6th Gift

14 3 1
                                    

Chapter 6 ~ I and Me
┗━━━━ •◦இ•◦ ━━━━┛

Gabby's P.O.V.

"pahingi Gabby!" sabi ni Lina, seat mate ko kasi siya ngayon, wala pa ang teacher namin at hindi pa nag sta-start ang class nandito na kaming lima sa classroom, si Francine nalang wala, habang yung ibang kaklase namin na wala pa rito, konti palang kami dito sa classroom and may dala dala kasi akong pancit ngayon kasi sobrang aga ako umalis ng bahay and hindi pa ako nag almusal. "hindi ka na naman kuma-kain?" sabi ko kay Lina, may habbit kasi siya na hindi kuma-kain pag may problema e, e mostly naman may problema si Lina, lalo na when it comes to her father side family. "sino pa bang kakain sa bahay kung puro away lang naririnig mo sakanila." sabi ni Lina, mayaman si Lina, actually kami ni Francine we describe her as a Ohime-sama in english ang meaning non is Princess, since ganon din naman ang buhay ni Lina, nung una I was jealous on her life being, pero nung nalaman ko lahat ng nangyayari sa kanila, I kinda pity her na lumaki siya sa lugar na iyon.. "buti nalang dalawa dinala kong tinidor, kain na." sabi ni ko sakaniya at kinuha ang isang tinidor at kumain na, habang sabay na kaming kumain sa isang styrofoam.

"umagang umaga kuma-kain na kayo." sabi ni Francine nung nakita ko siyang umupo sa tabi ko, sa seating arrangement naming ngayong 10th grade ay: Francine, me, Lina, Kelly, Iana, Hannah. Naka U shape kasi ang table naming lahat, and the left side kami ng U. "late na ako nagising, kaya hindi ako naka-kain ng breakfast." paliwanag ko and tumigil si Lina sa pag kuha ng pancit at linunok ang kina-kain niya. "hindi ako kumain ng dinner at breakfast sa bahay." sabi ni Lina, alam na alam kung may problema si Lina, kasi si Lina yung type na hindi kumakain kapag may problema na nangyayari sakaniya, naintindihan naman ni Francine ang condition ni Lina, kaya pag si Lina kuma-kain ng marami sa scchool, alam na alam hindi na siya kakain sa bahay, and kapag konti lang kina-kain ni Lina, yun yung araw na ok pa yung situation sa bahay nila. "ano na naman ang nangyari?" tanong ni Francine sa kaniya, and hindi na nag salita si Lina kundi kumain nalang siya, kaya hindi na nag tanong si Francine kasi alam niya na ayaw pa sabihin ni Lina, soon sasabihin din naman niya.

Nung nasa grade 10 na kami, doon ko lang na realize na kompleto man pamilya nila may problema padin na nangayayari sa loob ng bahay nila, halos sila Kambal lang talaga ang walang problema at ok-ok ang nasa pamilya nila, kaya minsan pati si Lina napapa-sana all kay Iana at Kelly sa pamilya nila e, Lina would always tell us how much she wants to be a normal girl, hindi yung babae na born as a silver spoon na nasa bunganga niya, kundi maging simple lang pati ang status nila sa pamilya nila, Lina would always dislike money, though until now I still don't know why.. maybe someday she'll tell me, or tell us. "Gabby, Iana, tawag kayo ni sir Jeremy sa faculty room." sabi ni Keziah sa amin nung pumasok siya sa classroom, nakita namin na papasok na si sir Arvin sa classroom namin, "saan kayo pupunta?" tanong ni sir Arvin sa amin dalawa, since pumapasok na sa classroom yung iba na nasa labas, "tinawag po kami ni sir Jem sa faculty." pag papa-liwanag ko kay sir Arvin at tumango naman ito at pinalipas kami at pumasok na sa classroom habang kami ay bumaba na ng hagdan at pumunta sa faculty room. "ano po yun coach?" tanong namin sa TLE teacher namin na si sir Jeremy a.k.a. as coach Jem, coach namin siya sa volleyball. "training bukas starting 6 am, paki sabi sa lahat ng volleyball members, pipili lang ako ng 6 players kasi 1 game lang, hindi seryoso ang game, kayo bahala kung seseryosohin ninyo, mag training lang kayo para ma-maintain ninyo physical and endurance ninyo if ever man may seryoso na laro." mahaba na paliwanag ni coach Jem sa amin, anong ibig niyang sabihin na kami bahala kung iseseryoso namin? Bakit? Mahirap ba ang makakalaban namin sa laro?

"sino po kalaban coach?" tanong ni Iana, siya kasi ang captain ball sa volleyball, ako and si Francine ang laging kasama ng captain ball, pero ako napili ngayon e. "BAFDI." maliit na sinabi ni sir, sa lahat ba naman ng makaka-laban namin yung school pa ng mga mayayabang at maarte! well except si Becca, may tawag kasi silang the BIG 5 na school, let me tell you.. ehem ehem..

The Art of Giving (Goddesses Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon