18th Gift

16 3 3
                                    

Chapter 18 ~ Hailey
┗━━━━ •◦இ•◦ ━━━━┛

Gabby's P.O.V.

Nakauwi na ako at nag mukmok sa kama ko. Iniyakan ko lang ang buong gabi. Pagka gising ko sobrang bigat ng mga mata ko sa kaka-iyak. Hindi ko alam ano nangyari sa akin at nagawa ko iyon, hindi ko din alam bakit ako nag selos agad kapag kay Hailey, pero sa ibang babae hindi naman ako nag selos. Kahit nung nag ka crush siya kay Lina, hindi naman ako nag selos kay Lina. Pero kahit naman na kami na ni Edward, hindi padin ako kontento sa pag hawak ni Hailey sa braso ni Edward at pag tawa nilang dalawa. Naiinis lang talaga ako nung nakita ko yung mga nangyari na iyun. Kumain na ako ng almusal at umalis na ng bahay.

Nakarating na ako sa school at talagang wala ako sa mood. Dahil sa sobrang dami ng ginagawa at dadagdag pa itong problema ko sa selos ko. Nakita ko si Edward na pumasok sa room, hindi ko muna siya pinansin kasi ayoko muna makita mukha niya, dahil na din nahihiya akong pakita mukha ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa iyon at bakit ang bigat ng pakiramdam ko kay Hailey. Ako pa nga mismo ang nag sabi kay Lina at Becca kahapon na wag mag husga sa ibang tao na hindi mo naman kakilala.

Afternoon

Nandito ako sa cafeteria at naka upo lang habang tinitignan si Lina kumakain ng sandwich habang kumakain ng salad si Becca. "Hindi ka kakain?" Tanong ni Becca at tumingin lang si Lina. Halatang hindi niya napansin na hindi ako kumakain. "Hindi ako gutom." Sabi ko. "Ikaw? Hindi gutom? Katapusan na ba ng mundo?" Sabi ni Lina, napaka over reaction talaga nito. "Hindi ba pwede na wala lang akong ganang kumain ngayon?" Sabi ko kay Lina. "E yun na nga e! Ikaw na walang ganang kumain?" Sabi ni Lina. "Himala lang kasi na hindi ka kumakain.. may problema ba?" Tanong ni Becca sa akon. "Bakit naman himala?" Tanong ko at hindi pinansin ang tanong ni Becca kasi ayoko muna sabihin.

"Kase lagi kang kumakain, kahit naman kakatapos mo lang kumain, kakain ka padin kapag may nakita kang pag kain na gusto mo." Paliwanag ni Lina. "Kaya nag tanong ako kung ok ka lang ba?" Tanong naman ni Becca. "Nag away kami." Yun lang masabi ko at tumingin sa ilalim. "Sino? Ni Francine?" Tanong ni Lina habang tumaas ang isa sa kanyang kilay. "Hindi.. si Edward." Sabi ko sakanila, nagulat naman itong dalawa at nag tinginan pa sa isa't isa. "Anong bang nangyari?" Tanong ni Becca at mukhang nag aalala na. "Nag selos lang kasi ako kay Hailey." Simpleng sabi ko. "E bakit naman?" Tanong ni Lina at kumagat sa sandwich niya.

"Hindi ko alam, parang ayaw ko lang siya nakikita kasama si Ed, at ayaw na ayaw ko yung pag hawak niya sa braso ni Edward. Parang ang l*ndi niya." Sabi ko at tiniganan ang dalawa nag tinginan muna sa isa't isa at tumingin pabalik sa akin. "Akala ko ba sabi mo saamin na huwag mag husga agad agad? E kung sasabihin mo din naman na mal*ndi si Hailey." Dagdag ni Lina habang sarap na sarap siya sa pagkain nito. "Hindi ko din alam ok?" Sabi ko at hinawakan ang ulo ko kasi ang sakit na ng ulo ko kaka-isip sa problema na ito. "At hindi lang iyon.. nung gabi na sinundo si Hailey, hinalikan ni Hailey ang pisngi ni Edward kaya ako nainis din." Sabi ko, nag laking mata naman itong dalawa at nag bukas ng bibig, nahulog pa ni Lina ang sandwich niya sa plato niya.

"Hi guys!" Sabi ni Hannah at pumunta sa lugar namin, umupo ito sa tabi ko since mag ka tabi naman sila Lina at Becca. Linapag na ni Hannah ang pagkain niya at tumingin sa dalawa na gulat na gulat padin. "Anong balita? May chismis ba na hindi ko narinig?" Tanong ni Hannah. "ANO?!" Malakas na sigaw ni Lina at napatayo pa ito. "Kalma lang Lina" sabi ni Becca at tumingin sa ibang tao ang hihingi ng 'sorry' kasi ang ingay ng kasama namin. Naupo naman si Lina at tumingin saakin si Hannah. "Anong nangyari? Anong ano? What is what?" Maraming tanong ni Hannah. "Hinalikan daw ni Hailey si Edward sa pisngi nung hinatid daw siya pauwi." Paliwanag ni Becca kay Hannah at nagulat din ito.

"OMG WHAT?!" Sabi ni Hannah at napatakpan pa ng labi at tinignan ako. "Ano sinabi ni Edward sayo?" Tanong ni Becca. "Sinabi lang niya na gesture yun sa Australia na parang greetings or kapag nag thank you ka." Sabi ko. "Psh! As if!" Sabi ni Lina at ang ironic rolled eyes niya. Tinignan ko ang time at oras na para sa next class ko. "Guys alis na ako, may pasok pa niyan ako." Sabi ko sakanila at tumayo na sa upuan ko. "Ok, goodluck sa class" sabi ni Becca sa akin at nag lakad na ako papuntang classroom.

The Art of Giving (Goddesses Series #3)Where stories live. Discover now