7th Gift

22 3 9
                                    

Chapter 7 ~ University
┗━━━━ •◦இ•◦ ━━━━┛

Gabby's P.O.V.

"WELCOME! TO AUF!" sabi ng babae sa harap ng gate, papasok na kami, kasama ko ngayon si Lina at Hannah sa pag pasok sa school, since nag usap usap na kami na sabay sabay na kami pumasok, since same naman ang unibersidad na pinapasukan namin, kaya naman sabay sabay nalang kami, at least diba may kasama, though iba iba ang class namin, and ibang building si Hannah since tourism ang kukunin niya. Parehas kami ni Lin na under sa medicine/science, kaso iba padin ang department namin ni Lina, since Lina is more on Allied Medical Professions, kasi ang Course ni Lina ay Radtech. Habang mag ta-take ako ng Biology. Alam ko ay may balak din si Lina sa pagiging doctor, since sabi naman niya ay pag katapos niya sa Radtech mag aaral siya for Orthopedics or Radiologist. Sakto namin nakita si Becca nung pumasok kami, umalis na si Hannah kasi pumunta na siya sa building niya, and kami ni Becca nag tungo sa building namin, since bago pa naman kami dito, hindi namin masyado alam kung saan kami pupunta.

"excuse me, can you please help us?" biglang tanong ni Lina sa isang gwapo na lalake, that's strange.. Lina has a social phobia, she doesn't socialize much, and she's afraid of strangers, but.. how the heck did she ask.. a STRANGER?! Tinulungan naman kami nung dalawang gwapong lalake at tumungo muna sa classroom ni Lina. Since same naman ang classroom namin nung isang lalake, sabay na kami umalis and iniwan na namin si Becca at yung isa pang gwapo, pero kung ako mamimili kung sino pinaka gwapo? I'm gonna say yung kasama ni Becca ngayon, pero gwapo din itong kasama ko, mukha siyang half, kasi parang may pag-ka white american ang lahi ng kasama ko, and ang ganda ng accent pag nag english. "I'm Edward." sabi niya sa akin and he let out he's hand for a handshake. I took his hand and shake it, "Gabby." simpleng sabi ko, pumunta na kami sa classroom, nag iba kami ng sits, I mean bakit nga ba kami mag kakatabi diba? we just met! The class went well, and I'm surprisingly amazed sa mga subjects namin, ang hihirap, I hope kung ok pa sila Lina and Becca sa kinukuha nila ngayong lessons, and I hope magiging ok din ako, mukhang ito ata ang kamatayan ko.

>>> lunch <<<

Pumunta na ako sa cafeteria ng nakita ko na naka-upo na sila Hannah at Becca, kaya naman umupo na ako sa tabi nila. "nasan yung maliit na gasul?" tanong ni Hannah saamin ni Becca, we just shrug our shoulders, kasi naman malay-malay ba namin kung nasaan na yun. "can we take a sit here?" tanong ng dalawang lalake, tumingin naman kaming tatlo at yung mga lalake na naka-usap namin at nakasabay sa pag punta sa classroom. "sure." sagot ni Hannah na may malaking ngiti sa mukha niya, tumingin siya saamin dalawa ni Becca at pina-pakita ang mahabang ngiti niya, hay naku, basta may gwapo... pero sabagay, kahit sino naman makakita sakanila kikiligin e, for some reason kinikilig lang ako kay Edward. I still remember kung ano yung sinabi saakin ni Lina nung grade 9 kami. "kung may lalake na mangliligaw sayo, it should be someone... pogi, matalino, mabait, and of course.. may accent~". He is handsome, like damn handsome, mukha naman siyang mabait at matalino, and his voice, the way he speaks, nakaka-nose bleed lang, plus mukha siyang half-half. "nice to meet you, I'm Edward, and this is my friend David." sabi niya saamin, and nag introduce naman kaming lahat sakanila, "and I'm Lina, nice to meet you." sabi ni Lina sa likod ni Hannah, kaya naman nagulat ito kay Lina, well hindi lang naman si Hannah ang nagulat, kundi kami din ni Becca. "ikaw talaga, kahit saan sumusulpot ka." sabi ni Becca at umupo sa tabi ko si Lina, since may space pa sa tabi ko. "liit kasi e, kaya kahit saan pwede sumulpot." sabi ni Hannah at tumawa naman kaming lahat, na pati yung dalawang lalake tumawa din. "haha. very funny." sabi ni Lina, pero in the end tumawa din siya e.

>>> 3 weeks later <<<

"sus! kung ako babae, mas maganda pa ako sayo." ayan na ang chaotic duo nila Becca at David, kailan kaya sila titigil? "guys punta daw tayo sa cafe after dismissal." sabi ni Lina habang tinignan ang phone niya ng saglit at tinanggal niya ito at kumain ulit. "what cafe? pwede ba kaming sumama?" tanong ni Edward kay Lina. "wow.. hindi ko alam interested ka pala sa mga cafe." sabi ko sakaniya, who would know Edward like cafe, I think magugustuhan ko din ata ang cafe dahil sakaniya.. you might think why? duhh~ hindi pa ba halata? si Edward crush ko, well everyone already know, lalo na si Francine, nasakaniya lahat ng information kung anong nangyayari sa mga buhay ko, of course alam ko din kung anong nangyayari kay Francine sa HAU. "sus, gusto mo lang makipag close kay Li--" hindi natuloy ang sinabi ni Dino ng tinakpan ito agad ni Edward, makipag close kanino? "yeah sure, plus patay na patay na si Francie na makita kayong dalawa." sabi ni Lina and she sip her strawberry milk while looking at Edward. Edward smiled and God.. I think heaven went down for a second. "who's Francine?" tanong ni David with his handsome confuse looks, pag kasi pogi ka, kahit anong face reaction pogi padin e. "you'll meet her.. soon.." sabi ko, thinking all of Francine's chaotic things she does everyday... sa group talaga namin meron kaming tina-tawag na the four chaos, and that's Hannah, the clown. Lina, the demon. Francine, the girl from alternate universe. And me, the alien.

The Art of Giving (Goddesses Series #3)Where stories live. Discover now