21th Gift

25 3 6
                                    

Chapter 21 ~ Take a Break. Have a KitKat
┗━━━━━ •◦இ•◦ ━━━━━┛

Gabby's P.O.V.

Few months later...

"Congrats Gabby!" sabi ni Iana. "Gabby! Tingin dito!" Rinig kong sabi ni Hannah habang may hawak ng canera. Ang unang nag graduate saamin ay si Hannah, sumunod naman si Francine at Kelly, katapos nilang dalawa, si Becca naman, ako na ang sunod. Wala pa si Lina dito kasi meron pa siyang tinatapos na 6 months doon at meron pang isang year si Iana bago siya mag graduate. "Thanks guys." Sabi ko sakanila. Nag start na ang ceremony kaya naman nag wait sila sa ilalim ng SCC building, naka AC naman ang buong building kaya hindi naman sila maiinip doon at meron naman tv doon para makita ang ceremony. Nakita ko si Edward pero hindi ko ito pinansin, isa din sa pangarap ko na mag graduate kami ni Edward at mag sama ng matagal.

Hindi ko naisip na may wakas din pala. Tumayo na ang section ko kaya naman nag pila na kami according sa alphabetical names namin. Natawagan na ang pangalan ko at pumunta na sa stage, pumunta muna ako sa gilid at tumingin sa mga taong naka upo habang hinahanap sila mama at lolo, naiyak ako nung nakita ko silang dalawa. Nag bow ako sakanila as a sign of respect at sa pag sasalamat dahil kahit may kulang man sa paningin ng ibang tao, para saakin, kumpleto at nag papasalamat ako sa Diyos na binigyan ako ng biyaya na mag karoon ng magulang na suportadong nanay at mabait na lolo na palagi nasa tabi ko kapag may problema na ako. Kahit hindi ko nakikita ang mga kaibigan ko sa mga naka upo, sa damdamin ko nag papasalamat padin ako kasi hindi nila ako iniwan at hindi sila humiwalay saakin.

Sila ang unang genuine true friends na nakilala ko sa buhay na ito. I wouldn't ask for more. Natapos na din ang graduation ceremony kaya naman bumaba na kami sa ground floor at nakita mga kaibigan ko na handa na ang camera nila para picturan ako kasama si mama at lolo habang hawak hawak ang diploma ko, katapos ng picture saamin ni mama at lolo, kinuha naman ni mama ang camera at kinuhanan kami ng picture kaming mag kakaibigan. Katapos ng picture namin lahat, sumakay na sila sa kotse, iba't iba ang sakay nila, habang naka sakay lang kami ni mama sa tricycle ni lolo at pumunta na sa venue.

May plano kasi kami na kapag nag graduate na kaming lima mag hahanda kami sa isang venue, at nandoon na ang parents namin, kaya na pinag ipon namin iyon. Nakarating na kami sa na rent naming venue na may pool para mas masaya. Kinuha ko na ang bag ko at nag change na ng mas komportableng damit at nakipag pila na kung saan may pagkain. Kumain muna kaming lahat ng biglang may sasakyan na dumating at nag park ito sa parking kung saan kami naka park. "Sino yun?" Tanong ko. "Hindi ko alam.." sabi ni Hannah at mukhang wala din alam silang alam. May nag bumaba na sa kotse at tumingin kaming lahat.

"LINA!!" Sigaw ni Francine at ako kaya naman tumakbo kaming lahat sakaniya at yinakap siya. Niyakap kaming mahigpit. "Congrats sainyong lahat!" Sabi niya at may bitbit na maliliit na bouquet sa amin lima. Nag pasalamat kami at dinala na siya sa kung saan may kumakain, pero bago iyon, nag mano muna siya sa magulang ko at sa magulang nila Hannah, Becca, Francine at kambal. "Sino kasama mo?" Tanong namin sakaniya. "Ah si Kuya ko." Sabi niya at bumaba na din sa kotse ang kuya niya katapos niyang pinark ang kotse ng maayos at pumunta sa tabi ni Lina at pinag kuha na namin siya ng plato para kumain na siya.

Nasa isang table kami at finally kompleto na kami ulit. Nag pa picture kaming lahat habang naka upo sa table na may pagkain sa mesa. Nag pa-picture pa kami sa magandang view na kaming pito. "Paano ka nakauwi? At bakit hindi mo sinabi saamin?" Tanong ko sakaniya. "Well, nag pa excuse ako ng isang araw lang sakanila. Kaya hindi man ako mag overnight dito, aalis din ako mamayang gabi." Sabi ni Lina, kaya naman naintindihan namin siya at tumango nalang, yinakap ko siya ng mahigpit kasi na miss ko talaga itong maliit na ito. "Kamusta naman ang hospital doon?" Tanong ni Becca. "Maayos naman.. medyo nakaka-stress lang mga ibang patyente." Sabi ni Lina.

The Art of Giving (Goddesses Series #3)Where stories live. Discover now