Tanong niya, napatingin na ako sakaniya at tinignan siya ng masama. "You promised na sasabihin mo saakin lahat from now on." Sabi ko sakaniya at napansin na nag tataka siya sa sina-sabi ko.

"What are you talking about?" Tanong niya. "Don't act dumb Edward! Nakita kita kasama sa SB si Hailey at pinag buksan mo pa ng pinto sa kotse mo." Sabi ko nag laki ang mga mata niya sa sinabi ko. "I can explain." Sabi niya, kaso hindi natuloy kasi dumating na ang professor namin at nag start ng mag discuss. Napapansin ko na may tumitingin sa gilid ko at nararamdaman na nakatingin siya saakin pero hindi ko ito pinansin at nag focus lang sa sinasabi ng prof namin sa harapan namin. Biglang may papel akong naramdaman sa siko ko at tumingin sa ilalim at nakita na may binibigay siyang papel saakin. Kinuha ko ito at tinignan ito: can we talk later? Ang naka sulat sa papel. Tumingin ako sakaniya na nakatingin saakin at nag hihintay ng sagot, tumango nalang ako at naging tahimik ang classroom at wala kang maririnig kundo ang boses ng professor namin sa classroom.

Dismissal

Tapos na din ang magabang klase at ang maraming subject sa araw na ito, natandaan ko tuloy yung sinabi ni Edward doon sa papel, umalis na ako sa classroom at tumungo na sa labas ng gate at nakita siya doon na nag hihintay saakin. Binuksan niya ang pinto sa kotse niya pero this time hindi ako pumasok at umupo sa loob. "Explain now." Sabi ko. "Here? Now? Maraming dumadaan." Sabi niya, he does have a point. Kaya naman pumasok na ako sa kotse.

Tahimik kaming dalawa habang nag dr-drive at napansin ko na dinala niya ako sa CDC sa Clark. Lumabas na siya at bubuksan na sana ang pintuan ng side ko kaso binuksan ko ito ng mabilisan, nag abot siya ng kamay saakin pero tinanggi ko ito. "Kaya ko na." Sabi ko at tumayo. "Now explain!" Sabi ko. "Nag kita lang kami sa SB, we just talk about things." Paliwanag niya. "And what things?" Tanong ko. "Just some stuff.. like memories from the past." Sabi niya. "Bakit niyo pa pinag uusapan ang past? Bakit? Gusto mo bang bumalik?" Tanong ko sakaniya at tumataas na ang galit ko. "Hindi naman sa ganon Gabby! We are just friends! Bakit ba lagi kang nag seselos pag dating na kay Hailey? Ano ba ang ginawa ni Hailey sayo hah?!" Tanong niya at nag tataasan na ang boses namin.

"Yes! Selos ako sakaniya, hindi ko din naman alam bakit. Pero I just want you to stay away from her." Sabi ko sakaniya. "I can't do the things you just said Gabby, how am I gonna stay away from her? She's my friend! If you are going to look at which side is wrong, you should look at yourself! Nabubulagan ka na sa selos!" Sabi niya saakin, naiiyak na talaga ako pero pinipigil-pigil ko lang. "Let's go home, hahatid na kita." Sabi niya saakin, hindi na ako tumanggi at pumasok na ulit sa kotse. Again.. tahimik sa loob ng kotse on the way home.

The Art of Giving (Goddesses Series #3)Where stories live. Discover now