25th Gift

17 3 2
                                    

Chapter 25 ~ The Art Of Giving
┗━━━━━ •◦இ•◦ ━━━━━┛

Gabby's P.O.V.

5 months later...
Age: 24

"Are you Ms. Montez?" Sabi nung delivery guy na nasa labas ng pintuan ko ngayon. Nagising ako kasi may nag pipindot ng doorbell ko kaya naman agad akong pumunta sa pintuan at nakita at binuksan at isang post man ang nakita ko na naka tayo sa labas ng pintuan ko. "Yes." Sabi ko. "This letter is for you." Sabi nung post man. Nag pa thank you ako at pumasok na sa loob, binaliktad ko ang malaking envelope at binasa ang nasa likod.

For my dear friend, Gabby.

Binuksan ko na ang envelope at tinignan kung ano ang nasa loob.

"Hi! It's us! Lina, Francine, Kelly, Iana and Hannah. Kamusta ka na? We found out na gusto mag proposed ni David kay Becca and would like to surprise her. We give you this invitation kasi need ka din doon. Ready your passport and papers kasi need mo na mag booked ng flight sa USA. You will be needed to come at June 17. We'll meet you there!

Sincerely yours... your friends."

OMG! Mag pro-proposed na si David kay Becca? Matagal ko na silang hindi naka kasama, miss ko na silang lahat. Agad naman akong pumunta sa table at binuksan ang laptop ko at nag hanap ng murang flight papunta sa USA at buti nalang may nahanap ako. Nag booked na ako ng flight at nag set ng dates. Nag bayad lang ako through online banking at pumunta sa messenger kung sino naka online, buti nalang naka online si Francine

Gabby: nakapag booked
na ako ng flight!

Frankie: nice! Ako din!
See you there nalang!

Gabby: see you
:)

Pinatay ko na ang laptop ko at binuksan ang bintana ko para pumasok ang malamig na hangin at pumunta sa sofa at umupo at binuksan ang TV. Habang tulala ako sa TV, naisip ko tuloy ang mga nangyari saakin these past few months. Hindi talaga tumigil si Edward sa pag liligaw saakin at kahit anong sasabihin ko sakaniyang nakaka-sakit, naka ngiti padin ito kahit nakikita mo sa mga mata niya na nasasaktan din siya. I tried na mag focus nalang ang pinapanood kong news sa TV, pero si Edward padin ang laman ng utak ko. And I'm gonna lie to myself kung sinabi ko na hindi ako napapa-kilig ni Edward. He really changed. Hindi na siya yung Edward na nakilala ko dati. He showed na he truly loved me and only me. Pero meron padin saakin na nag didilim sa puso ko. Hindi easy makuha ang 'trust' mo lalo na kung sinira ito ng tao na napaka importante sayo.

Tumayo na ako sa kina-uupuan ko kasi na bored ako. Pinatay ko na ang TV at umalis ng apartment building. Nag lakad ako sa nearby park at umupo sa isa sa mga benches at tumingin sa paligid ko. May biglang umupo sa gilid ko at nakita si Edward. "For you." Sabi niya at binigyan ako ng green carnation, yung favorite flower ko. Hindi na ako nag pigil pa at kinuha ko ito. "Thank you." Sabi ko, tahimik lang kami naka tingin sa mga ulap. Napatingin ako sa kamay ko nung may naramdaman akong may humawak sa kamay ko. "Sorry." Sabi niya at halatang lumungkot ang kaniyang mukha habang tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. "It's ok." Sabi ko. Oo... hindi na ako nag pipigil, kasi alam ko naman sa sarili ko na napapa-hulog na ako ni Edward.

Ngumiti ito ng malaki at kinuha ang kamay ko at linagay sa kamay niya. Tumingin na ako sa mga puno at nakita ang mga damo sa puno. This feels relaxing. Pinikit ko mata ko at linagay ang ulo ko sa balikat ni Edward. "I wish this isn't a dream." Rinig kong sabi niya. "I love you Gabby." Sabi niya. Palagi nalang niya sinasabi iyan saakin, simula nung nasa Pilipinas pa kami nag ligaw na siya saakin, at hanggang ngayon hindi pa siya tumitigil. Kaya naman sumuko na ako sa kakulitan ko kasi alam naman natin lahat ang nararamdaman ko sakaniya. "Me too." Yun lang sabi ko, napansin kong tumingin ito saakin, kaya naman tinignan ko siya at nakita na naluluha siya. "A-are you s-sure?" Nauutal na pag kasabi niya habang pumapatak na ang luha niya. "Yeah." Sabi ko sakaniya.

The Art of Giving (Goddesses Series #3)Where stories live. Discover now