27

2.7K 65 7
                                    


Natapos na kaming kumain at enjoy na enjoy si Heiji dahil sa paglalaro nito ng nakuha niyang toys mula sa Jollibee.

Hinayaan ko na din naman dahil kasiyahan naman iyon ng bata. Nag papicture din sila ni Friosty sa labas sa Jollibee statue pagkatapos naming kumain at umalis na pagkatapos.

Kaya ngayon ay madilim na at puro kakahuyan at mga puno na ang nasisilayan ng mga mata ko sa labas ng bintana. I looked at Friosty and ask him.


"Where are we?" I ask. Binalingan naman niya muna ako sandali bago sumagot.

"Nasa Nueva Ecija na tayo." Sagot niya kaya napabaling ulit ako sa labas ng bintana at mas nakaramdam ng excitement.

Sa ilang nadaanan pang mga puno ay nakarating na kami sa destination namin. Madaming puno sa gilid at sa gitnang bahagi ay ang malaking bahay.

Pagkapatay ng makina ng sasakyan ay sabay na kaming lumabas ni Friosty sa sasakyan at kinuha naman niya si Heiji na nakatulog sa kakalaro.

Kinuha ko naman ang ilang gamit namin pero kinuha lang din iyon ni Friosty kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hawak mo na nga iyang bata, kukuhain mo pa ang mga dala ko." Inis kong sambit ng magsimula na kaming maglakad.

"Ayoko naman kasing makita ka na nahihirapan sa mga dala natin kahit kaya ko naman." Sambit nalang niya.

Hindi na ako nagsalita pa at itinago na lang ang sumusupil na ngiti sa labi ko.

Nakapasok na kami sa loob at masasabi kong maganda ngunit puro antique na ang nasa bahay.

"Oh jusmiyo! Sir Friosty nakarating kana pala." Mabilis kaming napabaling sa babaeng nagsalita.

"Manang ikaw pala. Kamusta ho." Magalang na sabi ni Friosty at marahang nagmano sa Babae habang kilik pa din ang kapatid ko. 

Ngumiti ang babae at tumuon ang pansin saakin kaya naman yumukod ako at nag sabi ng magandang gabi para sa paggalang.

"Magandang gabi po." Marahang anas ko at nginitian ito ng maliit.

"Ikaw na ba ang asawa nito si Sir Friosty?" Nanlalaki naman ang mga matang napabaling ako kay Friosty ng marinig iyon.

"Friosty!" I hissed under my breathe at pinanliitan siya ng mga mata.

"Manang mahiyain po ang Misis ko kaya next time nalang po." Ini-Emphasized pa niya ang salitang Misis ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ay ganon ba, o siye siguro'y gutom na kayo't halina. Iyan na ba ang anak mo?" madaldal na paguusisa pa ng babae at inaya na kami patungo sa kusina.

"Ay naku Manang hi-"

"Yes Manang." Friosty cut me off and smiled at me when out glares met.

"Aba'y kay guwapo nga rin ano. Hijo anong pangalan mo?" tanong niya kay Heiji ng mai-upo na ni Friosty sa upuan.

Ipinaghila naman ako ni Friosty ng upuan na siyang tinanguan ko naman bago umupo na. Siya naman ay tumabi kay Heiji bale napapagitnaan namin ang bata at kaharap naman si Manang.

"Heiji po." magalang na sambit ng kapatid ko at nginitian ito ng maliit.

"Pangalan pa lang ay ang ganda ng pakinggan. Kita mo nga naman Sir Friosty, pagkatapos ng lima-"

"Manang." napatigil naman ang matanda sa pagsasalit ng tawagin ito ni Friosty at tinignan.

"Ay oo nga pala. Ikaw ineng, sa manila ba kayo nagkakilala nitong si Sir Friosty?" Tumango nalang ako sa tanong niya.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now